Ang paghihintay ang pinakahuling talent na gusto kong matutunan. Hindi kasi ako pinaglihi sa pasencia kaya siguro nagiging Super Saiyan agad ako kahit isang minuto pa lang na late ang kausap ko at lalo na kapag umabot na sa kalahating oras!
Kahapon, papunta na ako sa PUP upang mag-enroll. Syempre, malayo ang aking lalakbayin (mula buntok pababa sa siudad) kailangan kong agahan ang pag-alis. Alas kwatro pa lang nang madaling araw ay nasa diversion road na ako at nakikipagbolahan sa mga kundoktor na ang habol lang ay ang magkaroon ng sakay. Bola dito bola doon. Umalis na ang ilng bus, wala pa din ang kasabay ko. Balak ko nang umalis mag-isa pero naghintay pa din ako. Hindi ko alam na ang paghihintay ko ay may kapalit na blessing. Makakasakay pala ako sa bus na may WiFi (yey! makakapag-internet ako habang nasa byahe). Isa pang blessing, nilibre ako ng kapeng nagyeyelo ng kasabay ko.
Bago magtanghali, tapos na ako sa pag-enrol ko. Parang High School lang kami na nag-enroll na kailangan ay sama-sama kami ng mga dati kong kaklase sa lahat ng subject. Ang boylet kong kausap, wala pang sagot sa kung paano na ang aming lakwatsa. Salamat sa Didache ni Nins at napalampas ako ang dalawang oras nang hindi naghuhuramentado dahil halos pasado alas-dose na nang sumagot ang date ko (naks!)
Blessing ulit! Sabi ko kasi hindi ako magpapalibre (nakakahiya lagi na lang akong libre) pero char lang yun! Sino ba ako para tumanggi?
Dumayo kami sa SM Manila at dun kami lumamon ng Kenny Roger's Roasted Tsiken na libre. Lumobo ang tyan ko sa busog. Gusto pa akong palamunin ng Burger King at Wendys, Sbarro at pumunta sa Gery's Grill pero tumanggi na ako dahil sa totoo lang najejebs na ako at baka umuwi ako nang nangangamoy sa bus.
Nalibre din ako sa pamasahe sa LRT hekhek kinse din yun noh!
Ayun lang. Sa lahat nang nangyari, isa lang ang natutunan ko, ang maghintay ay di biro pero kung may libreng kapalit, pwede na rin! :P
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment