this on Facebook!

Happy new year!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Salamat 2010! Paalam!

Hello 2011...happy new year sa lahat!


Nakakalurkei na Thursday

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Kwento ko lang ha. Medyo nakainom ako. Uu umiinom din ako. Di naman ako perfect na kala mo santa-santahan. Mabait naman ako pero alam nyo yun, may kagagahan din ako. Di pa ako lasing okay? (pramis!)


Magulo ang 2010

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Ang title ko dapat ay "Madamot ang 2010" pero binago ko. Napaisip kasi ako. Hindi naman pala masyado. Kaya pinalitan ko. May baguhan naman. Ginawa kong magulo. Kasing gulo ng kwarto ko. Garsh!


Undecided

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

This year, 2010, I'm longing to receive something from my special someone and since this someone wasn't able to give it to me, our relationship went on the rocks. I know I'm being unfair. I'm selfish.


Mabilis lang to!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Merry Christmas!!!


Klet Update

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ehem! Ah...eh... nandito pa ako. Medyo busy-busyhan lang ang Klet kaya di nagpopost.

Maraming nangyari sa maraming araw na nagdaan....


Tililing Tililing

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Oh my gawd! Hindi nyo kakanayin ito. As in!  Isang kakaibang experience nanaman ang naranasan ko with my friends at hindi ko alam kung talagang malas lang ang isa sa kanila kaya nilalapitan kami ng bad luck.


Sentimiento de pimiento

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Parang hindi ko ata hinangad na maging superwoman. Yung naka bra at panty lang na may kintab-kintab para hindi halatang panloob pala siya. Ayoko din ng may kapa (yung telang pula o asul o kung anuman kulay yun na ninakaw lang sa kung kaninong sampayan). Ayoko din na sisigaw ako at iikot para magpalit ng anyo mula sa pagiging Klet sa pagiging Super Makulet (lalong kukulit lang pala hahaha), o kaya naman ay lulunok ng bato na di ko alam kung saan galing.At ayoko din ng boots na talo pa ang medyas ng mga sinaunang basketbolista na abot hanggang tuhod.


Oh my Momay!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

December na pala? (December 4 na pero ngayon ko lang napansin. Adik) Ang bilis bilis naman ng panahon! Parang nung minsan lang ay namomroblema ako ng ipangreregalo tapos ngayon, mamomroblema nanamana ako.  Wala pa naman akong ipon. Garsh!


Salamat sa Blogosphere

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

May heated conversation kanina. Muntik na akong magpalit-balat (lobo?)

May ipinipilit kasi sa akin na di ko pa daw nagagawa pero alam kong matagal ko nang tapos yun. Ang hirap lang kasi kapag di napapareceivan, pag nakalimutan, wala na lang.


Weekend of misadventures

10
Posted by: Klet Makulet, 10 comments

Napapamura ako sa isip dahil sa mga nagyari sa akin nung Sabado at Linggo. Hindi ko akalain kasi na yung magandang plano ay magiging magulo. Pero may good part din naman. Heto ang mga nangyari:


*ubo* *ubo*

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Hulaan nyo kung ano naman ang sakit ko ngayon. Di ba obvious sa title?

After the mute mode, maingay na ako ngayon dahil tinalo ko pa ang aso namin sa kakatahol. Yes! May ubo ako pero awa ni Lord di ko pa kailangan ng cable o antenna para makapanood. Ganito ata talaga pag sobrang stressed and busy (naks)


Mute mode ako ngayon

8
Posted by: Klet Makulet, 8 comments

Ma'am di po ako makakapasok kasi po masama ang pakiramdam ko...wala po akong boses ngayon. 

Text ko yan sa aking boss, amo, chief. Ineenjoy ko ang aking sick-leave ngayon.

Teka kilala nyo ba si Renz Verano? E si Michael Bolton? E yung mga punkistang sumisigaw na parang galit na tigre? Ganun ang boses ko ngayon. Kanina, wala. Para akong isa sa Bee Gees na nakiki-halinghing dahil walang boses (walastik sa mga example puro pangmatanda).


Suicide

6
Posted by: Klet Makulet, 6 comments

Ayoko sanang mag-blog ngayon kaso medyo ilang araw na ding walang bagong mababasa dito kaya napilitan na ako. Isa pa sa nagiging dahilan, wala akong makwento tungkol kay Harry Potter (inggit si me!) kasi di pa ako nanonood (bwuhuhuhu).


Anniversary?

5
Posted by: Klet Makulet, 5 comments

Napapaisip ako everytime na may nagpopost tungkol sa anniversary o birthday ng kani-kanilang mga blog. Kelan nga ba ang Bertdey ni Klet Makulet?


Thanks to Gillboard

10
Posted by: Klet Makulet, 10 comments

Sa totoo lang, ang ipopost ko sana ay ang blog ko tungkol kay Manny Pacquaio dahil kakatapos ko lang makapanood ng libre online. Pero biglang may kung anong humihila sa akin para i-check ang aking dashboard at tingnan ang mga iniistalk kong bloggers.



Wala akong maisip na title kaya ito na lang ang title na inilagay ko. Pramis wala talaga!!!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments





Maniniwala ka ba pag sinabi kong mabait ako? Oo mabait ako! Wag mo nga lang itatanong sa nanay ko kasi, sa lahat ng mga nanay, siya yung di hanest. Elibs nga ako sa kanya kasi kahit sabihin ko na magagalit sa kanya si Bro ayaw nyang bawiin yung sinabi nya na di ako mabait.


Confident si 'teh

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Wala akong maipost kayayung medyo nasasagap na lang ng tenga ko ang ipopost ko dito. Tungkol ito sa mga nagkakamaling sinasabi.  Natawa ako pero di ko alam kung matatawa kayo. Mababaw lang kasi ako. Di na kailangang umeffort para matawa ako.


Naka-uto!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Galing lang ako sa iskul ko at nagkita-kita ulit kami ng mga klasmeyts ko na parang mga hayskul lang kung umasta pero mukhang hayskul ang tangkad nila hehehehe.

Nagkukuwentuhan sila nang biglang tinanong ako nung isa kung ano daw ang blog. At ako naman si yabang kinarir ko ang pagpapaliwanag at may lampas lima akong nauto.



Terror mismo

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kanina ay kinakalabog ng kaba ang dibdib ko dahil sa bali-balitang may banta ng terorismo sa NCR. At ang matindi pa niyan, yung mga sinasakyan ko pa at pinupuntahan ang sinasabing maaaring pasabugin ng mga kautak ni Bin Laden.



Huwaaat??!!!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Tapos naman na ang Halloween at ang November 1 and 2 kasi November 3 na ngayon pero may kung anong naglalaro pa din dito at pinagtitripan ang nananahimik ko blog. Waaaaaaaaaa!


Panaginip

5
Posted by: Klet Makulet, 5 comments

Madalas may lumalapit sa akin para magbigay paliwanag sa mga panaginip nila. Akala kasi nila ay ako si Manang Bola (younger version syempre)at hinihintay nila ako na bola-bolahin ko sila sa mga ibig sabihin ng kanilang panaginip o bangungot. Malayo namang maging kamukha ko si Madam Auring dahil mas cutie-cute cute naman ko sa kanya at mas sexy (that's a fact.)


Mag-ingat

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nakakagulat, nakakatawa, nakakaloka at marami pang "nakaka" dahil sa usong-uso na social networking sites tulad ng Facebook, Friendster, Multiply, atbp., dahil dito nagiging abala ang isang tambay. nagiging masaya ang isang sawi, nakakalimutang magpakamatay ng isang suicidal na tao, at nahuhuli ang mga di dapat na mahuli.Dahil dito, lumiliit ang mundo kahit na nasa magkaibang panig pa sila ng earth.


Usapang wiwi

6
Posted by: Klet Makulet, 6 comments

Medyo mapanghi ng konti ang kwento ko ngayon kasi habang papauwi ako kanina, nakakaramdam na ako ng pagwiwi kaya naalala ko ang aso ko at ang talent ko.

Unahin natin ang aking cute na cute na mukhang demonyita kong aso na itago na lang natin sa pangalang Poknat. Kung bakit Poknat ay sa susunod ko na ikukuwento (na malamang  porti-eyt years bago ko maalalang ituloy). So si Poknat nga muna di ba?


Nag-exercise ka ba?

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Nagexercise ka ba kanina? Ako, ay medyo na-late pero okay naman. 


Minsan lang naman 'to saka sayang ang karapatan kong bumoto.


Medyo naiba lang ang lugar ng presinto na pinuntahan namin pero mabilis naman siya kesa dun sa automated election na dinaos nung nakaraan.


Ang mali ko lang, di ko talaga kilala yung ibang kumakandidato. Nilagay ko na lang yung kilala ko :P 


Waiting galore

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ang paghihintay ang pinakahuling talent na gusto kong matutunan. Hindi kasi ako pinaglihi sa pasencia kaya siguro nagiging Super Saiyan agad ako kahit isang minuto pa lang na late ang kausap ko at lalo na kapag umabot na sa kalahating oras!



Ansaya

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Masaya kasi nananakit nanaman ang mga maskels (muscles) ko dahil dumadami ang cellulites ko sa tyan bukod pa sa bulgy belly ko. Ansaya!


No Idea

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Well, two of my superiors gave me two "jobs" which I am expected to perform for about six months.


I Like Klet Makulet

6
Posted by: Klet Makulet, 6 comments

Nasabi ko na bang...

Nagfefeeling sikat ako? Pwes, ngayon nasabi ko na.

Kunwari sikat ako. Gumawa ako ng fan page ko as Klet Makulet at binraso ko ang mga online friends ko na i-Like nila para kunwari may mga fans na ako.


One way

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Boy: I love you

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti ng matipid.


Bits and Pieces

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

As usual kapag walang maisip na specific na topic, halu-halong kwento ang ipopost. Here it is:


Batang Manyak

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Habang nakaharap ako sa isang batang walang kamuwang-muwang, naisip ko yung mga kababata ko noon na kakaiba ang mga trip sa buhay. Di ko akalain na kamanyakan na pala yun noon.

Sabi ni Sigmund Freud, ang Papi ng Psychoanalysis, isa sa stages of development ng isang bata ay ang tinatawag na Phallic Stage (galing sa salitang Phallus na ang ibig sabihin ay genitals o sa tagalog ay ari) kung saan ang batang edad 3 hanggang 6 ay namumulat at natututunang maenjoy ang kanilang mga tutut sa pamamagitan ng pag-stimulate dito (wow! erotic!) Pero, syempre, di naman sila conscious na kamanyakan pala yun.


Bagong bihis si Klet

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Pagkatapos ng matagal na panahong parang basahan ang itsura ng blog na ito, nais kong ipagmalaki na basahan pa din ang itsura nya...


Pero, pero, pero malinis 'to pati sa kusina (background music ang Eraserheads na kumakanta ng 'Toyang')

Super kinareer ko ang paghahanap ng design na babagay sa kaartehan at takbo ng utak ko. Salamat sa dryicons.com (commercial muna) sa pagfefeature ng ganitong them. Haylabet!

Naglagay din ako ng link para sa tweeter ko na sana maupdate ko na at link din sa faceboom page ko (trip trip lang sana i-trip nyo din)

Yun lang at salamat!
--------

Pi. Es.

Nalimutan ko i-save yung mga nasa blogroll ko. May dagdag-bawas na. Pasensya sa nabawas at welcome sa nadagdag. Sana mahanap ko yung nawala at more to come. Yaiks!


Kwento sa Metro (LRT)

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kung may berso sa metro ang LRT, may kwento naman ako. Maiba lang.

Medyo matagal na din akong suki ng LRT pero everytime na sumasaky ako dito ay nageenjoy ako. Kasi palaging bago yung experience ko dito. Tulad na lang kanina na talaga namang susubukin ang galing mo sa pagbalance.

Feeling ko nga pwede na akong sumali sa sirko sa Karnabal dahil ang galing-galing ko nang magbalance. Walang hawakan! Yun nga lang may natapakan akong ale nang biglang pumreno si manong driver (parang jeep lang siya lahat ng pasahero napapunta sa unahan.)

Syempre nagsorry ako. Ang kaso itong si Aleng maarte, di tinanggap ang pagsosorry ko. Bahala siya sa buhay nya! Anyway, bago ako bumaba nagsorry ulit ako. Respeto sa matandang naka-mini skirt at naka-sleeveless hehehe.

Meron ding lalaki na nagpilit sumiksik sa area ng mga babae. Tsk tsk. Di na nahiya. LAki pa ng tyan (although walang kinalaman yung tyan nya dun nabanggit ko lang).

Dati naman, nung unang-una akong napasakay dun, halos may magsabunutan na dahil ayaw siyang padaanin ng mga nasa harapan niya. Sigawan at sikuhan sila. Nakakatawa.

Meron din naman na alam nang puno pero pilit pa ding sinisiksik ang katawan. At meron namang malayo pa eh dun nagpipilit tumambay sa pintuan. Wala lang trip nilang di masiksik sa loob.

Naranasan ko na din na mapasakay sa area ng mga boys. Minsan di ko sadya at minsan syempre kasama ang dyowa di naman pwedeng maghiwalay di ba? May mga PDa moments din ang mga sakay dun parang di na makapaghintay. Nakakatawa at nakaka-entertain.

As i've said, nag-eenjoy ako kahit na madalas ay sardinas ang kinalalabasan ko. Adventure at trip trip lang. Ito ang experiences na di ko maipagpapalit sa pagsakay sa jeep. Kahit ganun madali akong nakakarating sa pupuntahan ko iwas traffic pa.

-----------------

Kahapon ko pa ito nagawa kaso nahiya naman akong mag-open ng blog ko kasi madaming nakatingin sa aking ginagawa. Masyadong public. Baka madaming magpa-autograph sakin pag nalaman nilang ako si Klet (Wapak! Kapal!)


What a day!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil buhay pa ako at buong buo na nakauwi mula sa field trip.

Kung mamalasin nga naman

Dalawang beses akong napasakay sa bus na sing-kupad ng pinakamakupad sa takbo. Tigil pa ng tigil at sumimple pa ng kain ang driver at kundoktor. Alas tres ako ng umaga umalis at nakarating ako sa patutunguhan ko ng 6:00 a.m. na dapat mas maaga pa. Umuwi ako na ganun pa din ang sinakyan ko. Yung para sa dalawang oras ay naging halos apat na oras.

Ang weird pa dahil wala namang traffic pero parang nakikipaglibing kami sa bagal sinabayan pa ng nakakagulantang na videoke. Una natatawa ako pero nung nagtagal naiinis na ako. Sa halip na makakapagpahinga ako, nabubulabog pa ako.


Muntik na!
Kalagitnaan ng byahe biglang nagswerve ang bus namin. May tumawid ata tapos nung malapit na akong bumaba may jeep na biglang humarang sa daan. Muntik nang magkabanggaan.

Pauwi naman halos dumikit yung nguso ng bus sa puwitan nung truck. Ang saya parang gusto akong i-welcome sa heaven at sa hell.


Change of plan

Akala ko pa naman makakapunta ang mga classmates ko dito sa amin, biglang nagbago ng isip. Di ko alam kung bakit. Dati naman sabi pag masama lang ang panahon kaso maayos naman. Wala namang ulan. Sayang. Nadismaya tuloy sina classmate.


Api ako

Nagbayad ako ng sobra pero inapi ako sa upuan. Late pa sila sa usapan. Ano ba yan?! (yes, rhyme na rhyme!)


Pero
Pero kahit na ganun tulad ng sai ko, nagpapasalamat ako dahil buo ako na nakauwi dito sa amin. Kahit parang tinatawagan ako ni San Pedro (Laguna)


Pa-demure

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Namimiss ko ang dati kong blog. Yung blog na hindi talaga blog dahil isa lang itong topic sa isang forum na kunwari sarili mong blog nga (ang kulit naman paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit 10x)

Hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa pa ang blog na kletmakulet.com kung hindi ko rin naman mailalabas ang kakulitan ko. Sana Klet the Emo na lang o kaya naman Klet walang Kwenta pero dahil di sila nagrarhyme, pinangatawanan ko ang kletmakulet.com na blog. Sa totoo lang wala naman talaga akong sense magpost. Madalas wala lang. Madalas kasi pa-demure pa ako. Kunwari mabait ako at saka kunwari di ako gumagawa ng masama.

Ewan ko ba kung may kinalaman ang sitwasyon ko ngayon sa pagiging walang kwenta ko o talagang ganun na lang pag nadadagdagan ka araw-araw ng point something-something sa edad mo. Garsh! Ilang taon na ba akong gumgradweyt sa pagiging baliw at ngayon ay baliw-baliwan na lang ako.

Minsan iniisip ko din kung may silbi pa ba ang pagpopost ko dito? Syempre kaya nga ako nag blog as in online journal kasi ayoko na ako lang ang sisilip dito di ba? Sana naka-private na lang ito kung ayaw kong ipabasa sa iba (although tinatago ko ang katauhan ko kahit nakabalandra sa title ang pagmumukha ko.) Hinahanap-hanap ko kasi yung madaming comment kahit negative naman tinatanggap ko (wag lang masyadong masakit kasi madali akong ma-hurt. Sana lang may mag-comment parang awa nyo na kahit yun na lang ang i-donate nyo sa akin. Wala namang bayad yung dumaan at kunwari interesado kayo sa post ko. Masaya na ako sa "hi napadaan", "hello please visit my blog." Kahit nakakainis yung ganun pwede na rin kasi binibisita ko naman kahit minsan may malware pa yung site nyo. (Nakakaawa na b? Comment na!)


Ironic

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Naalala ko si Alanis Morissette nung nangyari sa akin ang isang ironic experience na ito.

Akala ko nanalo ako ng lotto nung una kasi may nakita akong amount sa sobre kaya nainis ako dahil hanggang September 30, 2010 na lang daw yung offer pero October 1, 2010 ko natanggap (bwisit na kartero yan!)



Buti na lang offer lang pala ng Google sa akin to try their Google Adwords. Wala naman akong binebenta at wala naman akong balak magpa-advertise ng website/blog kaya kahit papaano ay nahimasmasan ako.

Pero paano kung nanalo nga ako sa isang contest (kahit di naman ako sumasali) at totoong pera ang makukuha ko o kaya naman emergency yun at dapat mabasa agad yung sulat.

Mabilis naman ang pagsesend ng letter o kung anumang package sa Philpost (Philippine Postal Office) mga two weeks, di na masama para sa murang halaga compared sa mga commercial freights pero pero pero, yung pagdating mismo sa postal office talaga nabubulok ang mga sulat/package dahil iniipon muna yung dadalhin ng messenger bago idistribute. Minsan pinakikialaman pa ang laman (di ako nambibintang totoo yun!).

Nakita nang before September 30 tapos dadalhin ng October 1 parang nakakaloko.

Naalala ko pa dati nung may nagsend sa akin na package mula sa kaibigan ko sa Japan.Libre ko dapat na makuha yun pero pinagbayad ako sa post office.

May iniwang slip ang kartero at sinabing may package ako sa post office. Naisip ko, bat di na lang dinala pero di na ako nangulit. Pumunta ako dun sa pagaakalang makukuha ko ng walang chechebureche yung package, tapos biglang siningil ako ng 35 pesos! Maliit na halaga pero nakakainis dahil bayad na ng kaibigan ko ang lahat para dun, kukunin ko na lang daw pero nakotongan pa ako. Nakakainis. At ang masama pa, parang ginalaw ang package ko. Nainis na ako, nainis din ang nagpadala at sinabing ayaw na daw nya magpadala dahil masama daw ugali ng nasa post office. Kaya minsan, magandang bumayad na lang sa mga commercial freights ...safe pa!


I learn, I share

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I had a great two-day seminar courtesy of our school.

Our seminar is about using new media to evangelize. Although my friend and I were not preachers or teachers, we still enjoy the seminar/workshop because we learn new things in using the internet as well as the free OS (Linux).

Our speaker was a very energetic and tech savvy priest Fr. Stephen Cuyos, MSC who works with Communication Foundation for Asia (CFA) located at Old Sta. Mesa, Manila.

He tackled the following topics:
1. Social Media
2. Audio/Video Sharing
3. Visual Stories
4. Games and Quizzes
5. FOSS
6. Collaborative Office
7. Slidesharing

What I like the best is when Fr. Stephen shares a lot of sites where we can get new ideas, download files (for free), and make our own material (comic strip, video, slides, games, tests etc.) And we received freebies too!

To learn more about Fr. Stephen and CFA, you can visit their sites.

Fr. Stephen Cuyos’ blog – www.stephencuyos.com
CFA website – www.cfamedia.org

---------------------
"I am what I am because of who we all are"


Tanaga (muling pagsubok)

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Wala akong magawa. Naalala ko ang paggawa ng Tanaga na sinubukan ko noon--ilang taon na ang nakakaraan.

-----------------------
Ang Tanaga ay ay klase ng Pilipino tula na binubuo ng apat na taludtod at may pitong pantig sa bawat taludtod.
-----------------------
Muling pagsubok

Muli akong sumubok
Kesa naman mabulok
Isip ko ay tutula
Bubuo ng Tanaga


Kahapon, Ngayon at Bukas
Kahapon ako'y bata
Ngayon ay tumatanda
Sa pagdating ng bukas
Buhay ay magwawakas

Kletmakulet September 29,2010 9:16pm


Sakit

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Kakagaling ko lang sa isang araw na pag-absent dahil sa sakit.

Sakit ng ulo, sakit ng lalamunan, sipon, sinat at sakit ng katawan.Kung anumang tawag dyan ay wala na akong paki-alam. Ang mahalaga sa akin ay nakakapag-internet na ulit ako hehehe joke! Ang totoo, iniisip ko na another gastos ulit ito para sa gamot.

Mahirap magkasakit. Napapabayaan ko kasi ang online at offline life ko. Mahirap! Kaya sabi nga ni John Lloyd Cruz... "INGAT!!!"


Nag-eexpect ka ba?

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kanina...

Wala akong magawa kaya nagforward ako ng isang message:


Klet: "Expectation is the root of unhappiness"

maraming sumagot pero may isang sumeryoso at dito nagsimula ang conversation namin...

Zee: Tama! Haiz. Kill talaga. Pano ba tinatanggal ang expectation sa sistema ng tao?

Klet: hahaha ayos lang at least yang expectation din na yan ang dahilan kung bakit gusto mo pa ipagpatuloy ang lahat. Motivation din siya.

Zee: Kaso pano kapag mas lumamang yung expectation that causes disappointment and unhappiness ompared sa expectation which is a source of motivation? Can the negative force defeat the positive?

Klet: Nasa iyo yan kung paano mo magagawang positive ang negative.

Zee: Huhu. Napakahirap naman nun. Hmpf! Pero tama nga, we are given the freedom to choose what we want to happen with our lives..Grr... Sumasabay na naman sa weather and mood ko eh...

Klet: Oks lang mag-expect. Dapat lang "expect moderately" hehehe dapat din learn from your experiences.

Zee: Kerek. Kaso minsan/madalas ang mga kagaya ko ay matagal matuto. Walang kadala-dala... Alam ko naman ang mga need kong gawin kaso madalas patanga-tanga pa din haha.

Klet: Hindi. Senyales lang yan na you are still hoping that something good will happen kahit imposible. Walang masama as long as handa ka sa consequences para kahit mag-fail ka, di ganun kaskit...parang kagat lang ng langgam.

Zee: Hahaha anticipating the pain also lessens the actual impact or expecting the worst would give you the mind set na ready ka na harapin kahit ano. Yun nga lang medyo mapanlinlang yung ganun. Kasi kapag naman best ang nangyaryare, masyadong naeexaggerate parang biglang na-over sensationalize.

Klet: Pwedeng Oo, pwedeng hindi.

Zee: ka nga Klet... laging si IT DEPENDS..Hehehe

Klet: Syempre ganun talaga. Di pwedeng absolute yes or no na lang pagdating sa ganyan.

Zee: We defy the no gray area concept. Life is not just black and white...

Klet: Ahuh!

At nagpatuloy pa ang aming kitikitext yun nga lang personal na. Inedit ko n lang yung spelling kasi di ako sanay sa Jejemon style ng pagtatype. Iniba ko din siyempre ang pangalan at ang ilang mga bagay-bagay.

Naging Joe D' Mango pa nga ako ng di oras hehehe.


Isa akong tulay (Part1)

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Isa akong tulay. Isang dakilang tulay.

Di ako yung dinadaanan, ako yung pinadadaanan ng mga patweetums ng mga kaibigan ko o ng mga may gusto sa kaibigan ko. At di ako tulad ng mga karaniwang "bridge" ng mga lovers. Meaning, di ako nanunulot.

Marami na akong natulungang magkatuluyan pero di rin sila masyadong nagtagal... yung iba ay nagpakasal kaso na-dedo naman pagkalipas ng ilang taon. Yung isa naman, nung nag-break, pumasok sa seminaryo yung lalake dahil sa sobrang pagka-depress. At yung iba, nakabuntis ng iba.

Pero...(may pero pa) minsan syempre di ko naman sinasadya, yung itinutulay ko pala eh ako ang gusto, pautot lang ang pala yung pagpapa-cute sa iba... o baka feeling ko lang.

Naalala ko itong si "Armando Caruso." Sa araw-araw na ginawa ni Lord, palagi niyang pinagpapacute-an ang aking friendship na si "Donya Budin." Di kagwapuhan itong si lalake (okay para di ako magsinungaling...di siya gwapo!) pero unti-unting nahulog ang loob ni friendship sa kanya. Araw-araw ba namang makita mo ang isang lalaking parang ibinilad sa araw ng ilang buwan at parang nilagyan ng mantika dahil nangingintab ang mala-A-kon na lalaking ito. With matching beautiful eyes at pa-kagat labi (di yung parang rapist ha.)

Hanggang nahulog na nga si babae at itong si lalake naman ay nagbago ang takbo ng isip at ako naman ang pinagdiskitahan. Okay, nandun na ako, magkakulay kami pero mas matindi ang kulay nya (noon). Pero di sapat yun para magkaroon ng attraction sa pagitan namin.

Pero mahilig magjoke si Bro. isang araw, sa school, ang aking mga kabarkada ay parang di mapaihing pusa sa isang tabi kasama si Flo-Rida este si Caruso boy. Ako naman ay nagtataka sa itsura nila dahil para silang mga batang nakabasag ng vase. Walang gusong magsalita at inilayo ako ng kaibigan ko (hindi si Budin) at dinala ako dun sa lugar na pwede daw akong mag-wala (baket?!)

Ang nangyari pala, may binigay na letter itong lalake at dun niya pinagtapat na gusto niya ako. Di ako kinilig pero natawa ako. Kinabukasan, umiwas na siya sa akin. Natakot yata. Sabay sasabihin sa akin na suplada na daw ako. (Nyah!)

(itutuloy...)


Sawa na

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Okay. I must admit. Nagsasawa na ako sa itsura ng blog ko lalo na at mukhang nagloloko na yung mga codes ng widgets ko.

May kalumaan na nga ang itsura at wala na ding dating (wala naman talagang dating) tinamad lang talaga akong ayusin na.

Kanina, nag-try ako ng isang template... di bagay sa personality ko. Masyadong feminine. Ayoko naman ng emo, ayoko din ng sobrang simple. Kailangan ko ng malaki-laking oras para dito.

Siguro mga next time (ulit... tinatamad pa din kasi...) aayusin ko na. Promise.


Nakikitulog

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Heto ako ngayon nasa bahay ng ibang tao. Although kaibigan ko nga pero di ko talaga gawain na makitulog. Nadala lang ako sa pangakong ipagluluto ko siya ng tuna sisig dahil birthday niya.

Kung alam ko lang na iiwan din pala ako sa ere ng mga kausap ko (pwera syempre sa may-ari ng bahay) ay di ko na lang sana sinabing di ako uuwi sa bahay. napakasarap na sana ang tulog ko.

Nakakainis na medyo nakakabagot. Dinadaan ko na lang sa pagboblog-hop at pagpopost.


Another check

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kung matatandaan, may nilista ako dito na Want List. Ilan dun ay natupad na at ang ilan ay pinipilit pang gawan ng paraan para matupad.


Ngayon, may natupad nanaman ako. Sobrang atat na talaga ako at di na makapaghintay ng tamang panahon at sapat na pera. As usual, inadvance ko nanaman ang aking future money para pambayad. Sa September 8 pa daw kasi ang dating ng aking pesosesoses, e baka tumaas na ng tumaas ang presyo kaya binili ko na.



Dyaran!!! Medyo madilim nga lang ang picture. Ang mumurahing netbook na kilala sa pangalang emachines. O devah?!

Heto ulit ang want list ko:
1. Printer
2. Digital Camera
3. Wrist Watch
4. Cellphone
5. Speaker
6. Lan Cable
7. Notebook
8. Portable HD


Isa nanamang check! sa aking want list ko. Hep hep! Hooray!!! Next, Digicam naman! Pero wag muna, too soon to plan. Mga ilang buwan ulit. Save save save muna ulit. Aja(x)!


Babae = Gastos

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Inaamin ko magastos ang mga babae. At kung tatanungin ng mga hindi babae (malamang mga lalake yun) kung bakit? Hindi ko rin alam kung bakit.


Hindi ko inaamin na sadyang bilmoko (bili mo ako) ang mga babae. Ang ibig kong sabihin, magastos dahil andaming pinagkakagastusan para sa sarili.

Toiletries. Dito pa lang kulang na yata ang limangdaan sa mga mapagpahalaga sa hygiene. Panghugas pa lang (feminine wash) magkano na? May liner pa (panty liner) bukod sa pangbuwanang dalaw na feminine napkin at may pamunas pa kung hindi tissue, ay feminine wipes naman. Isang parte pa lang ng katawan yan pero tumataginting na ilang pesosesoses ang ginagastos.

Sa buhok naman, bukod sa shampoo, may conditioner at may hair shine pa. At syempre kung medyo parang kinuryente ang buhok, may mga minsanang treatment pa tulad ng hot oil (di ito kumukulong mantika/langis), hair relax at matinding gastusan na hair rebond.

Sa mukha, Facial wash, toner, day/night cream, sunblock, moisturizer, foundation, make-up, lipstick, eyeliner, eye shadow, mascara, loose powder/compact powder, blusher etcetera...etcetera...

Sa katawan, sabon, di yung basta sabong pampaligo dapat mabango (alangang mabaho), minsan dapat nakakaputi, nakakapagpalambot ng balat. May lotion with sunblock pa tapos perfume/cologne pa.

Pampaganda at pampabango pa lang yan ha. Idagdag pa ang damit, bag, accessories at kung anu-ano pa na tanging babae lang ang nangangailangan.

Ako aminado ako sa ilang mga nilista ko. Naniniwala din naman ako na yung ilan ay luho na din. Kaya lang, kung di naman kasi gagamitin at magpapaganda, parang losyang naman.

Sabagay, ang mga lalake din naman may mga sariling luho din di nga lang kasing dami nung sa amin. Ang madalas na maselan sa ganitong bagay ay ang mga medyo ...uhm (alam na!) o kaya naman ay mga may kaya at pinangangalagaan ang itsura para sa trabaho. Alangan naman na mag-inarte pa ang mga karpentero at maglolotion pa o kaya mag-bebleach o sunblock habang naghahalo ng semento sa kalsada.

Kaya guys, kung may mga girlfriend kayo o asawa na maluho sa gamit, intindihin nyo na lang pero kung over over na at major major na ang nauubos sa sweldo nyo o ipon, naku, simulan mo nang turuang magtipid dahil pag nakasanayan yan, ikaw din ang magsisisi. Dapat yung tama lang.

Hirap maging babae!


Kung ikaw siya

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Naisip ko lang:

Kung ikaw sila, ano ang gagawin mo?



Kung ikaw si Venus Raj, ano ang isasagot mo?

Sa ganoong sitwasyon, na kinakabahan ka at sa harap ng maraming tao at alam mong pinapanood ka ng buong mundo, kayang kaya mo ba na masagot ang napakasimpleng tanong? Parang interview lang sa trabaho na simpleng pangalan minsan di nga masagot.

Sabi nga nung kausap ko, akala mo kung sinong magagaling na sumagot, ni sa Barangay nga nila di sila makasali at tanungin mo nga di naman makasagot.

Buti nga naka-4th siya. Ang hirap kaya nun. Kung yung nanlalait kaya? Baka sa klase pa nga lang di na sila makasagot. Di ba?


E kung ikaw naman yung nasa katayuan ng mga pulis noon na nasa Quirino Grandstand at kailangang masagip ang mga hinostage, ano ang gagawin mo?

Di pa man nagkakaroon ng malagim na pagkamatay ng mga hinostage, kaliwa't kanan na ang pambabatikos sa kanila. Para bang kung sila yung pulis, wala pang isang oras maayos na ang lahat.

Buhay ang pinag-uusapan dun. Di lang buhay nung mismong pulis kundi buhay din nung nasa loob. Akala siguro nung iba, madaling sumugod at gawin ang nakaplano. Nalilimutan yata na naka-depende ang galaw nila sa galaw ng hostage taker at dati pa itong pulis, alam nya kung paano gumalaw ang kapwa nya pulis. Siguro kung sundalo pa ang gumawa lalo na yung mga nasa Mindanao, sila ang paharapin mo dun, wala na sigurong negosasyon pa, bakbakan kung bakbakan.


Kung ako sila, di ko rin alam ang gagawin ko. Kahit pa siguro ako na ang pinakamagaling na magsalita at bihasa sa interview at memoryado na ang lahat ng mga klase ng tanong, siguro kapag kinabahan na ako, baka di lang "major major" ang masabi ko o ang mas malala, baka blangko na lang ako.

At kung ako ang isa sa mga pulis dun sa hostage drama na yun, kinakabahan na din ako. Kahit ako pa ang pinakamagaling na pulis at kahit alam ko na ang gagawin ko, di ko pa din siguro magagawa ang naka-plano. Iniisip ko din siguro sa mga panahon na yun kung mamamatay ba ako, paano na ang pamilya ko. Kung gagawin ko ba na biglang sumugod na lang, di kaya sasaktan yung mga na-hostage? Di kaya mas madami pa ang masasaktan o kaya mamamatay? May pampasabog ba dun?

Nabasa ko yung twitter post ni Jackie Chan, (kilala nyo naman siguro sya ano?) "If they killed the guy sooner, they will say why not negotiate first? If they will negotiate first, they will ask why not kill the guy sooner? So sad." Naisip ko, buti pa siya, kahit Chinese siya naiintindihan niya.

Maraming isipin. Maraming isinaalang-alang. At kung may mali man sila, kalaban nila yung oras at sitwasyon. Di sila perpekto.


Tama ba itong nakikita ko?!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Hindi po ako tibo although marunong naman akong humanga sa babae. Pero walang kinalaman sa kasarian ko itong bagay na napansin ko.


Naglilibot-libot ako sa kung saan-saan dito sa World Wide Web nang mapadaan ako sa isang entertainment site na ang topic ay ang katatapos lang na Miss Universe 2010 sa Las Vegas. At ang nakalagay na picture ay ang ating kababayan na si Venus Raj na nakaswimsuit.

Tingnan nyo nga kung tama nga ang nakikita ko... (sure ako ang mga lalake ay madaling makukuha ang sinsabi ko)...



(i-click ang PEKTYUR para LUMAKI)
Ang picture ay di ko pag-aari at malamang hindi rin pag-aari nung kinunan ko kaya di ko na siya bibigyan pa ng credit para dito bleh!


Makatotohanan ba ito o pawang imahinasyon lamang? Camel Toe?! Tama ba ako?!

Oo alam ko yan baket? May angal? Dahil lumaki ako na malapit sa nag-iisa kong kapatid na lalake, natutunan ko ang mga usapang lalake at ang mga madalas na tinitingnan nila na minsan natitingan ko na din dahil isa akong dakila usi (usisera!) Maipagmamalaki ko na nga din na marunong na akong kumilatis ng babae at mas natatanso pa ang kapatid ko sa mga bading waheheheh.

Heniway. Paki-correct ako kung mali ang napansin ko kay Venus. Paumanhin at napansin-pansin ko pa yang bagay na yan. Natanong lang naman. :P


Bida nanaman ang Pinas

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Sunod-sunod na ito. Only in the Philippines talaga. Grabe!

Sikat nanaman ang Pilipinas dahil sa isang hostage drama na kinasangkutan ng isang nadismiss na pulis dahil sa drug-related offense na si Rolando Mendoza. Ang tindi ng trip! Nagpumilit sumakay sa tourist bus ng mga nananahimik na mga intsik na balita ko ay papauwi na pala sa kanila, minalas pang guluhin ng pulis na ito.

Maaaring may claim siya sa pagkakadismiss niya pero maraming matinong paraan para mapakinggan siya. Di ata nya nalalaman na magpapatong-patong ang kaso sa kanya dahil sa ginawa nya at kinalabasan pa nga ay dead ang beauty ng lolo mo.

Napakamaaksyon. Hindi ko kinaya ang putukan.

Marami ang bumabatikos sa mga pulis at SWAT na sumasaklolo pero para sa akin, kung ikaw na mismo ang nasa ganung sitwasyon, lalo na at maraming buhay ang nakasalalay, hindi mo malalaman ang siguradong gagawin. Ikaw ang malagay dun baka ngumawa ka na lang di ba? Nakadepende din kasi ang galaw nila sa galaw ng nasa loob. Ni hindi alam kung may granada ba o kung may buhay pa sa loob na hostage. Ang mali lang nila, mukhang yung unang inihulog na teargas ay hindi nabuksan (kung teargas nga yun.)

Pasalamat na din tayo at di totoo ang iniulat ng nakatakas na driver, na Pinoy din, na lahat daw ng nasa loob ay patay na. Nalito na ang driver! Ayon sa ulat, may anim na kumpirmadong buhay. Sana madagdagan pa ang mga buhay.

Sana din hindi na maulit pa ang ganitong scenario. Please Lord, natatakot na tuloy ako sumakay ng bus.


Nagmamalinis

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ehem! Pwede nang magpamisa ang mga nakakakilala sa akin.


Naglinis ako ng kwarto ko. YEHEY! After 48 years, nabawasan na ang kalat sa kwarto ko. Akalain nyo, yung mga styro na tinatabi-tabi ko, nakaya ko nang itapon! It's an achievement.

Kilala kasi ako sa pagiging basurera. Mahilig akong mangolekta kahit walang kakwenta-kwentang bagay. Kahit resibo, tatak ng damit, pati sticker tag ng SM tinatabi-tabi ko pa sa kadahilangng "gusto ko lang."

Kahit papaano, nailabas ko na ang ilang bote ko ng C2, Naitabi ko na ng maayos lahat ng klase ng plastic (pati plastic na mabibili sa palengke), at nailabas ko na nga ang mga styro na akala ko ay mabibili ng magbobote (syempre hindi kasi magbobote nga at hindi maiistyro di ba?)

May ilan-ilan pa na hindi ko talaga maitapun-tapon. Ang mga papel. Madami pa kasi akong iniisip na gagawin ko dun. Pwede kasi na i-recycle pa sila at gawing memo-pad o scratch paper, yung mga di na masusulatan ay pwede ko na sigurong ipakilo (sana lang mabenta ko), pwede rin na gupit-gupitin at itupi-tupi para gawing origami... pandagdag kalat ko lang ulit hehe.

Pati sa inbox ng e-mail ko naglilinis na din ako. Inalis ko na yung mga email sa akin ni FB. Iniispam na kasi ako pati na mga forums na sinalihan ko. Wala na nga ako narereceive na email na personal puro updates na lang.

Pati beddings ko bago. Yung mga pagkain ko na inaamag na syempre tinapon ko na at wala na akong balak mamili pa ng sisirain ko lang. Yung mga damit ko naman, wala pa akong balak bukod sa nabawasan ko na at ipinamigay sa mga batang nangangailangan.

Pwede na akong magmalinis at magyabang na malinis-linis na kahit papaano ang dating dumpsite ko na kwarte. Amen!


First Day Holiday

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Holiday pero may attendance. Naipost ko pa yan sa FB ko kasi naiinis ako. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa ng ganun tapos di rin naman dadating at ipapatupad ang kunwari "memo" para sa mga hindi aattend ng event.


Ngayon po ay Quezon Day at "requested" kami na umattend ng misa. Okay lang naman yun, pero dapat di yung sapilitan. Nagiging superficial lang tuloy lahat ng mga activities na pinapagawa sa amin.


Hindi ito post

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Dahil wala akong maipost dahil wala din naman ako maisip na ipost, ito na muna kahit di maicoconsider na post nga.


Ah ewan ko ba. Kahit sa ibang blog ko, humihina na ang diskarte ko. Nawawalan na din ako ng gana kahit pa nga ba kahit papaano ay may nagbabasa, hinahanap-hanap ko pa din yung tulad sa blog ko sa forum na kahit walang update, ay may nagpaparamdam na nababasa ka nila.

Motivation din kasi ang comments kahit minsan nasasabihan ng hindi maganda dahil sa mga panlalait ko sa iba. O dahil siguro hindi lang talaga ako itong pinpopost ko. Ewan ko ba.

Sabi ko sayo eh hindi post ito...


Grow up!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Minsan nag-iisip ako kung bakit maraming mga kabataan ngayon ang di tumatanda, hindi sa mukha kung hindi sa pag-iisip.

Although feeling ko pa din ay bata ako, alam ko sa sarili ko na mature ako pagdating sa mga seryosong bagay. Bata lang sa pakiramdam ko pero hindi ako "childish" at kahit papaano alam ko kung saan ako lulugar.

Oo madalas nakikita ako ng iba na parang bata kung kumilos... depende sa pagkakataon. Pwede mo akong makitang parang luka-loka o kaya naman parang tanga...gusto ko lang magpatawa o magtanggal ng stress.

Kani-kanina lang kasi, nabasa ko ang mga wall post ng ilang mga bata (as in super bata) kong kakilala. Naiintindihan ko ang takbo ng usapan nila kahit na sinasadya nilang maging discreet. Naiintindihan ko din kung bakit sila nagagalit pero sa aking palagay, lampas na sila sa limitasyon.

Siguro nga, bata pa sila. Di nila alam ang kanilang ginagawa o sinasabi. Pero kelan nga ba sila dapat matuto? Di ba dapat habang nadadagdagan ang gulang nila ay dapat madagdagan din ang level ng kanilang pagka-mature? O nagpapakabarumbado lang talaga sila?

Naalala ko pa nung minsan. Nakwento lang naman ng kapatid ko. Nananalaytay daw sa kakilala niya ang pagiging YFC pero nung nagkaroon ng problema, Kung makapagmura akala mo walang pinag-aralan.

Sa FB akala mo cute ang magmura. Di nila alam nakakababa ng dignidad yun. Parang bumubulusok na eroplano ang tingin ng taong tumitingala sa iyo (kung meron man.)

Pero sabi ko nga, sa isip ko, tatanda din sila. Kung hindi man ngayon, siguro ilang taon pa. Mararanasan na din nila ang mura-murahin ng mga bata sa kanila. Ilang taon pa...


Help: Giveaways

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I'm thinking of what am I (we're) going to give to my(our) classmates as sort of giveaway or souvenir for our mini-seminar.

I have some options in mind:

1. Test Tube with a play money inside. Since our topic is about cooperative, our giveaway should be a bit related to our topic and cooperative is about money thing, so it looks like a good idea.

2. Vial with a thank you note or still a small play money inside. Just like what i've said about the test tube...

3. Envelope with notepad and pen. I can personalize the notepad and print the seminar title on the front page and on the pen... or whatever

My other options are not really related to our topic. It's like a party giveaway for kids or for non formal occasion. If a reader like you got an idea, please help me :)


Hindi pwede

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I'm about to get my earned money from Google through Western Union sa SM. Doon kasi ako madalas na kumuha ng pera from Google dahil sure ako na safe doon at mas convinient sa akin.


Nakapag-fill up na ako sa isang slip of paper ng mga necessary information at iniabot ko na sa naka-duty doon. After niyang i-check, nagulat ako nang sinabi niya sa akin na hindi na daw sila nagtatransact na magpa-receive ng payment from a company. Sinabi ko sa miss na dati na akong nakapag-transact ng pay-out from Google at sabi niya na bagong memo lang daw sa kanila yun. Although medyo unsure ako, kinuha ko na lang sa kanya yung slip of paper na sinulatan ko at umalis.

Ngayon, dahil hindi ako mapakali at baka naman makuha yung money ko, I called the Western Union hotline and according to Alma, yung hotline agent, first time lang daw sila nakareceive ng ganung situation na hindi nakapag-transact dahil ang payment ay from a company. She gave me other option kung saan ako pwedeng kumuha ng pera.

Sana lang talaga walang maging problema dahil kung hindi, maghuhuramentado ako sa SM... JOKE!


looking back

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

A while ago, before I started typing here for my new post, I looked back at my old posts at Tabulas (another blog site like blogspot).


I started posting there since June of 2004, although I have been blogging in other blog sites like blogcity, livejournal, and other online diaries which I think is no longer up online.

As I look back, I realized, I have better posts than I have right now. Kletmakulet's posts sometimes lack feelings or spice. Maybe it has something to do with who I am right now.

Things changed. I too have changed a lot... and even the way I think and speak my mind is way too different with what my mind speak before.

I'm still not good in English/Grammar but before I was confident even though I know I'm not that good. But I still try. Maybe I need to be more of myself (though I am but I will not try to make myself funny even if it isn't funny anymore).

Looking back makes me realize that I don't really need to make sense. with that, I am planning to change my title bar, not the domain name, 'coz I don't really make sense...always.

I have to get back that courage to post things that sometimes may hurt but will find liberty out of it.

There will be no new look or something. Just a change of post or sometimes back to my senseless, boring self. Just me.


Things that make me go uhmm

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Araw-araw may mga uhmmm moments tayo. Uhmm kasi masarap at uhmm kasi enjoy ka. At sabi ko nga lahat tayo meron nun.

ilan dito ay...


1. Luto ni mother

Hindi sa pagmamayabang, kahit sino, pag natikman ang luto ng nanay ko ay mapapa-uhmm sa sarap. Although pag minsan, katulad din ng ibang mga batikang mga chef 'pag tinoyo, totoyoin din ang luto. pero sa pangkalahatan, the best ang luto ni mother!


2. Massage after a stressful and tiring day

Hindi lang uhmmm, pati ahhhh at ohhh pa siguro. As long as magaling ang magmamasahe.


3. Ice cold softdrinks o kaya naman iced tea

Kapag ang kainan ay may panulak na tulad ng softdrinks o kaya iced tea, feeling ko palaging fiesta. Iba yung dating. Parang nagiging espesyal ang lutuin kahit na tuyo lang at kanin.


4. Shower

Kahit de-tabo pa ang pag-ligo uhmm sa sarap pa din para mawala ang mga malagkit na pakiramdam sa balat at ma-refresh ang katawan... uhmmm din sa amoy. Mas nakaka-uhmm sa akin ang malamig na tubig kesa sa maligamgam. Eww yun!


5. Pabango

gusto ko ng mga fruity, flowery (pwera yung rose) na scents. Nakakagutom. Saka nakakapagpalingon at sasabihin sa iyo na... Gee you(r hair) smell(s) terrific!


6. Ice cream

Malamig o mainit, basta ice cream sa akin ay bumebenta. Kahit nga ine-LBM na basta ice cream papatusin ko pa din.


7. Masarap na yakap

masarap nga eh. di ka pa ba mapapa-uhmmm nun?


8. malinis na hangin

naks! polluted na kasi ang paligid. kahit pa akala natin ay malinis yung sinisinghot natin, di natin alam toxic na pala. Mapapauhmmm ka pag napunta ka sa lugar na di uso ang mga de-motor na sasakyan at di-uso ang mga plastic at kung-anu-ano pang pollutants ma-pwera sa amoy putok, mabahong hininga, at amoy lupa... teka... dun na lang pala ako sa lungson... joke!


9. Comfortable sleep

zzzZZZzzzzzz uhmmmm zzzZZZZZzzzzz



10. good news

basta good news (madalas kasi ayokong ipahalatang sobrang natutuwa ako) kaya uhmmm na lang sabay ngisi... :P


Chubby ka

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ilang taon pa lang naman ang nakakalipas... matagal na din pala...nagkamali ako. Matagal na pala akong chubby. Okay Mataba na nga kung mataba.

Siguro, simula noong nabuo ang kletmakulet.com na ito, nagsisimula na ding mamuo ang mga baby fats ko sa iba't ibang parte ng katawan ko. Binabalewala ko pa nga dahil sabi ko, madali lang akong pumayat. Garsh! I'm wrong.


Masaya naman ako kahit mataba. (Char!) Totoo! (Stir!). Masaya dahil masarap kumain pero malungkot pag di kumakasya ang mga damit lalo pa at ilang araw ko pa lang nabibili.

Although maluwag pa naman ang mga PLUS SIZE na damit sa SM, alanganing XL na din ang katawan ko dahil napasobra yata ang pagbibigay biyaya ni Lord sa wetpax ko. Minsan nga gusto ko nang magtatag ng foundation para ipamahagi ang sobrang biyayang ito sa mga hindi pinalad (mga walang korte ang pwet).

E para saan nanaman ba ang nginangawa-ngawa kong ito tungkol sa katabaan? Wel, nalait lang naman ako (AGAIN!)

Sinabi kasi sa akin ng pinsan ko na magpunta sa mananahi ng gown niya na magpasukat at hahanapan ako ng ready-made nang gown. So, I went to this Edith na mananahi and sinabi ko nga na ako yung cousin nung nagpatahi sa kanila. Biglang bumungad sa akin ang "tama nga siya sobrang liit mo nga!" (Take note, with exclamation point yan) Mula yan sa isang mukhang tambay lang naman na akala mo eh seksi pero mas mukhang inahin pa kesa sa akin.

Okay, nandoon na ako, "it's just a joke" sanay na nga ako, at mas madalas pinangungunahan ko na ang mga panlalait na yan, ako na mismo ang lalait sa katabaan ko. Kahit hindi pa naman ako kasing laki ni Sam Milby sa "My Big Love." Pero naman, kung rumatatat na akala mo ay hindi ako customer nila. Buti sana kung close kami.

Hindi naman ako galit, masama lang ng konti ang loob. I went there to for them to get my measurement, tapos lalaitin lang ako. At ito pa, they're forcing me to have my own gown at kesyo ubos na ang tela o hindi kakasya ang tela sa akin. WTF! Mabuti na lang at naka-uniform ako at naka-ID, may dahilan ako para hindi sila patulan.

Second time na nila akong ginanun. Sa susunod, di ko na papalampasin pa ang ganun. Lintik lang ang walang ganti. Kainin ko pa sila! wehehehe joke lang!

Manlait na kung manlalait, ilagay lang sa tama... kumbaga, lokohin na nila ang lasing, wag lang ang gutom! Toingks!


Pahabol

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Oh yeah! Bago pa mawala sa sinehan si Papa Jacob at si Papa Edward, hinabol ko na sila sa LFS (Last Full Show) ngayon. At eto, as usual, mesmerized nanaman ako sa kwento.



Garsh, they don't fail na ma-hypnotize ako.... wehehehe joke lang.

Mula Twilight na napanood ko lang yata (di ko na kasi matandaan) sa laptop ko hanggang ngayon sa Eclipse, parang may sumasanib sa akin after the movie. May sakit na kaya ako? Doc!!! Help!!!

Echos lang. Nagandahan lang talaga ako sa palabas. Na kahit gutom na gutom na ako at pagod at broke, talagang isinet-aside ko ang lahat para lang makapanood. Tsk tsk... malala na ito.

I'm sure, di ako nag-iisa. Malamang yung iba dyan, bumubula-bula pa ang bibig hahahaha. Anyway, di nasayang ang pera ko. At least din, yung Toy Story lang ang pinlano kong panoodin na di natupad.

Basta. Yun na!


I survived

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Well, hindi naman ako nasangkot sa isang aksidente o kaya naman ay matindi ang pinagdaanan pero yung mga simpleng pangyayari na akala ko ay di ko magagawa, pero nagawa ko, ay masasabi ko pa rin na "I survived!"


Maipagmamalaki ko na nakauwi akong mag-isa.

Nakakatawa di ba? Napakatanda ko na tapos ngayon pa lang ako natutong umuwi mag-isa.

Segway muna ng kwento...Sa totoo lang, may pagkadependent ako at ngayon pa lang ako natututong tumayo sa sarili kong mga paa. Ngayon ko pa lang na-eenjoy ang paligid at nalalaman ang mga iba't ibang lugar dito sa amin at pati na din sa ibang dako ng Pilipinas.

Epekto ito nang "medyo" strict at over-protective na magulang at kapatid. Pero salamat na din, at least hindi naman ako napariwara o kung ano pa man.

Balik tayo sa pag-uwi ko ng mag-isa. Dahil nasanay ako na may kasabay sa pagpunta sa PUP Sta. Mesa, hindi ko tinatandaan kung saan sasakay at paano ako makakauwi sa amin.

Na-test ako ng pagkakataon. Yung kasama ko ay umuwi ng maaga dahil wala na daw silang klase. Nung una, nagiisip ako kung magpapasundo ba ako sa boyfriend ko o kakayanin ko itong mag-isa. I must admit medyo sumama ang loob ko sa kasabay ko pero inisip ko din, kailangan ko din ito para matuto.

Nagdecide akona kakayanin kong umuwi mag-isa. Sa awa ni Lord, buo naman akong nakauwi mula Manila hanggang Lucena (Quezon Province.) Ginutom nga lang ako.

Nakasakay ako ng LRT nang hindi nawawala. Alam ko madaming mga bihasa na sa Manila na di pa kaya ang sumakay sa tren. Aminin!


Still surviving
Nagsurvive ako sa pag-aaral mag-isa. Maipagmamalaki ko na I did it on my own. Yabang no?!

Dito sa pag-aaral, dito ako bihasa na maging independent. Challenge kasi sa akin na makapagtapos nang walang hinihinging tulong kahit kanino. Maipagmamalaki ko din na sa isang parte ng pag-aaral ko (hanggang ngayon) ay ako na ang nagpapaaral sa sarili ko.


Pinipilit ko ding mag-survive online. Alam kong medyo nagpapabaya ako sa mga ginagawa ko, although pang-past time ko lang naman ito pero sayang din kasi yung nasimulan ko na. Sana lang di mawala.

Nagsurvive na din ako sa mga usapang puso, kaluluwa at pisikal na aspeto. Yung intelektwal, sige isama na din natin yan kahit na medyo alam kong wala na akong isusurvive dahil hindi naman ako ganun kagaling.

Pero syempre, kahit naman sabihin ko na mag-isa kong ginagawa ang mga ito, salamat pa din sa mga direkta o di man direktang nakatulong sa akin. (Drama music please) I will not be me now without you (bwuhuhuhu...char!)


Basta masaya ako na nakauwi ako nang mag-isa. Isa pa nga direk!


Bakit may salitang "busy"

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Sino kaya ang taong naka-imbento ng salitang busy? Gusto ko siyang makilala (kung buhay pa man siya, pero kung patay na ... pwedeng hindi na din. Takot ko lang kumausap sa multo no!)


Magtatanong ako sa kanya kung bakit niya naisip itong salitang ito. Bentang benta sa mga bisi-bisihang mga nilalang sa ibabaw ng lupa at pati ako ay nabentahan ('wiset!)

Di pa man natatapos ang isang trabaho eh may kasunod na. Wala na akong social life (char!)

Sa susunod... gusto ko naman alamin kung sino ang naka-imbento ng salitang "broke"...


Sabug-sabog

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Antagal kong nawala sa blogosperyo at antagal ko ding nag-iisip ng mga ipopost pero sabug-sabog ang isip ko.

Idagdag na rin yung katamaran na mag-isip at mag-open ng computer at mag-internet. Sabog na nga, tamad pa.


Pwede na ring i-dahilan ko ang busy-busyhan mode ko.

Ay! mabagal din ang internet at nagkanda-leche-leche ang isang website ko dahil sa mga bwisit na malware na yan. Salamat kay Bossing atnaayos na ang lahat. Di maaayos yun kung di dahil sa kanya. Tenchu!

Ayun lang. May mai-blog lang wehehehehe.


Kid's Sex Education

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Is it a GO or a NO?

Minsan ang mga salitang kumplikado ay nakakapagpahirap din sa buhay ng tao. Tulad na lang mga "Sex Education" na isinusulong ngayon ni health ealth secretary Esperanza Cabral.


Kung tutuusin hindi naman porke sinabing sex ay tungkol na sa pakikipag-sex mismo ang tinutukoy kung hindi maaaring ito ay tumutukoy sa kasarian, orientation, o kaya naman may kinalaman lang sa parte ng katawan ng tao.

Hindi sa pumapayag ako na simulan ang sex education sa mga napakamurang edad lalo na yung mga nasa kinder kung hindi ilagay lang sa tama ang lahat.

Kanina sa napanood ko sa ABS-CBN, sinabi ni Cabral na ang bata na edad tatlo pataas ay nag-eexplore na ng sarili kaya dapat maaga pa lang matutunan na nila ang mga bagay-bagay tungkol dito. I beg to disagree, nasa exploratory phase nga sila ngunit hindi pa sila nasa tamang gulang upang maintindihan ang kanilang ginagawa at m\ituturo sa kanila.

Although, di ako "fan" ni Sigmund Freud, naniniwala ako na sa "Phallic Stage" na sinasabi niya na kung saan ang mga batang edad anim ay nag-eexplore na nga sa mga iba't ibang parte ng katawan nila pero ang libido ay hindi pa present sa kanila. Kumbaga, natural sa lahat na mahawakan ang kanilang maseselang bahagi nang walang halong malisya o kaalaman sa kung ano ba ang ginagawa nila.

Sa isang banda, maganda rin naman na maimulat ang mga bata sa tamang "termino" na gagamitin sa bawat parte ng kanilang katawan. Naalala ko ang isang joke noon:

Teacher: Okay class, bukas magdala kayo ng flower.
Class: Yes teacher!
(Kinabukasan)
Teacher: O Nena, nasan ang flower mo? Di ba ang sabi ko magdala kayo ng flower?
Nena: Teacher meron po akong dalang flower. Eto po o! (Sabay taas ng palda at itinuro ang kanyang pekpek)

Itinuro pala sa kanya ng kanyang mommy na ang tawag dun ay flower.

Nakakatawa pero nakakabahala din di ba? Dahil sa iniiwasan ng mga magulang na mamulat ng maaga sa katotohanan ang kanilang mga anak ay ipinapalit ang ibang salita.

Bukod sa flower ay bird, egg, at ang pagkabuo ay dahil lang sa kiss o galing sa kawayan at kung anu-ano pang kwento para maligaw ang mga bata sa tamang kaalaman.

Ayaw kasi ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay magaya kay Maya ng "Bata... Bata... Paano Ka Ginawa?" na kung saan ay mulat na siya sa katotohanan at naiintindihan niya kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi siya lumaking mang-mang.

Ang Sex education nga ba ay nararapat? Oo, sa tamang paraan, sa tamang panahon at sa tamang edad. Kailangan ng mabusising pag-aaral at paghahanda. Hindi ito kasing dali ng ABCD o ng 123 na maituturo na lang basta sa kabataan.

Halik pa nga lang sa pisngi naghahagikgikan na. Cartoon animation pa nga lang na ipinapanood sa mga college students ay iba na ang epekto at reaksyon, sa bata pa kaya?

Mapanganib pero may pangangailangan.


Trip to Tagaytay 2010

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

After going to Puerto Galera and got back my tan, we went to Tagaytay to renew our connection with the Great Architect of the Universe.


At first I was hesitant to join the trip because I will be riding with people whom I am not comfortable with plus plus plus I will also stay with them for two nights. Furthermore (naks furthermore), I am not yet ready for the activity.

It was a long ride going up and down the road on the side of Banahaw and Makiling. As usual, I didn't fell asleep. I just entertain myself with the old concerts of old artists--Sheryl Crow, Cyndi Lauper etc. being flashed on the screen.

Alas! After almost four (4) hours of seating, we're able to set our feet on the soils of Tagaytay.

As usual, were like kids running in a harum-scarum manner. Picture... picture...picture.

After settling down, we were oriented and started the activity (we had our lunch before having our orientation.)

We were told that it will be doing the said activity in silence. Although many of us were not able to resist to talk a bit, at least we tried.

We had our crying time (as I may call it but I held my tears back. This is not yet my time to shine. I just watched everybody hugging and crying. I had my time last year.

It was a different experience. I was able to meet new people with wonderful personalities.

Rain pours on the second day. It was a blessing. It rains until we set our feet back to where we are. It was a nice experience.


Trip to Puerto Galera

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Nakawala nanaman ako sa hawla at napadpad ako sa Puerto Galera.

Halu-halo ang experience dahil may masaya, kakaiba, nakakapagod, nakakagutom, nakakaubos ng pera, nakakainis, nakakapuyat, nakakasuka at kung anu-ano pang pakiramdam at karanasan ang nagsama-sama at nagsabay-sabay.

DAY 1
Ang mga Activities na naranasan ko dito ay ang trekking na suuuuuuper nakakapagod at halos malagutan ako ng katinuan dahil sa hirap ng pag-akyat at nadisappoint sa inaasam namin na Aninuan Falls. I do understand, may El Niño but we were not informed that the volume of water falling is not as what they've shown on their sample pictures. Talagang umasa kami na ma-eentertain at mag-eenjoy sa makikita. Kokonti lang ang bumabagsak na tubig. When a friend saw our pictures akala nya kanal lang yung falls.

Medyo bumawi naman ng konti sa amin ang activity na ito as we were able to have our pictures as the sun set. Ang gandang tingnan ng araw sa tuktok ng inakyat namin (siguro burol na mataas yun pinuntahan namin o halos bundok na din.) Our first day was very tiring.

DAY 2
Second day, nag-snorkeling kami. Even without the aid of the boat na-enjoy ko ang aking pakikisalamuha sa mga isa na iba't iba ang kulay, laki, taba, at itsura. May starfish na kulay blue violet, corals na red at violet, malamig na tubig sa ilalim at mainit sa ibabaw, malinaw na tubig at marami pang iba.

After snorkeling, may bumabahang food kaso kinulang kami sa water.

Nag-stop over din kami sa isa pang isla at nagpicture taking with our costumes on., May pirates, hawaiian/tahitian, at kung anu-ano pa. Ang gulu-gulo namin habang kanya kanya kami ng kuhaan ng pictures. Iniisip ko ang itsura ko dun sa hawaiian dress na yun, kung kita ba ang katabaan ko o ano.

Hindi na kami sumama sa rock climbing at sa underwater picture taking pati fish feeding dahil di rin naman namin alam ng ka-grupo ko kung saan at kelan yun nangyari.

Midnight of second day was fun, may group presentation kami. pinagpalit namin ng role ang lalake at babae. Dinamitan namin ng male pirates ang mga babae at ang lalake naman ay hawaiian dress at lady dress with matching make up. It was fun! Aundience impact pa lang panalo na kami. Kami nga pala ang champion sa group presentation. Php 3,000 is divided to each and everyone so may tig-150 kami bawat isa.


DAY 3
Last day namin ay medyo naispend namin sa pamimili but before that, mga 6 a.m. pa alng ay nagbabad na kami ng kasama ko sa dagat while a lot of fish were playing around us. Nakakatuwa dahil nakikita ko sila sa tabi ng paa ko and I even call one little fish at OTEP dahil mukha siyang NEMO pero iba ang kulay (black with rainbow stripes) umiikot-ikot sya sa akin at di natatakot na hulihin ko sya.

Naubos yata ang pera ko sa pakikipagtawaran. kahit pa-sampu-sampu at tatlo isang daang souvenirs ay halos libo din ang total.

Mabilis ang byahe pauwi gamit ang malaking bangkang may katig. Natagalan lang kami sa paghihintay ng bus at sa kabagalan nitong umandar.


-----
Sa aming tour guides (Barcode Team), I know its a bit frustrating dahil magulo ang group namin and magulo din ang plans ninyo. We were entertained a bit pero we do hope that next time, be ready with big groups. Siguro hindi pa kayo sanay sa 150 persons. Umasa kami sa magandang service most especially sa food pero marami ang kinulang at yung iba ay di pa kagandahan ang lasa at amoy. But thank you pa din. If ever I will be back, I'll still try your service dahil based naman sa mga reviews ng small groups na nagbakasyon sa Galera with you ay positive naman and result. Thanks again!


Patikim

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

May kung ano na bumubuhay sa aking tamemeng pagkatao. Hinahalukay ang aking isipan at pinaparanas ang pait, tamis, asim, alat, at linamnam ng buhay. Ang matindi pa ay ang di mapaknit na lasa ng bawat salita na patuloy na naglalaro sa isipan.


Ang "Patikim" ni Makoy ay isang di malilimutang paglasap sa kanyang pagkatao. Masarap, malinamnam at halu-halo ang lasa.

Mula sa pagtikim ay patuloy na nagnanais na makaisa pa.

--------------------

Ito ang mga naglalarong mga salita sa aking isip nung natanggap at nabasa ko ang "Patikim" ni Mark Angeles. Isang blogero at manunulat.

Nalimutan ko nang i-post sa blog ko ito dahil sa kawalan ng oras pero nai-type ko sa cellphone ko at sa wakas, nailagay ko na din sa site.

Para sa kaalaman ng lahat, ang "Patikim" ay isang libro ng mga tula ni Mark Angeles. Matagal bago nailimbag ngunit sulit naman nang natapos. Sa mga nais na makakuha ng kopya mag-email lang sa akosimakoy@gmail.com o i-message ako, ako mismo ang tutulong na mapasakamay nyo ang libro. (Murang mura lang)




Nagkita na kami ni Makoy. Salamat at napaunlakan ang aming pag-imbita. Sana sa susunod maka-toma din kita (bahala na) Hanggang sa muling pagkikita. Patikim ka naman!


Eleksyon 2010: Pila Balde

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Uy! Bumoto ka ba ba? Habang may panahon pa, i-exercise mo ang karapatan mo.

Bumoto para sa pagbabago. Kung hindi ka boboto, parang sinabi mo na din na wala kang pakialam sa kinabukasan mo at ng pamilya mo.

~Klet Makulet


Kaninang alas-nuebe sa school na pagbobotohan namin, sandamakmak na papel ang sumalubong sa amin--sample ballot, pamaypay, calendaryo at mga sulat na sinasabi na disqualified si ganito at ganoon.

At sa loob na mismo ng school, hindi magkamayaw ang mga tao. Paano ba naman, bukod sa pagkuha ng precinct number ay kailangan pang pumila ulit para sa panibagong number para makaboto. Dati, pila lang tapos na.Lalo tuloy tumagal.

May singitera pang nagpa-imbyerna ng umaga ko. Tsk. Ayos lang din kasi nakarma din naman sila after noon, kasi di sila binigyan ng number dahil kulang yung info na binigay nila.

Yaiks! Ika-417 daw ako.Goodness gracious naman! halos 10a.m. na pero 100+ pa lang ang nakakaboto, anong oras pa kami? Dahil sayang ang pamasahe at mainit na din naman, tumambay na lang kami ng nanay ko sa gymnasium nung school at naghintay ng turn namin.

Garsh! So matagal ha! At dahil may kakilala si mother dear, sinabing senior na sya at pinasama ako. Nakaboto din kami after halos 4 hours na pagtambay.

Akala ko ganun lang kadali ang mag-shade. Tsk! Pasmado yata ang kamay ko, muntik pa lumampas ang paglalagay ko ng shade. Kinakabahan din ako na baka di tanggapin ng PCOS machine ang balota ko. Buti na lang di iniluwa. Yey!!! Masaklap lang at yung sa nanay ko ang di tinanggap. Ang sabi ko na lang, may binoto kasi siya na di karapat-dapat (nagkamali kasi siya ng na-shade, magkapangalan kasi) heheheh.

Ang sarap sa pakiramdam na nakaboto ako lalo pa at tinanggap ang balota ko.

Tip lang sa mga di pa bumoboto:

1. Ilista na sa kapirasong papel ang iboboto.
2. Alamin ang number ng pulitikong iboboto.
3. Mas maganda kung pagsusunod-sunorin ang number para madaling kopyahin.
4. Wag diinan ang pagshe-shade.
5. Wag ding tagalan ang pagshe-shade dahil lalagpas na ang ink sa bilog na hugis itlog.
6. Iwasang magkaroon ng dumi o marka ang balota (dahil maarte ang PCOS machine, ayaw ng dirty ang papel)
7. Iwasan ding matupi ang balota.
8. Wag manghula, baka mapatapat ang boto sa corrupt na kandidato. (yung iba, ilan lang ang pinipili nila kung di talaga nila kilala ang pulitiko. Di ko lang sure kung advisable ito.)
9. Magdasal na tanggapin ang balota ng makinang bibilang sa boto.
10. Apat na beses pwedeng i-try kung inilalabas ng makina ang balota, ipa-check sa mga guro doon kung may pagkakamali, wag hahayaan na lalagyan agad ng reject. Kapag talagang di tinanggap, better luck next time...at least you tried!

CONGRATULATIONS!

Ipagdasal natin na maging maganda ang resulta ng botohan. Wala sanang mangyaring dayaan. At sana, karapat-dapat ang mga mananalo.

God bless the Philippines!


Ang nanay kong echosera

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Bago ang lahat ay Happy Mother's Day muna sa lahat ng mga nanay sa buong mundo.

Sigurado ko na madaming kwento nanaman tungkol sa kani-kanilang mga nanay at isa na ako sa makiki-sali sa mga magkukwento tungkol sa nanay kong echusera.


Ano ba ang echosera? Mula sa salitang "echos" na ang ibig sabihin ay kasinungalingan.

Ang nanay ko naman ay di chismosa, echosera lang. Yun bang tinalo pa ang ABS-CBN News at GMA News sa pagbalalita ng kasinungalingan. Echos lang.

Madalas kasi nauuna pa siya sa balita. Minsan nga habang nasa trabaho ako ay tumawag siya:

Mama: Hello, patay na daw si Dyogi!

Ako: Ha?

Mama: Oo sabi ni Mariel. Si Dyogi patay na. Panoorin mo.

Eksakto naman at nasa akin ang TV phone ng kanyang boyfriend (echos lang!)

Ako: Mama naman eh! Di patay si Dyogi, Condolence daw at namatayan si Dyogi!

Mama: Eh bakit naka-itim na damit si Mariel?

Ako: Naku naman mother, nakikiramay lang yan. Tatawa ba naman si Mariel kung si Dyogi ang namatay?

Mama: Ganun?

Ako: Wala naman po balita eh.

Naisip ko, di lang pala echosera ang nanay ko, makulit din.

Echosera siya dahil exaggerated kung magkwento. Tulad noong isang taon yata yon noong umuwi sila sa probinsya ng Nueva Ecija at nagkaroon ng aksidente. Tumawag siya sa akin.

Mama: Hello ang tito mo nasunog ang kamay! Nagliyab kasi yung aircon!

Ako: (Sa isip ko bat liliyab yun di ba dapat magbuga yun ng yelo? pero alam ko baka nagmalfunction) Ano?! Nasan na? Kumusta? Nadala ba sa ospital?!! (nagpanic naman ako)

Mama: Hindi. Okay naman siya, nasunog lang ang balahibo.

Ako: Nge. Echos nanaman siguro yan.

Mama: Hindi. Totoo yun!

Ako: Sige na nga po. Titingnan ko na lang yung nasunog pag-uwi nyo (sabay ngisi)

Minsan naman, sa ka-excited-an sa mga natatanggap na benepisyo sa trabaho, umeechos na agad kung magkano ang makukubra nya sa atm card nya.

May thousand-thousand pesosesoses daw sya sa kanyang atm na makukuha. Nagpapa-withdraw ng pera sa akin kaya pilit pinapakuha ang card nya.

Syempre mag-eeffort ako na pumunta sa mall o sa kabayanan para lang makapag-withdraw at para lang makita ko na ang pinagmamalaki nyang libu-libo ay singko-singko lang pala at di mai-wiwithdraw. Hmp!

Sasabihin na lang sa akin. "Ah! Baka di pa naipapadala, yun sa opismate ko kasi meron na."

Eto pa ang matindi, di siya papayag na matatauban (madadaig) siya sa mga kwentuhan namin. Kahit sa sakit!

Ako: Ma, ang sakit ng ulo ko.

Mama: Ako nga din masakit ang ulo ko kanina pa.

Ako: Masakit nga din ang katawan ko, nangalay yata.

Mama: Yung kamay at paa ko di ko na maigalaw sa sakit (ipapakita sa akin ang mga kamay at paa nya) Sakit din ng likod ko.

Ako: (Nakakahalata na sa pakikipagparamihan ng masakit) Masakit ang dibdib ko di ako makahinga. Saka masakit din ang kuko ko pati yung buhok ko masakit pati yung ano ko masakit din!

Mama: Ako din!

Ako: Hmp! Gaya-gaya ka naman eh!

At maraaaaaaaami pang ka-echosan sa buhay. Pero kahit na echosera ang nanay ko, mahal ko siya. Minsan nga kahit ineechos na nya ako, pinapatulan ko na din para matigil na at alam ko naman na gusto lang nya ng konting lambing.

Ganun lang naman ang mga nanay eh. Konting lambing lang pawi na ang mga sakit sakit nila.

Muli Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay lalo na sa aking mother dear. Pasensya na at walang datung ang anak nyo wala akong cake na maibibigay sa iyo ngayon (dadalawahin ko na lang next year :P)


Limang araw ko'y tapos na

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

Ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon lang ako nagpaalam tapos isang pikit ko pa lang ay tapos na ang limang araw kong paglayo sa kalungsuran.


Taunan kami kung umuwi sa bayang sinilangan ng nanay at kapatid ko--ang Nueva Ecija.

Limang araw ang inilaan namin ngayon di tulad dati na apat lang. At sa limang araw na ito, parang kulang pa, parang gusto ko pa pero ayaw ko na din (ang gulo n0?)

Okay payn! Gusto ko pa kasi, ayoko pang bumalik s lungsod. Gusto ko pang i-enjoy ang barriotic life ko dito pero ayoko nang makipag-friends sa mga kulisap sa paligid at hayaan silang sirain ang matagal ko nang sirang skin.

Ano nga ba ang napala ko sa limang araw ko dito sa Barrio Cabucbucan?

Chichabog...
Kumbaga sa adik, sabog na sabog na kami kakachicha. Ilang fiestahan din kasi ang sinugod namin.

Di pa man kami nagtatagal pagdating sa bahay ng lolo at lola namin ay umalis na agad kami papunta ng Estrella para lumamon sa bahay ng pinsan ko na may sofa na may puso (ayon sa pamangkin ko na tinalo pa si Ondoy at Pepeng sa hangin.) At di pa man nalulusaw ang pinaghalu-halong kaning baboy sa tiyan ko ay dumapo na ang pamilya namin sa kabilang ibayo at chumibog nanaman kami. At sa kasamaang palad, nagoyo kami ng kapatid ko at napakain ng mehehe (eew!)

kinabukasan at mga kasunod pang mga araw hanggang ngayon, parang walang katapusan na ang lamunan.

Kati-kati...
Eto lang ang ayaw ko dito. Dati na kasi akong nabiktima ng mga di nakikitang nilalang ni Bro--surot, niknik, hanip atbp., at ngayon ay rumeresbak nanaman sila. Ang mga napuruhan ay ang kapatid ko at asawa nya. Tadtad ang katawan sa butol butol. As usual, di namin alam kung sino ang salarin. Siguro dala na rin ng init.

Napudot...
Mainit! Sobra! Ikaw na ang magkabahay sa kabukiran. Walang shade at di uso ang kisame habang tinatamad ang hangin na dumating. Kahit taun-taon na namin itong reklamo, babalik at babalik kami.


Sagana sa tubig...
Kahit mainit, may pambawi naman ang lugar na ito. Walang el niño dito. Sagana sa hydrogen two oxygen ang lugar na ito. Pozo ang gamit at although mahirap din magpump, libre ang water at mayaman sa tubig deepwell ang bahay ni wowa.


Malayo man, malapit din...
Graveyshus sa layo at tagal. More or less 30km ang nilakbay namin. Mga dalawang oras lang naman na travel sa rough road paakyat at pababa ng bundok para lang makapaligo sa swimming pool.

Aktwali, malapit lang talaga yun. Inikot lang namin ang kabilang mga bayan dahil sa nasira ang tulay ni Ondoy.

Simple Life resort sa Tugatog, Bongabon, Nueva Ecija ang lugar na pinuntahan namin. Simple ang cottage pero di ang pool.

Rain, rain go away...
Walang katapusang ulan (meron pala). Madalas lang. Kaya sira ang negosyo sa peryahan at ang mga palabas sa plaza. Pero okay na din, at least lumalamig ang paligid.

Marami pang kwento kaso mahirap magtype sa cellphone ng blog at least napakinagbangan ko ang unlimited mobile internet ng Sun. Tenchu!


Limot

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ano ba yan?! Kung kailan may panahon, saka naman nawawala sa isip ko ang dapat kong i-post.

Andaaaaami dami kong idea pero pag0nline ko, limot na.

Hirap nang gumaganda, nakakalim0t lim0t na. He3


Reunited

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

It's nice to be reunited with my cousins although yung iba ay nasa tapat lang naman talaga ng bahay namin.


Yung isang pinsan ko ay umuwi from the US (siya lang mag-isa) and he didn't forget to visit us kahit na sandali lang.

First day...
Saktong 6pm dumating siya at kakauwi ko lang din. Beso + hug and isang mainit na kumustahan.

My tito offered his place to have some "toma" portion with a live cast (kala mo tv) sa US. May videoke pa. Although di naman ako tomadora, naki-join na din ako dahil namiss ko nga din siya at ang pakikibonding sa mga pinsan ko.

May nadiskubre pa ako. Masarap palang paghaluin ang Red Horse at Cola... Para sa di mahilig sa beer na tulad ko, isang magandang paraan para mawala yung sagwa ng lasa ay ang pagdadagdag ng cola. Di namin napatumba ang isang case na puro 500ml na pulang kabayo. Mahina!


2nd day (ngayon lang)
Kating-kati na ako umuwi. Kung pwede nga lang na mag-leave na ako, ginawa ko na. Saktong 5pm ay bitbit ko na ang bag ko pauwi. Kinulit ko na din ang kapatid ko to go home para sunduin ang iba pa para sa "dinner" galore namin.

We went to Silangang Nayon (Pagbilao). Medyo ginabi na nga lang. Maganda pa din naman kaso lang we were not able to enjoy the beauty of the place kasi nga madilim na pero ang ganda ng effect ng full moon sa dagat. Mainit lang ng konti ang hangin.

Burp!
Sobrang busog talaga! Nido soup, talong hot pot, yang chow rice, shrimp, chop suey, sizzling squid, chicken in lemon sauce, grilled pork chop, drinks and more... may naiuwi pa kami sa sobrang dami ng ulam.

Sana maulit muli... This weekend naman, I will be reunited with my cousins sa mother side naman. and yung pinsan ko sa tapat ay sasama din. Nueva Ecija, here I come!


And i'm back (again)

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nawawala na nga sa sistema ko ang Internet (weh?! di halata!)


Kung dati, nanginginig na ako after ng ilang minutong pagkakalayo ng mga kamay ko sa keyboard at ng mga mata ko sa monitor. Pero ngayon, parang kailangan ko pang pilitin ang sarili ko na mag-online at mag-post, maki-FB, FS, Multiply etcetera etcetera.

Siguro nga epekto ng pag...tanda? waaaaa I can't accept that! Okay, tamad lang talaga ako. Sige dahilan ng katabaan na lang. Yun matatanggap ko pa. Taba = Katamaran. PWEDE!

Sige. Yun lang. At least nakapag-post ulit ako. Babush!


Pagkakainet!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Grabe namang panahon ito. Kung uulan...sobrang lakas. Halos anurin na ang lahat ng bahay. Kung uminit naman, tuyot na tuyot na parang gustong sipsipin ng haring araw ang lahat ng natitirang katas sa balat ng lupa.


Its getting hot in here...so take off all your clothes!

Oo halos mag-hubo't hubad na ko (Joke!) Pero sa totoo lang malapit na ko matulog ng walang saplot.

Di naman kasi kami mayaman na kayang pagkagastusan ang aircon at ang gastos sa kuyente. Di rin naman magagamit yun dahil sa pesteng brownout.



Are you in heat? ...

Parangansama yatang basahin... Hmmm init na init ka na ano? Anong gagawin pag naiinitan?

Tips para mabawasan ang init sa magdamag (naks!):

(1) Maligo bago matulog. Wag lang matutulog ng basa ang buhok. Hindi dahil sa lalabo ang mata nyo dahil sabi ng doctor dun sa TV wala daw kuneksyon yun. Baka lang mabasa ang unan. Babaho.

(2) Uminom ng malamig na tubig. Nakaka-refresh. Nakakawiwi nga lang.

(3) Mag-handa ng pang-spray ng tubig (mas maganda kung malamig ang tubig.) I-spray sa buong katawan. Di na na iinitin, giginawin ka pa pag tinamaan ng hangin mula sa electric fan.

(4) Gusto nyo ng mala-aircon na lamig? Bumili ng yelo. Itapat sa electric fan. Instant aircon ka na.

(5) Buksan ang mga bintana. Iwasan nga lang na maglagay ng mahahalagang gamit malapit sa bintana dahil baka manakawan.

(6) Wag magsusuot ng maiinit na klase ng tela at damit. Naiinitan ka na nga tapos mag-sasatin ka pa o kaya naman naka-jogging pants o pajama with long sleeves na pantulog. Init kaya nun!

(7) Matulog sa hotel. Magastos nga lang. Pero may free breakfast ka naman!

(8) Bumili ng malaking industrial fan at itutok sa sarili. Ewan ko na lang kung di pa mawala ang init sa paligid.

(9) Mag-install ng exhaust fan. Hindi para higupin ang init mula sa kwarto mo, kundi para magpasok ng malamig na hangin mula sa labas.

Marami pang iba... ikaw naman ang mag-isip!

Sana makatulong ang mga naisip ko... may konting sense naman eh di ba? :P


Villar Stood us up!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Hindi siya kawalan pero may nakikita akong kapangitan.

Katulad ng mga nakaraang event sa television kung saan ang mga tumatakbong presidente ay iniinvite upang makiisa sa mga forum at debate, si Manny Villar ay hindi sumisipot at sa huling minuto magsasabi na hindi makakarating.


Sabi nga ng ilan na nandoon sa graduation day namin, sana man lang, di na lang siya nag-commit sa University kung di rin lang naman nya din sisiputin. May nakuha pa sanang speaker na may maibabahagi ang kanyang karanasan sa mga graduates kesa sa ipabasa sa kanyang inaanak ang kanyang mensahe.

Kung mangangampanya siya, e di mangampanya siya. Okay lang naman na di siya dumating, yun nga lang, naging dahilan ito ng pagkaantala ng graduation rites ng unibersidad.

Sabi nga ng nanay ko, Minus ilang libong boto din ang mawawala dahil sa ginawa nya. Sabi naman ng kapatid ko, ilang doble naman daw ang maipapalit ni Villar dahil sa kampanya. Kahit na, mali pa din yun.

Paano siyang kagigiliwan at gugustuhin ng mga tao kung sa mga simpleng okasyon na ito ay di man lang niya mabigyan ng panahon ang "scheduled" speech niya. Ano pa kung nasa pwesto na siya? Mahalaga sa kanya ang pansariling interest? Ang mas maraming boto kesa sa makapagbigay at makapag-inspire ng iba?

Lalong bumaba ang matagal nang mababang tingin ko sa kanya. Kumbaga sa bagsak na grado, lalo pang nangulelat dahil dito.

Sa kabilang banda, salamat na din, medyo umiksi ang oras ng commencement exercise namin dahil walang nangampanya, di rin ako nagtyagang makinig sa mga sasabihin niya, at nakita ko ang cute nyang inaanak hahahaha!


Finally!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

After years of studying and thnking of where am i going to get money for my tuition fee, GRADUATE NA DIN AKO SA WAKAS!!!


Kanina, sa morning session (baccalaureate mass), halos maubos na ang mantika ko sa katawan dahil sa sobrang init more or less two hours yung ceremony. Nung hapon naman ay four hours (swerte at di inabot ng six hours.)

The school conferred 1,200+ graduates. Sobrang dami sa pangkaraniwan dito sa amin. At dahil madami, matagal ang program.

Heniway, pagkahaba-haba man daw ng linya ng gagraduate, matatapos din yun.

Finally, graduate na ako. Tapos na ang gastos (SANA NGA!) Tama na muna ang dagdag na aral


Guess who's back?

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Syempre di nyo kilala no?

Parang gusto ko tuloy kantahin yung "Wwithout Me" ni Eminem:

Guess who's back, back again
Shady's back, tell a friend
Guess who's back, guess who's back
Guess who's back. guess who's back
Guess who's back, guess who's back, guess who's back


Yes, he's back... yes, he's back ... yes, he's back...

Siya pa din yun. Medyo naging mukha nga lang siyang wasted o dahil kailangan talagang ganun dahil baka matipuhan ng mga banyaga. Di naman sya wafu pero i swear parang Richard Gomez sa appeal.

Kinabog pa ang hair ko sa haba pero parang yung tubo ay tulad ng nasa ibabang buhok maihahalintulad (wehehehe ansagwa!)

Oo siya pa nga yun. Nakakatuwa na makita siya muli. Minus the kilig factor. Di ko naman siya naging crush pero nakatuwaan ko siyang pansinin. Sayang lang at di kami nagkakilala ng matagal (naks!)

Mukhang mabait pa din siyang tingnan (sa tingin lang ha!) Simpatiko.

Natuwa ako nung namansin siya at kinamayan ako (uuuyyy kinilig! aminin!)

Gusto ko ulit kumanta... wag na pala.. gusto ko lang hiramin yung linya sa kanta...some god things never last... trulalu yan. hayz (hayz daw oh!)


Ang apat na araw

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Happy Easter po!

Sa loob ng apat na araw, eto ang mga nagawa ko...(parang pulitiko ah!)

Naglinis ng kwarto (pero di pa rin malinis hanggang ngayon.

Nagburn ng CD (garsh inabot ng apat na araw, isa lang na cd ang nasunog ko)

Inayos sa album ang mga tissue. Yung sobra nasa box at nakaayos na.

Inayos ko din ang mga chocolate wrappers.

Pinagsama-sama ang magkakaparehong basura... at itinabi.

Nag-facebook

Nanilip... ng mga blog, news site, entertainment site, facebook ng iba, friendster ng iba, site ng iba.

Nag-sound trip sa laptop dahil walang tugtog sa radyo.

Sinakitan ng tyan

Nagpataba

Lalong nagpataba

Masakit na ang tyan pero kain pa din ng kain

Ninamnam ang apat na araw na walang pasok

Natulog ng late na late

Gumising ng tanghaling-tanghali

Lumaklak ng ilang bote ng softdrinks sa isang buong araw

Nag-exercise ng konti... as in konting-konti

Nagpost ng Wall Photo

Nag-update ng isang post sa blog

Nag-isip

Nagbasa-basa

Tumikim-tikim

Pumikit at nagmulat

Nagpatulo ng laway sa unan (yaks!)

Nagdeposito sa cr (maraming beses sa isang araw...LBM)

Nagtago ng basura

Inayos ang mga libro

Bumili sa tindahan

Naligo (every other day... mabango pa din ako)

Nagbawas ng libag sa katawan

Nagsipilyo ba ako? hahahahaha

madami pa akong ginawa... di ko na lang maitutuloy kasi magdedeposito nanaman ako.... prrrooootttttt!


Sa Sahig Lang?!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nagtatanong ako sa nanay ko habang nakamasid sa nangyayari sa aking harapan "sa hagdan ba yun?" at inulit ko pa ng ilang ulit, "sa hagdan ba yun?" "sa hagdan ba yun?" "sa hagdan ba yun?"


Makulit ba? Makulit ba? Di kasi ako sinasagot ng nanay ko pero mas napansin niya at ng lahat ang isang malakas at matinis na boses ng bata nung sinabi niya ang mga katagang "SA SAHIG LANG?!" At tumawa ang lahat.

Nasa sinehan po kami kanina at nanonood ng MISS YOU LIKE CRAZY nina John Lloyd at Bea. Medyo late na kami nanood dahil wala naman talaga akong balak, itong nanay ko lang ang makulit kaya sinamahan ko na. Ayaw kasing magpahuli sa latest na kwentuhan tungkol sa mga palabas sa sinehan.

Ang tinutukoy namin pareho ng bata ay yung love scene ni Lloydie at Bea na sa sobrang kasabikan ata sa s.e.x. ay di na nagawa pang pumunta sa bedroom at doon gumawa ng milagro sa may hagdan at natapos sa sahig sa second floor(?) Pareho kaming di makapaniwala. Ang dahilan ko, kasi may kasama sila sa bahay, si Mr. Shuli (di ko alam ang pangalan pero dun siya kilala sa pangalan na yun) bilang katiwala ng pinapagawang bahay ni John Lloyd. Alam ko pa nga sinilip sila ni Mr. Shuli nung nasa labas sila at nagaagawan ng alak. Tapos nakuha pa nilang maglampungan sa hagdan at sa sahig? Astig! (Uy! nagrarhyme hehehe)

Isa rin sa napansin ko na napansin na din ng iba, ang nipple ni John Lloyd na parang sa nagdadalagang bata, parang dapat yata ay nag-baby bra muna siya para di naman nakaka-distract.

Maganda naman ang kwento. Pero tulad nga ulit ng iba, mas inaasahan ng lahat na malagpasan nila ang mga nauna nilang pelikula. Puro kasi hawakan ng kamay lang. Tulad nung nag-CR ako, buti na lang at dun ako napatapat, pagwiwi ko sabi ng nanay ko, wala namang nangyari naghawakan lang sila ng kamay. Nge... Tinginan, hawakan, tinginan... medyo sayang.

Pero sa pangkalahatan. Okay naman.


1990 Earthquake

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Natatandaan ko po noon yung napakalakas na lindol noong 1990. Pinakaunang naranasan kong lindol sa buhay ko (na naalala ko.)


Medyo comedy pa nga ang nangyari dahil inaway ko pa ang classmate ko dahil akala ko ay inuuga niya ang aking upuan. Halos masapok ko yung classmate ko na yun (buti na lang at nagpepray kami ng rosary kaya di ako makasimple ng sapak.

Noong una, nahihilo ako sa dahan-dahang paggalaw ng upuan ko, di katulad nitong mga nakaraang lindol na parang dumaan lang sa lubak-lubak na daan. Noon talagang parang dahan-dahang inuugoy ang paligid.

Di na yata namin natapos ang pagdadasal dahil nagkagulo na. Sa totoo lang, di ko naiintindihan ang mga pangyayari. Halos di ko rin alam kung ano at saan ako pupunta.

Kamamatay lang ng tatay ko noon, pero ang tinatawag ko ay siya. Ngawa ako ng ngawa habang tumatakbo. Hindi ko na din naintindihan kung paano ba ako nakauwi sa amin. Sa gulo kasi ng pangyayari, parang nagrambol-rambol na din ang isip ko.

Yung last na lindol na naramdaman namin sa Quezon ay ilang beses ding umulit. Parang nangtitrip lang ang lupa na yuyugyugin ang paligid namin. Gabi pa yun at syempre ang mga taga-Quezon ay may tinatagong takot na baka ang Bundok ng Banahaw ay magising at bumuga ng tubig. Di lang wet look ang mapapala namin dun kundi lunod ang mga byuti namin.

Medyo lalong nakakakaba lang kasi parang sumasakto sa 2012 yung mga nangyayari ngayon. Ni hindi ko pa masyadong naeenjoy ang life ko at di pa naman ako ganun kabait. Baka di na ko tanggapin ni Lord sa heaven at baka pati sa hell ay di rin ako maaccomodate dahil fully booked na (hehehe.)

Kaya mga friends, classmates, madlang people, and foes, let us all pray na sana maextend pa ang life natin. Sana di pa ito ang payback time. At sana, di na tayo maghintay pa ng panahon kung kailan huli na para magbago. Wag na tayong magmalaki na tayo ay lumalangoy sa dagat ng basura (linisin natin), mamulot ng pera sa nasunog na bahay (ingatan natin), magkanda-erap-erap and buhay natin, kung lalabanan natin ang lahat ng ito, magsimula dapat ito sa sarili natin... ang laban ay dapat isulong upang pagbabago ay makamtan. VOTE KLET for PRESIDENT! (weheheh)


no thanks

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I was asked by my head, what if i'll be transferred to another department with a higher position, am I willing?

At first, I was hesitant to tell him the truth.

I'd like to tell him immediately that I don't like that kind of idea.

I said, if it is their (the administration) decision, and it will help me grow (professionally,) then why not. But... I realized, I will be the one who will suffer if I'll let them decide for me. I then told him that I prefer my present position. I don't like to handle higher positions because I know I don't posses leadership skills (which according to him can be learned but for me, if it's not innate, it'll not be as good as those who are born to lead) I'd rather be like this but happy than be be there unhappy and others also suffer.

"With great power comes great responsibility."
--Peter Parker (Spiderman)


Mag-exercise tayo tuwing umaga

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Every time na nakakasalubong ko ang mga kapitbahay naming mga echusera, palaging "ang taba mo ngayon ah!" ang nagiging bati sa akin. Bagay na nakasanayan ko na at ako na nga mismo ang nangungunang banggitin para di masira ang araw ko.

Pag tinanong ako: "kumusta ka na?" ang isasagot ko ay: "eto nananaba" or "eto, lalong lumalaki."

San ka pa, kulang na lang sabihing bagong anak ako dahil mukha na yata akong manas. Garsh... masakit mang tanggapin pero ito ang reality.

Well, ngayon, sana... makatulong ang pag-eexercise ko tuwing umaga with the help of our two new exercising buddies: exercise bike and dumbbells.

Mahirap kasi yung walang katulong sa pagbabawas ng timbang. Sana nga lang ay di ito sa simula lang.

Sa ngayon ay namamaga-maga pa ang mga muscles ko at madalas na nagmumura na ang aking mga fats sa kakagalaw nila.

Dahil nga ayoko na ng mga madaliang pagpapapayat tulad ng mga pills at mga tea na nakakapupu, kailangan talaga ng konting tyaga at hirap.

Wish ko lang talaga mabawasan na itong baby fats ko (baby fats daw o!)


Pormal-pormalan

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kailangan ko nanaman ng bagong damit.


Ang sabi nila, Formal daw. Sabi din naman ng iba, mas nag-level up pa dun at gown na daw.

Hanuba?! Di ba nila nakikita ang paghihirap ng Pilipinas? (Konek?)

Sa hirap ng buhay, uubusin ko pa ba naman sa isang gown na pang isang araw lang ang ilang libong piso ko? Neknek!

Hirap na nga akong itago ang mga dalawang bil ko sa katawan tapos gown pa! Owveeer!!!

Heniway, pupulsuhan ko pa. Makikiramdam muna ako kung ano ba talaga ang isusuot. Baka naman kasi sa kakatipid ko, magmukha akong atsay sa event.

May mga formal dress naman ako, yun lang wala na akong pang-gown o kahit cocktail dress man lang.

Sana Sunday dress na lang mwehehehehhe


Manny everywhere

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Malapit na akong masuka.



Kahit saan tumingin, makinig o manood andun si Manny.

Hindi si Manny Pacquiao kung hindi si Manny Villar.

Malapit na din akong ma-LSS sa "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura...." tinalo pa si Willie Revillame sa araw-araw niyang pagkanta ng iisang kanta. Ito naman ay halos oras-oras, araw-araw, gabi-gabi.

Sa Facebook, Yahoo, pati sa Youtube andun ang lolo mo!


Ako ay Nagbalik

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Mula sa naaaaaaapakahabang pagkakatulog ko sa blogosperyo, nagising ako na may laway-laway pa sa pisngi. Yuck! Napanis na sa katagalan.

Ano nga ba ang nangyari sa akin? Wala naman kahit meron.


Nangarag lang ako sa pagmamadali ng adviser ko na tapusin ang thesis na hanggang ngayon ay di ko pa din matapos-tapos. Nalito lang naman ako sa kung ano ang uunahan sa mga trabaho, raket, sideline, sideways, sidecar at kung anu-ano pang side. Nanaba sa paglamon sa mga event ng kapatid ko (isinasama nya akong maging alila...ang hirap maging mahirap *bow*)

Muli akong napadpad dito ay nakita ko na may nagtatanong pala... nakupo sorry. Balik ka na lang at pipilitin ko ding bumalik. May naghihintay din ng pansin ko na i-approve ang kanyang comment...salamat at pasensya na.

Heniway, eto na po ang update ko.

Nagbabalik na si klet at muling nangungulit. weeeeeeeeeeeeeee


Naka-isa si Klet

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Noong bagong nagboblog pa lang ako, di ko iniisip ang mga optimization, search engine friendly blog churva churva na yan. Sa akin kasi, basta makapag-post lang ako ay masaya na ako.

Pero tulad ng isang tao na kwento ng kwento, gusto ko rin naman na may makikinig sa akin o magbabasa sa mga ginagawa ko. Inisip ko, paano? Unang-una wala naman akong mga kakilala sa internet. Kung may mga online friends man ako, ayoko na ipangalandakan sa kanila ang blog ko na ito dahil unang-una, nuknukan ako ng pagkasinungaling sa kanila (joke!) kumbaga ibang pagkatao ko ang nasa kletmakulet.

Natutunan ko ang mga eklat eklat ni Manong Google para sa mga blog. siningit-singitan ko ng mga codes na maaaring makatulong sa blog ko para mapansin. Naki-usyoso ako sa ibang mga blog at naki-echos sa ibang blogero't blogera na di ko naman kilala (pero sincere ang mga kono-comment ko ha!)

Pero sa totoo lang, sa blog na ito, di ko naman inasam na magkaka-page rank pa ang simpleng pautot ko na ito. Di ko rin naman inaasam na maging kasing kilala nung mga naipapakita sa TV na blog. At alam ko naman na malabo din yun. Pero itong si Manong Google ay mukhang type nya ako. Binigyan nya ako ng Page Rank 1.

Salamat. Sa totoo lang limot ko na kung bakit at para saan nga ba ito. Siguro parang karangalan na lang para pag may nadaang mga usyosero't usyosera sa blog na ito, makikita nilang may konting kwenta "kuno" ang nakalagay dito kahit sa katotohanan ay wala. Ni wala nga halos nagcocomment. Hayz! *paawa effect*

Naka-isa rin si Klet!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com