Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil buhay pa ako at buong buo na nakauwi mula sa field trip.
Kung mamalasin nga naman
Dalawang beses akong napasakay sa bus na sing-kupad ng pinakamakupad sa takbo. Tigil pa ng tigil at sumimple pa ng kain ang driver at kundoktor. Alas tres ako ng umaga umalis at nakarating ako sa patutunguhan ko ng 6:00 a.m. na dapat mas maaga pa. Umuwi ako na ganun pa din ang sinakyan ko. Yung para sa dalawang oras ay naging halos apat na oras.
Ang weird pa dahil wala namang traffic pero parang nakikipaglibing kami sa bagal sinabayan pa ng nakakagulantang na videoke. Una natatawa ako pero nung nagtagal naiinis na ako. Sa halip na makakapagpahinga ako, nabubulabog pa ako.
Muntik na!
Kalagitnaan ng byahe biglang nagswerve ang bus namin. May tumawid ata tapos nung malapit na akong bumaba may jeep na biglang humarang sa daan. Muntik nang magkabanggaan.
Pauwi naman halos dumikit yung nguso ng bus sa puwitan nung truck. Ang saya parang gusto akong i-welcome sa heaven at sa hell.
Change of plan
Akala ko pa naman makakapunta ang mga classmates ko dito sa amin, biglang nagbago ng isip. Di ko alam kung bakit. Dati naman sabi pag masama lang ang panahon kaso maayos naman. Wala namang ulan. Sayang. Nadismaya tuloy sina classmate.
Api ako
Nagbayad ako ng sobra pero inapi ako sa upuan. Late pa sila sa usapan. Ano ba yan?! (yes, rhyme na rhyme!)
Pero
Pero kahit na ganun tulad ng sai ko, nagpapasalamat ako dahil buo ako na nakauwi dito sa amin. Kahit parang tinatawagan ako ni San Pedro (Laguna)
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
October 10, 2010 at 3:32 PM
inis din ako sa ganung klaseng mga driver na sobrang kupad.... pero takot din me paghataw hehehe...
ok lang yan! still god be bless you always!
salamat sa pagdaan sa lungga ko.. nawa'y mapadaan ka palagi dun..
salamat!
October 10, 2010 at 5:02 PM
Takot din ako sa mga parang byaheng impyerno :P
Post a Comment