As usual kapag walang maisip na specific na topic, halu-halong kwento ang ipopost. Here it is:
Katamaran strikes back
Ilang araw na akong tinatamad magpost. ewan. Lack of inspiration. Lack of words to type at lack of ewan. Ngayon pa lang blanko na ko. Pfft!
Injured and Mouse ko
Pagkatapos ng ilang bagsakan, naghihingalo na ang aking mouse. Hu-hu-hu at hu-hu-hu ulit. Sira na ang pang-scroll kaya manual nanaman ang pag-a-up and down (up-down-left-right-left-rignt-select-start). At may kinalaman din sa katamaran ko, tinatamad na akong magbrowse pa kasi nga manual ang scrolling. Tamaritis si me!
Pagoda ang beauty ko
Dati, pinagdadasal ko na sumikat ako na parang artista na laging hinahabol at hinihingan ng autograph. Sarap kaya nun! Feeling ko, ang ganda-ganda ko kahit hindi. Hinahanap-hanap. Yung halos iniistalk na.
At si Lord, masyadong mapagbigay, ayun pinagbigyan ang wish ko (di na mabiro) heto ako, halos maparalisa na ang kanang kamay ko kakapirma. Gusto ko nang makipag-hide and seek.
Takaw Queen
Oo na! Matakaw na! Inaamin ko naman eh! Bat ba? Tao lang ako! Nagugutom din! Yun lang sumusobra.
Di ko lang talaga ma-gets kung bakit kahit abot langit na ang level ng stress ko ay todo langit din ang pagkagutom ko. Todo langit na din ang timbang ko. Syaks!
yun lang muna... tamad na ako (islash kwet!)
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment