Naalala ko si Alanis Morissette nung nangyari sa akin ang isang ironic experience na ito.
Akala ko nanalo ako ng lotto nung una kasi may nakita akong amount sa sobre kaya nainis ako dahil hanggang September 30, 2010 na lang daw yung offer pero October 1, 2010 ko natanggap (bwisit na kartero yan!)
Buti na lang offer lang pala ng Google sa akin to try their Google Adwords. Wala naman akong binebenta at wala naman akong balak magpa-advertise ng website/blog kaya kahit papaano ay nahimasmasan ako.
Pero paano kung nanalo nga ako sa isang contest (kahit di naman ako sumasali) at totoong pera ang makukuha ko o kaya naman emergency yun at dapat mabasa agad yung sulat.
Mabilis naman ang pagsesend ng letter o kung anumang package sa Philpost (Philippine Postal Office) mga two weeks, di na masama para sa murang halaga compared sa mga commercial freights pero pero pero, yung pagdating mismo sa postal office talaga nabubulok ang mga sulat/package dahil iniipon muna yung dadalhin ng messenger bago idistribute. Minsan pinakikialaman pa ang laman (di ako nambibintang totoo yun!).
Nakita nang before September 30 tapos dadalhin ng October 1 parang nakakaloko.
Naalala ko pa dati nung may nagsend sa akin na package mula sa kaibigan ko sa Japan.Libre ko dapat na makuha yun pero pinagbayad ako sa post office.
May iniwang slip ang kartero at sinabing may package ako sa post office. Naisip ko, bat di na lang dinala pero di na ako nangulit. Pumunta ako dun sa pagaakalang makukuha ko ng walang chechebureche yung package, tapos biglang siningil ako ng 35 pesos! Maliit na halaga pero nakakainis dahil bayad na ng kaibigan ko ang lahat para dun, kukunin ko na lang daw pero nakotongan pa ako. Nakakainis. At ang masama pa, parang ginalaw ang package ko. Nainis na ako, nainis din ang nagpadala at sinabing ayaw na daw nya magpadala dahil masama daw ugali ng nasa post office. Kaya minsan, magandang bumayad na lang sa mga commercial freights ...safe pa!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment