Hindi siya kawalan pero may nakikita akong kapangitan.
Katulad ng mga nakaraang event sa television kung saan ang mga tumatakbong presidente ay iniinvite upang makiisa sa mga forum at debate, si Manny Villar ay hindi sumisipot at sa huling minuto magsasabi na hindi makakarating.
Sabi nga ng ilan na nandoon sa graduation day namin, sana man lang, di na lang siya nag-commit sa University kung di rin lang naman nya din sisiputin. May nakuha pa sanang speaker na may maibabahagi ang kanyang karanasan sa mga graduates kesa sa ipabasa sa kanyang inaanak ang kanyang mensahe.
Kung mangangampanya siya, e di mangampanya siya. Okay lang naman na di siya dumating, yun nga lang, naging dahilan ito ng pagkaantala ng graduation rites ng unibersidad.
Sabi nga ng nanay ko, Minus ilang libong boto din ang mawawala dahil sa ginawa nya. Sabi naman ng kapatid ko, ilang doble naman daw ang maipapalit ni Villar dahil sa kampanya. Kahit na, mali pa din yun.
Paano siyang kagigiliwan at gugustuhin ng mga tao kung sa mga simpleng okasyon na ito ay di man lang niya mabigyan ng panahon ang "scheduled" speech niya. Ano pa kung nasa pwesto na siya? Mahalaga sa kanya ang pansariling interest? Ang mas maraming boto kesa sa makapagbigay at makapag-inspire ng iba?
Lalong bumaba ang matagal nang mababang tingin ko sa kanya. Kumbaga sa bagsak na grado, lalo pang nangulelat dahil dito.
Sa kabilang banda, salamat na din, medyo umiksi ang oras ng commencement exercise namin dahil walang nangampanya, di rin ako nagtyagang makinig sa mga sasabihin niya, at nakita ko ang cute nyang inaanak hahahaha!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment