Ilang araw na lang Christmas na!
Noong elementary ako, isang Christmas party lang ang napupuntahan ko at yun ay ang party sa office ng father ko. Hanggang nagsimula na akong nag-aral ng kinder, dalawa na ang Christmas Party na napupuntahan ko. Pero isang gift lang ang nireready ko at yun ay ang pang-exchange gift ko.
Paglipas ng mga taon, padami ng padami ang mga Christmas party na kailangan na umattend ako. Nariyan ang party ng school, trabaho, friends, organization, community, associations etcetera.
Bawat party ay merong exchange gift na may price range na 75 (para sa grupong sobrang kuripot) at 1000-up (sa magagastos na akala mo anak nina Ayala at Zobel.)
Bukod sa mga exchange gift para sa mismong party ay may mga manito-manita o monito-monita. Ewan ko ba kung sinong nagpauso nyan. Minsan puro walang silbi ang nagiging palitan ng gift. At naalala ko pa yung "something yucky" na natanggap ng kaklase ko noong high school, isang feminine napkin na kunwari may menstruation. Kadiri talaga!
Bukod pa ulit sa exchange gift at manito-manita, ay ang ambagan sa food at mga prizes lalo na kung walang budget ang grupong may pakana sa party na idadaos.
Kapag tumanda ka pa, may mga anak anak na yung ibang kasama mo na hihingi ng pamasko kahit di ka ninang o ninong.
Pagkatapos ng December, gumagapang ka nang sumasalubong sa bagong taon.
Pero, kahit na maraming pinagkakagastusan, masaya pa din tayo, lalo na ang mga Pinoy, sa pag-attend at pakikiisa sa isang katerbang Christmas party. Ang mahalaga kasi dito ay yung kasiyahan, reunion o pagkakasama-sama sa isang salu-salo kahit na halos oras-oras mo naman kasama, ang gift-giving, sharing, at ang malupit ay yung surprise na dulot ng pagbubukas ng regalong natanggap sa exchange gift.
--------------------------
segway muna sa topic:
may HS batchmate ako na ilang beses na akong tintry kausapin sa facebook chat at ngayon lang kami nagkausap talaga. Medyo di naging maganda ang kinauwian ng usapan dahil lang sa isang simpleng tanong niya na nalimutan yata niya na naitanong pala niya at akala ay ako ang nagtanong, o malamang magulo lang yung tinype nya. Ilang beses kong tinry i-cut yung usapan para di humaba at maging disaster ang ending, pero mukhang may topak, sabi ko na lang na okay na yun at baka wala sa isa sa amin ang nagtanong. hihirit pa sana pero nagpaalam na ako. With matching smilies para di magmukhang galit ang message ko. Greet ko na din siya in advance ng Merry Christmas sabay close ng facebook.
Kakatapos ko lang mag-confess pero andami agad na nagpipilit sa akin na magkasala. Nananahimik ako pero ako itong ginugulo. Hanuba?! Anyway, kahit medyo palaban at prangka ako talaga, di ko na lang pinatulan. Wala ako sa mood.
Sana di na maulit yun. Di na lang din siguro ako makikipagchat lalo na sa di ko naman talaga ka-close wahehehhehehe joke!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment