Masaya kasi nananakit nanaman ang mga maskels (muscles) ko dahil dumadami ang cellulites ko sa tyan bukod pa sa bulgy belly ko. Ansaya!
Masaya kasi para akong asong galisin. Nagkakadandruff ako sa ginagamit kong hair polish para dumapa ang mga naghuhumindig at pasaway na buhok. Yes, ang saya saya!
Masaya kasi kahit narepair na ng nanay ko ang mga uniform ko para kumasya sa akin at hindi na ako magpapa-tahi pa, lumalaki pa din ako at wala nang iluluwag pa ang damit ko. Yehey!
Masaya kasi simula sa November, twelve (12) hours akong kakayod o malamang mas mahaba pa dun. Alien! Raise the roof!
Masaya kasi palagi akong late. And I hate it dahil wala pa akong memo na natatanggap o warning o reprimand (juk lang). I'm so happy talaga. Di ko na alam kung anong kasunod nito pag na-late pa ulit ako. Woot!
Masaya kasi yung mga shoes ko (take note, with "s" meaning madami), di na kayang pagtyagaan ang lumalapad kong mga paa na parang nagiging luya na. Ipagbunyi!
Masaya kasi wala pa akong nareready na kahit ano para sa pag-aaralan ko. WTG!
Masaya kasi muntik ko nang malimutang i-submit yung final exam ko through e-mail ang kaso mas masaya kasi nalimutan ko naman ilagay ang pangalan ko. Ang galing ko no?!
Masaya kasi nauubos na ang kayamanan ko. Sabi nung isang wall post sa FB "sana mag-sex ang coins ko" parang gusto ko na din i-wish yun kasi broke na din ako... kung sakaling makabuo ang coins, may bills akong makukuha wehehehehe.
Masaya kasi nangingitim ulit ako dahil naubos na ang pampaputi soap ko. bumabalik ang pagiging ulikba ko Nyehehehehe.
Masaya kasi nga masaya. Kahit pangit masaya para di emo ang dating at di mukhang nagrereklamo ako. Di ba hindi halata? Kasi nga ansaya-saya!!!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment