Nakawala nanaman ako sa hawla at napadpad ako sa Puerto Galera.
Halu-halo ang experience dahil may masaya, kakaiba, nakakapagod, nakakagutom, nakakaubos ng pera, nakakainis, nakakapuyat, nakakasuka at kung anu-ano pang pakiramdam at karanasan ang nagsama-sama at nagsabay-sabay.
DAY 1
Ang mga Activities na naranasan ko dito ay ang trekking na suuuuuuper nakakapagod at halos malagutan ako ng katinuan dahil sa hirap ng pag-akyat at nadisappoint sa inaasam namin na Aninuan Falls. I do understand, may El NiƱo but we were not informed that the volume of water falling is not as what they've shown on their sample pictures. Talagang umasa kami na ma-eentertain at mag-eenjoy sa makikita. Kokonti lang ang bumabagsak na tubig. When a friend saw our pictures akala nya kanal lang yung falls.
Medyo bumawi naman ng konti sa amin ang activity na ito as we were able to have our pictures as the sun set. Ang gandang tingnan ng araw sa tuktok ng inakyat namin (siguro burol na mataas yun pinuntahan namin o halos bundok na din.) Our first day was very tiring.
DAY 2
Second day, nag-snorkeling kami. Even without the aid of the boat na-enjoy ko ang aking pakikisalamuha sa mga isa na iba't iba ang kulay, laki, taba, at itsura. May starfish na kulay blue violet, corals na red at violet, malamig na tubig sa ilalim at mainit sa ibabaw, malinaw na tubig at marami pang iba.
After snorkeling, may bumabahang food kaso kinulang kami sa water.
Nag-stop over din kami sa isa pang isla at nagpicture taking with our costumes on., May pirates, hawaiian/tahitian, at kung anu-ano pa. Ang gulu-gulo namin habang kanya kanya kami ng kuhaan ng pictures. Iniisip ko ang itsura ko dun sa hawaiian dress na yun, kung kita ba ang katabaan ko o ano.
Hindi na kami sumama sa rock climbing at sa underwater picture taking pati fish feeding dahil di rin naman namin alam ng ka-grupo ko kung saan at kelan yun nangyari.
Midnight of second day was fun, may group presentation kami. pinagpalit namin ng role ang lalake at babae. Dinamitan namin ng male pirates ang mga babae at ang lalake naman ay hawaiian dress at lady dress with matching make up. It was fun! Aundience impact pa lang panalo na kami. Kami nga pala ang champion sa group presentation. Php 3,000 is divided to each and everyone so may tig-150 kami bawat isa.
DAY 3
Last day namin ay medyo naispend namin sa pamimili but before that, mga 6 a.m. pa alng ay nagbabad na kami ng kasama ko sa dagat while a lot of fish were playing around us. Nakakatuwa dahil nakikita ko sila sa tabi ng paa ko and I even call one little fish at OTEP dahil mukha siyang NEMO pero iba ang kulay (black with rainbow stripes) umiikot-ikot sya sa akin at di natatakot na hulihin ko sya.
Naubos yata ang pera ko sa pakikipagtawaran. kahit pa-sampu-sampu at tatlo isang daang souvenirs ay halos libo din ang total.
Mabilis ang byahe pauwi gamit ang malaking bangkang may katig. Natagalan lang kami sa paghihintay ng bus at sa kabagalan nitong umandar.
-----
Sa aming tour guides (Barcode Team), I know its a bit frustrating dahil magulo ang group namin and magulo din ang plans ninyo. We were entertained a bit pero we do hope that next time, be ready with big groups. Siguro hindi pa kayo sanay sa 150 persons. Umasa kami sa magandang service most especially sa food pero marami ang kinulang at yung iba ay di pa kagandahan ang lasa at amoy. But thank you pa din. If ever I will be back, I'll still try your service dahil based naman sa mga reviews ng small groups na nagbakasyon sa Galera with you ay positive naman and result. Thanks again!
creepsilog
5 years ago
May 30, 2010 at 8:45 PM
May 30, 2010 at 8:53 PM
carry yan! kelangan mo lang ng pera at kasama para masaya heheheheh
August 4, 2010 at 2:54 PM
August 5, 2010 at 10:16 PM
thank you... i wish I can also visit your area... We were actually planning to have our vacation there instead of Galera, unfortunately, some conflicts arise that's why we decided to go Galera instead. Anyway I still wish to see your place in the future. :)
Post a Comment