Noong bagong nagboblog pa lang ako, di ko iniisip ang mga optimization, search engine friendly blog churva churva na yan. Sa akin kasi, basta makapag-post lang ako ay masaya na ako.
Pero tulad ng isang tao na kwento ng kwento, gusto ko rin naman na may makikinig sa akin o magbabasa sa mga ginagawa ko. Inisip ko, paano? Unang-una wala naman akong mga kakilala sa internet. Kung may mga online friends man ako, ayoko na ipangalandakan sa kanila ang blog ko na ito dahil unang-una, nuknukan ako ng pagkasinungaling sa kanila (joke!) kumbaga ibang pagkatao ko ang nasa kletmakulet.
Natutunan ko ang mga eklat eklat ni Manong Google para sa mga blog. siningit-singitan ko ng mga codes na maaaring makatulong sa blog ko para mapansin. Naki-usyoso ako sa ibang mga blog at naki-echos sa ibang blogero't blogera na di ko naman kilala (pero sincere ang mga kono-comment ko ha!)
Pero sa totoo lang, sa blog na ito, di ko naman inasam na magkaka-page rank pa ang simpleng pautot ko na ito. Di ko rin naman inaasam na maging kasing kilala nung mga naipapakita sa TV na blog. At alam ko naman na malabo din yun. Pero itong si Manong Google ay mukhang type nya ako. Binigyan nya ako ng Page Rank 1.
Salamat. Sa totoo lang limot ko na kung bakit at para saan nga ba ito. Siguro parang karangalan na lang para pag may nadaang mga usyosero't usyosera sa blog na ito, makikita nilang may konting kwenta "kuno" ang nakalagay dito kahit sa katotohanan ay wala. Ni wala nga halos nagcocomment. Hayz! *paawa effect*
Naka-isa rin si Klet!
creepsilog
5 years ago
January 18, 2010 at 9:33 AM
pa hotdog ka naman!
-blight
January 18, 2010 at 9:15 PM
wala na yata wahehehehhehe (ayaw lang pahotdog):P
January 19, 2010 at 3:50 AM
4 kami sa mga usisero't usiserang napadaan dito at ok naman maaliwalas sa mata.. di tulad ng site namin na barabara ang balandra.
hanggang sa sunod na daan namin dito.
Apir!
January 31, 2010 at 6:58 PM
dahil diyan nabuhayan ako ng loob whehehehe
Post a Comment