Habang nakaharap ako sa isang batang walang kamuwang-muwang, naisip ko yung mga kababata ko noon na kakaiba ang mga trip sa buhay. Di ko akalain na kamanyakan na pala yun noon.
Sabi ni Sigmund Freud, ang Papi ng Psychoanalysis, isa sa stages of development ng isang bata ay ang tinatawag na Phallic Stage (galing sa salitang Phallus na ang ibig sabihin ay genitals o sa tagalog ay ari) kung saan ang batang edad 3 hanggang 6 ay namumulat at natututunang maenjoy ang kanilang mga tutut sa pamamagitan ng pag-stimulate dito (wow! erotic!) Pero, syempre, di naman sila conscious na kamanyakan pala yun.
At bakit ko naisip ito? Kasi, ngayon ko lang naintindihan kung bakit ang mga bata, lalo na yung boys) ay nagpeplay ng kanilang mga tootsie, at kung bakit ang mga kalaro ko noon ay ganun...may makamundong isipan na. Bukod sa ang mga magulang nila ay di yata nag-iingat na nakikipag-jerjer habang ang kanilang mga anak ay nag-eenjoy sa panonood sa kanila at ginagaya sila. Dami ko nang naririnig na nililindol daw ang kanilang kama yun pala may milagrong ginagawa ang parents nila. Yaks! Tapos magagalit ang mga magulang kung bakit maagang nabubuntis o nakakabuntis ang kanilang mga tsikiting. Malamang maagang namumulat sila eh!
Kids tend to explore. Although sometimes di nila naiintindihan ang kanilang ginagawa. Yung ilan, nakakatuwaan ng mga nakakatanda at yung iba naman ay napapagalitan.
Di ko sinasabing pabayaan ang bata na maging open sa ganung bagay pero sana lang yung mga matatanda ay marunong ipaunawa sa mga bata kung bakit bawal o ano ba ang tama sa mali. Minsan kasi sila pa yung nagtuturo sa mga bata. Ewan ko kung bakit yung ilan, ang unang tinuturo ay "Nasan ang TT at PP?" samantalang si bata naman ay enjoy na enjoy na tinuturo ito.
After the age of six, balik sa unconscious mind ang tungkol sa sekswalidad at napapalitan ng "getting-to-know-you" stage o natututo na silang makipagsocialize sa ibang bata. Balik manyak mode na lang sila pag naging teen na sila. Kaya sabi nga ni Lloydie..."INGAT!"
photo credit: http://www.squidoo.com/gifts-valentines-day/ AllPosters.com
creepsilog
5 years ago
October 12, 2010 at 11:51 PM
October 14, 2010 at 8:24 PM
Post a Comment