Medyo mapanghi ng konti ang kwento ko ngayon kasi habang papauwi ako kanina, nakakaramdam na ako ng pagwiwi kaya naalala ko ang aso ko at ang talent ko.
Unahin natin ang aking cute na cute na mukhang demonyita kong aso na itago na lang natin sa pangalang Poknat. Kung bakit Poknat ay sa susunod ko na ikukuwento (na malamang porti-eyt years bago ko maalalang ituloy). So si Poknat nga muna di ba?
Si Poknat ay isang Minipin na nilahian ng malaking aso kaya di talaga siya Minipin kasi nga malaki siya so hindi nga Minipin di ba? (Tamang kulit lang) So ayun nga, si Poknat ay may sakit at yun ay ang "incontinence." Ayon sa mga online dictionaries, ang incontinence ay any involuntary leakage of unire. Sa madaling sabi, naiihi siya nang basta-basta kahit ayaw niya.
Nangyayari yun lalo na kapag nakikita na niya akong dumadating o kaya naman kapag lalapitan namin siya para lambingin. Mapapaupo pa siya minsan sa sobrang kilig na mapapansin na din siya sa wakas ng walanghiya niyang amo at yun ay ang yours trulili na si Klet Makulet.
Nagsimula kong napansin ang sakit niyang ito nung nalimutan ko na siyang pansinin dahil may iba na akong nilalambing... na aso din. Biro lang. Hindi ko alam kung bakit pero talagang naiihi siya sa excitement. Kaya nga hindi na siya talaga pwedeng ipasok sa loob ng bahay dahil papanghi ang bahay namin pag oras oras niya akong nakikita. (Mukha daw kasi yata akong CR o arenola.
Ngayon, malamang ay baka ma-jebs pa siya dahil bisi-bisihan ako sa FB at sa iba pang mga gawain at nakakalimutan ko na siyang malambing at hanggang tawag na lang ang nbagagawa ko para masabing naaalala ko siya.
Isa pang kwento ko ay ang talent ko nga. Alam nyo ba na magaling akong magpigil ng wiwi? Galing ko ano?!
Halimbawa: 5:00 p.m. uuwi na ako sa amin, alam ko na nawiwiwi na ako pero dahil tinatamad akong pumunta ng CR para umihi, pipigilin ko na lang at sa bahay na lang ako magpapakawala ng wiwi ko. Ang bahay namin ay may kalayuan din mula sa pinaggagalingan ko at matagal bago ako makasakay ng jeep. Siguro lumampas na ang 50 na jeep ay di pa ako nakakasakay dahil hindi pa dumadaan ang sasakyan na papunta sa amin.Bago pa ako sumakay ng jeep ay sa-side trip muna ako sa shop ng kapatid ko para magpapansin at baka makalibre ng sakay na hihintayin ko pa minsan nang mga isa hanggang dalawang oras.
Pagdating sa bahay, limot ko nang naiihi ako at maaalala ko na lang yung pakiramdam na yun kapag matutulog na ako at yun ay mga alas-12 na nang gabi.
Minsan din naman ay di ko na napipigilan. Kapag ganun, makikita na akong sumasayaw ng pa-sideways kahit walang tugtog at medyo parang nagwo-walk-a-ton ako kapag naglalakad papunta ng CR. Mabilis pa sa isang segundo ang pagtatanggal ng kahit na anong saplot meron ako sa ibaba. Ahhh ginhawa!
Ang wiwi ni Poknat at ni Klet. Ay tenkyu. Bow!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
October 26, 2010 at 9:13 PM
Mas ok na yung may incontinence kesa naman hindi mo mapigilan ang pag-poo-poo kahit ayaw mo pa pumupoo. Ang baho nun. LOL.
October 27, 2010 at 8:04 PM
Grabe naman yun poopoo hahahaha LBM na yun
October 28, 2010 at 4:33 AM
October 28, 2010 at 8:05 PM
October 28, 2010 at 9:39 PM
d bale nasa probinsya ka naman di ba... kahit na sa bukid na walang papel pwede na doon... hayyyy ginhawa...
October 28, 2010 at 10:48 PM
Post a Comment