this on Facebook!

Kalye of Death

Posted by: Klet Makulet,

Isang araw. Si Mario, naglalakad.
May nakitang limang pisong barya sa daan,
yumuko, pinulot ang barya.
Sa isang iglap, si Mario, patay na.


Isang araw, si Ben ay nagmomotor.
Medyo nakainom, susuray-suray na sa pagmamaneho.
Mabilis. Napakatulin. Maya-maya, si Ben, nakabangga na.
Siya naman, sugatan, duguan, at nagkanda-bali na ang katawan.

Isang araw, si Nene, kasama ang kanyang mga kaibigan ay naglalaro ng habulan.
Masaya sila kahit na nangingitim na ang manipis pang mga balat at pinagpapawisan.
Bigla-bigla na lang, mula sa kanto, isang truck nawalan ng preno.
Animo lata lang silang sinagasaan.

Isang araw, doon sa kanto. Si Aling Matilda ay pauwi na.
Kitikitext pa ang lola sa bagong Blackberry nya.
Si Tonyo, na noon din sa kanto, sabog sa bato, na-ispatan si Aling Matilda.
Nawala na ang Blackberry nya, tagiliran nya ay butas pa.

Isang araw, sa tapat ng bahay ni Maria. Kakahatid lang ng boyfriend nya.
Isang grupo ng lalake ang biglang nang-trip.
Di agad makasigaw si Maria, halos himatayin sa nakita.
Ang boyfriend nya ay nag-aagaw-buhay na, pera't alahas nila, nanakaw pa.

Isang araw, sa buhay ng tao.
Sa Kalye of Death mami-meet ang iba't ibang klase ng tao.
Ang tinuran ay ilan lang sa mga karaniwang pangyayari.
Kahit anong ingat, agimat at pag-iwas, walang magagawa kung si kamatayan ay handa nang bumawi.



-----------------------------

Kanina pa naglalaro sa isip ko ang mga bagay na yan.
Walang magawa kaya utak ko ay biglang napatula.


1
oh, okay ka din mg tula ah... hehehehe..
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com