Una sa lahat, Happy New Year!
Bukod sa walang humpay na putukan, kalampagan, at pagtalon (para sa mga umaasang tatangkad pa), isa sa pinagkakaabalahan nating mga Pinoy at kahit na siguro yung mga nasa ibang bansa, ay ang handa para sa bagong taon.
Anu-ano ba ang hinahanda nyo para sa new year?
Kami, eto ang madalas at di namin pinagsasawaang mga inilalaman sa hapag-kainan:
Pork Barbeque or Inihaw na Liempo
Bata pa lang ako ay talagang part na ng handa namin ang inihaw na pork. Sa katunayan nyan, may remembrance ako noong elementary pa ako dahil sa pag-iihaw ng bbq. May nalaglag na nagbabagang uling sa sahig ng balcony namin at natapakan ko. Hanggang ngayon, nasa talampakan ko pa din yung souvenir nung new year na yun.
Simple lang kasi ang pagpeprepare nito (kung tinatamad na magtuhog-tuhog ng baboy, pwedeng buong pork na ang iihaw at pagkatapos deretso na sa sikmura). Para sa madaliang paraan: Imamarinade ang pork sa pinaghalu-halong kalamansi, toyo, vetsin at garlic. After an hour or two, pwede nang iihaw. (Naglalaway na ako =P~)
Sopas or Sotanghon Soup
Pampainit ng tiyan. Ito ay para ihanda ang ating sikmura sa umaatikabong lamunan para sa bagong taon. Iwas impatso at dyspepsia. Maganda rin na pampagising sa mga inaantok na. Pwede ring pampadulas ng lalamunan para kahit di uminom ng tubig ay hindi mabubulunan.
Spaghetti or Pansit
Parang birthday din kasi ang bagong taon. Para humaba ang buhay. Dati, karaniwang spaghetti ang niluluto namin, hanggang magkaroon ng bagong miyembro ng pamilya, si ate na ang gumagawa ng Carbonara. Kung minsan naman, may pansit na, may spaghetti at Carbonara pa.
Loaf Bread / Puto / Cake
Pampadami. Pansama sa pansit o spaghetti. Pag namigay sa kapit-bahay, may pangpuno sa natitirang space sa plato.
Salad
Pinakamadalas ay buko salad ang ginagawa namin. May nagdadala kasi minsan sa amin ng libreng buko kaya nakakapag-salad kami. Minsan naman ay macaroni salad o kaya fruit salad. Di ko pa yata nagagawa na maghanda ng veggie salad, ang mahal kasi ng mga ingredients eh.
Refrigerator Cake or Graham Cake
Simula noong natutunan ko ito, madalas na nairerequest ng kapatid ko na gumawa ako nito. Madali lang kasi at walang luto luto pang kailangan at kahit bata ay kaya itong gawin. Kailangan lang ng All Purpose Cream (Nestle), Condensada, Dairy Cream or Anchor Butter (yung buttermilk ang gamit ko), at Graham Crackers or Broas. Nasa inyo na din kung gusto nyong lagyan pa ng fruit cocktail para mas maganda.
Tuna Sisig
Ngayong taon ko lang ito natutunan at malamang mapapasama na ito sa mga ihahanda sa bagong taon. Sa mga may gusto ng recipe, hanapin na lang dito sa blog ko :P.
Sizzling Garlic Mushroom
Actually, kunwari lang yung sizzling kasi wala naman kaming sizzling plate *teehee*.
Itong Garlic Mushroom churva na ito ay una naming natikman ng kapatid ko nung minsang nagkita-kita ang barkada nila sa isang parang beerhouse ata yun or bar na may mga babaeng maiiksi ang damit at naka-skater shoes pa. Ayun, tinry ko ito idagdag muna sa spaghetti at hit na hit naman sa panlasa ng pamilya. Ngayon, idadagdag ko ito sa Tuna Sisig kung sisipagin pa ako.
Tokwa't Baboy
Medyo weird pero magandang pangdagdag din sa handa. Minsan nga hinahanda rin namin ito sa mga handa namin sa birthday namin o kahit na anong okasyon. Mababoy kasi kaming kumain :P.
Ilan lang yan sa mga nakasanayan na naming hinahanda sa mga iba't ibang okasyon dito sa amin lalo na pag bagong taon. Sa inyo, anu-ano ba ang madalas nyong i-handa? Share nyo naman!
creepsilog
5 years ago
December 29, 2011 at 9:52 AM
December 31, 2011 at 10:11 AM
Post a Comment