this on Facebook!

Mag-ingat

Posted by: Klet Makulet,

Nakakagulat, nakakatawa, nakakaloka at marami pang "nakaka" dahil sa usong-uso na social networking sites tulad ng Facebook, Friendster, Multiply, atbp., dahil dito nagiging abala ang isang tambay. nagiging masaya ang isang sawi, nakakalimutang magpakamatay ng isang suicidal na tao, at nahuhuli ang mga di dapat na mahuli.Dahil dito, lumiliit ang mundo kahit na nasa magkaibang panig pa sila ng earth.

Dahil sa Facebook nalalaman ang mga kabulastugan na pinaggagagawa ng iba. Merong nalalaman kung sinu-sino ang mga may asawa na kunwari single, may anak na itinatago naman, masama ang ugali ng mga nagbabait-baitan, kasali sa mga fraternity/sorority (madaling mahuli pag may trouble), mahalay at kung anu-ano pa.

Nagiging careless ang lahat.

Katulad na lamang nung kaopisina ng nanay ko. Nahuli ng anak yung tatay niya na may kalaguyo dahil sa Facebook. Nakita ang mga pictures na magkayakap at magkadikit ang mga mukha sa mga pictures. Buti na lang magaling lumusot ang loko. Nagawan niya ng paraan para maitago ang kalokohan niya. Ewan ko lang kung totoong naniniwala yung anak at asawa. 

Dahil naman sa Twitter,  nahuli ang grupo ni Ivan Padilla. Naka-public kasi ang account kaya nababasa ang mga tweet nila kung saan sila susunod na aatake. 

Sa WWW din nakikita ang mga kanditata ng mga beauty contest na may indecent pictures. Parang si Miley Cyrus na nagpose ng naka-bra at panty lang. Ang matindi pa ay ang picture ni sweet na sweet at di makabasag pinggan na Vanessa Hudgens ng High School Musical kung saan nakita ang kanyang bold na katawan na piniktyur-picture-an niya at pinadala daw kay Papa Zac Efron. At sino ang makakalimot sa mga scandals nina Hayden at Katrina pati na ang namamayagpag ang career na si Maricar Reyes? Dito din natunton ang sinasabing pinaggalingan ng scandal. 

Dapat lang na tandaan ng lahat, mag-ingat sa pinopost, at ibinabalandra sa kung saan-saan sa World Wide Web. Minsan kahit i-delete mo ay nasa database pa din nila ang files mo. Hala ka!!!

Eto try nyo... 
  • Magpost ng picture sa Facebook
  • kopyahin ang link ng picture na inupload
  • i-delete 
  • bumalik sa link na kinopya
  • makikita mo na nandun pa din ang picture
Kahit hindi sa FB, madalas mahilig magtabi ng memorabilia si Manong Google, may cache ito na naaaccess pa din ang isang site kahit na ito ay nadelete na.

Bukas, di ko alam, baka mahuli na ako ng mga pulis...for illegal possession of  ugly face wehehehehe


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com