this on Facebook!

Kwento sa Metro (LRT)

Posted by: Klet Makulet,

Kung may berso sa metro ang LRT, may kwento naman ako. Maiba lang.

Medyo matagal na din akong suki ng LRT pero everytime na sumasaky ako dito ay nageenjoy ako. Kasi palaging bago yung experience ko dito. Tulad na lang kanina na talaga namang susubukin ang galing mo sa pagbalance.

Feeling ko nga pwede na akong sumali sa sirko sa Karnabal dahil ang galing-galing ko nang magbalance. Walang hawakan! Yun nga lang may natapakan akong ale nang biglang pumreno si manong driver (parang jeep lang siya lahat ng pasahero napapunta sa unahan.)

Syempre nagsorry ako. Ang kaso itong si Aleng maarte, di tinanggap ang pagsosorry ko. Bahala siya sa buhay nya! Anyway, bago ako bumaba nagsorry ulit ako. Respeto sa matandang naka-mini skirt at naka-sleeveless hehehe.

Meron ding lalaki na nagpilit sumiksik sa area ng mga babae. Tsk tsk. Di na nahiya. LAki pa ng tyan (although walang kinalaman yung tyan nya dun nabanggit ko lang).

Dati naman, nung unang-una akong napasakay dun, halos may magsabunutan na dahil ayaw siyang padaanin ng mga nasa harapan niya. Sigawan at sikuhan sila. Nakakatawa.

Meron din naman na alam nang puno pero pilit pa ding sinisiksik ang katawan. At meron namang malayo pa eh dun nagpipilit tumambay sa pintuan. Wala lang trip nilang di masiksik sa loob.

Naranasan ko na din na mapasakay sa area ng mga boys. Minsan di ko sadya at minsan syempre kasama ang dyowa di naman pwedeng maghiwalay di ba? May mga PDa moments din ang mga sakay dun parang di na makapaghintay. Nakakatawa at nakaka-entertain.

As i've said, nag-eenjoy ako kahit na madalas ay sardinas ang kinalalabasan ko. Adventure at trip trip lang. Ito ang experiences na di ko maipagpapalit sa pagsakay sa jeep. Kahit ganun madali akong nakakarating sa pupuntahan ko iwas traffic pa.

-----------------

Kahapon ko pa ito nagawa kaso nahiya naman akong mag-open ng blog ko kasi madaming nakatingin sa aking ginagawa. Masyadong public. Baka madaming magpa-autograph sakin pag nalaman nilang ako si Klet (Wapak! Kapal!)


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com