Madalas may lumalapit sa akin para magbigay paliwanag sa mga panaginip nila. Akala kasi nila ay ako si Manang Bola (younger version syempre)at hinihintay nila ako na bola-bolahin ko sila sa mga ibig sabihin ng kanilang panaginip o bangungot. Malayo namang maging kamukha ko si Madam Auring dahil mas cutie-cute cute naman ko sa kanya at mas sexy (that's a fact.)
Kani-kanina lang habang nasa bed of roses pa ay nanaginip ako na nasa LRT mismo at dumadaan sa mismong sementong daan ng EDSA. Habang nakasakay ako, naweweirduhan ako syempre dahil kailangan ng riles para makadaan ang tren. Pero dahil mukhang normal naman sa mga kasama ko, e di quiet na lang ang ganda ko. Parang totoo yung panaginip.
Isa pang weird ay nagbababa ang tren sa mga bus stop. Inisip ko na baka bus nga ang sasakyan ko pero hugis tren nga ang sinasakyan ko at may pagkakataon na dumaan din kami sa riles mislo ng tren.
Ibinababa ako sa hindi ko matandaang lugar. Yung lugar na kung saan maliligaw ako. As usual, tulad nang mga panahong nawawala ako, lumakad ako nang lumakad hanggang makarating ako sa bus station.
Biglang nag-shift ang kwento na nasa loob na ako ng isang compound at pumasok daw ako sa isang kwarto doon. Carpeted, maliliit ang room na parang malaking kahon lang at neon ang color ng ding-ding.
Maya-maya nakita ko ang isang lalake na hawak-hawak ang rubber shoes ko na bagong bili na galing marikina lang pero maganda pero mura at pilit binubuka ang suwelas (yung ilalim ng sapatos) dahil gusto daw niyang malaman kung matibay. Nasira ang ang rubber shoes ko dahil kinutkot nga niya at nawalan ako ng rubber shoes.
Nanggagalaiti daw ako sa galit at minura-mura ko ang lalake at umiiyak sa galit. Sabi ko wala na akong perang pambili, bago lang yun, na di ba nya alam kung magkano yun, kung bakit niya ginawa yun at hayup siya.
Nagising ako sa katok sa pinto.
Dahil nga ako si Manang Bola (younger version na hindi kamukha ni Madam Auring), nagawan ko ng paliwanag ang aking panaginip. Sira na nga pala lahat ng sapatos ko at kailangan ko nang bumili ng sapatos na pampasok.
Buti na lang di ako nanaginip na hubo't hubad dahil wala na din kasi akong damit na matinong maisuot ngayon.
Happy Halloween nga pala sa lahat!!!
creepsilog
5 years ago
November 2, 2010 at 2:41 AM
Happy halloween! Ang weird ng dream mo, bigla-bigla na lang nagshi-shift kung saan! haha.. :]
November 2, 2010 at 4:04 AM
November 2, 2010 at 7:05 AM
November 2, 2010 at 7:47 PM
Happy halloween!
November 3, 2010 at 10:00 AM
@iprovoked - waaaaaa sige seryosohin ko uhmmm pilit ko ring inaalala yung sasabihin ko kaso di ko rin maalala hehehe joke baka mo may memory gap ka na? :P
@glentot - Korekek! Minsan ay hindi rin hehehe
@anonymous- tenchu tenchu. magblog ka na din mukhang makulit ka din eh hehehehe
@jag - iipon na lang po ako ng five pesos para mabili ko na yung shoes hehehe :)
Belated happy Halloween ulet!
Post a Comment