this on Facebook!

Pa-demure

Posted by: Klet Makulet,

Namimiss ko ang dati kong blog. Yung blog na hindi talaga blog dahil isa lang itong topic sa isang forum na kunwari sarili mong blog nga (ang kulit naman paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit 10x)

Hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa pa ang blog na kletmakulet.com kung hindi ko rin naman mailalabas ang kakulitan ko. Sana Klet the Emo na lang o kaya naman Klet walang Kwenta pero dahil di sila nagrarhyme, pinangatawanan ko ang kletmakulet.com na blog. Sa totoo lang wala naman talaga akong sense magpost. Madalas wala lang. Madalas kasi pa-demure pa ako. Kunwari mabait ako at saka kunwari di ako gumagawa ng masama.

Ewan ko ba kung may kinalaman ang sitwasyon ko ngayon sa pagiging walang kwenta ko o talagang ganun na lang pag nadadagdagan ka araw-araw ng point something-something sa edad mo. Garsh! Ilang taon na ba akong gumgradweyt sa pagiging baliw at ngayon ay baliw-baliwan na lang ako.

Minsan iniisip ko din kung may silbi pa ba ang pagpopost ko dito? Syempre kaya nga ako nag blog as in online journal kasi ayoko na ako lang ang sisilip dito di ba? Sana naka-private na lang ito kung ayaw kong ipabasa sa iba (although tinatago ko ang katauhan ko kahit nakabalandra sa title ang pagmumukha ko.) Hinahanap-hanap ko kasi yung madaming comment kahit negative naman tinatanggap ko (wag lang masyadong masakit kasi madali akong ma-hurt. Sana lang may mag-comment parang awa nyo na kahit yun na lang ang i-donate nyo sa akin. Wala namang bayad yung dumaan at kunwari interesado kayo sa post ko. Masaya na ako sa "hi napadaan", "hello please visit my blog." Kahit nakakainis yung ganun pwede na rin kasi binibisita ko naman kahit minsan may malware pa yung site nyo. (Nakakaawa na b? Comment na!)


2
Hmm Klet first time ko sa blog mo at naiintindihan ko ang mga concerns mo, sino nga ba naman ang gustong langawin ang blog? Ang blog ko dati, isa lang ang nagbabasa (yung bestfriend ko) at masaya na ako dun, there came a time when I started bloghopping and really reaching out to other bloggers and it helped attract traffic back to my site, and narealize ko mas masaya kung mas marami. Hindi naman sa nagmamagaling ako but I want to give you this advice, just reach out! Let other bloggers know you're there, spread yourself around! Make friends, attend GEBs careerin mo lahat, before you know it, dami ka nang blogger friends na nag-aabang sa next post mo...
thank you po. Actually okay lang din naman po na minsan langawin. Actually since nag-start ako magblog (2003 ata o 2004) i do blog hops di lang talaga kaaya-aya siguro post ko or di lang talaga mapag-comment yung dumadaan pero masaya na po ako na may napapadaan paminsan minsan hehehe... I'd like to express na gusto ko yung posts mo... Walang kupas! Thank you again :)
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com