Bago ang lahat ay Happy Mother's Day muna sa lahat ng mga nanay sa buong mundo.
Sigurado ko na madaming kwento nanaman tungkol sa kani-kanilang mga nanay at isa na ako sa makiki-sali sa mga magkukwento tungkol sa nanay kong echusera.
Ano ba ang echosera? Mula sa salitang "echos" na ang ibig sabihin ay kasinungalingan.
Ang nanay ko naman ay di chismosa, echosera lang. Yun bang tinalo pa ang ABS-CBN News at GMA News sa pagbalalita ng kasinungalingan. Echos lang.
Madalas kasi nauuna pa siya sa balita. Minsan nga habang nasa trabaho ako ay tumawag siya:
Mama: Hello, patay na daw si Dyogi!
Ako: Ha?
Mama: Oo sabi ni Mariel. Si Dyogi patay na. Panoorin mo.
Eksakto naman at nasa akin ang TV phone ng kanyang boyfriend (echos lang!)
Ako: Mama naman eh! Di patay si Dyogi, Condolence daw at namatayan si Dyogi!
Mama: Eh bakit naka-itim na damit si Mariel?
Ako: Naku naman mother, nakikiramay lang yan. Tatawa ba naman si Mariel kung si Dyogi ang namatay?
Mama: Ganun?
Ako: Wala naman po balita eh.
Naisip ko, di lang pala echosera ang nanay ko, makulit din.
Echosera siya dahil exaggerated kung magkwento. Tulad noong isang taon yata yon noong umuwi sila sa probinsya ng Nueva Ecija at nagkaroon ng aksidente. Tumawag siya sa akin.
Mama: Hello ang tito mo nasunog ang kamay! Nagliyab kasi yung aircon!
Ako: (Sa isip ko bat liliyab yun di ba dapat magbuga yun ng yelo? pero alam ko baka nagmalfunction) Ano?! Nasan na? Kumusta? Nadala ba sa ospital?!! (nagpanic naman ako)
Mama: Hindi. Okay naman siya, nasunog lang ang balahibo.
Ako: Nge. Echos nanaman siguro yan.
Mama: Hindi. Totoo yun!
Ako: Sige na nga po. Titingnan ko na lang yung nasunog pag-uwi nyo (sabay ngisi)
Minsan naman, sa ka-excited-an sa mga natatanggap na benepisyo sa trabaho, umeechos na agad kung magkano ang makukubra nya sa atm card nya.
May thousand-thousand pesosesoses daw sya sa kanyang atm na makukuha. Nagpapa-withdraw ng pera sa akin kaya pilit pinapakuha ang card nya.
Syempre mag-eeffort ako na pumunta sa mall o sa kabayanan para lang makapag-withdraw at para lang makita ko na ang pinagmamalaki nyang libu-libo ay singko-singko lang pala at di mai-wiwithdraw. Hmp!
Sasabihin na lang sa akin. "Ah! Baka di pa naipapadala, yun sa opismate ko kasi meron na."
Eto pa ang matindi, di siya papayag na matatauban (madadaig) siya sa mga kwentuhan namin. Kahit sa sakit!
Ako: Ma, ang sakit ng ulo ko.
Mama: Ako nga din masakit ang ulo ko kanina pa.
Ako: Masakit nga din ang katawan ko, nangalay yata.
Mama: Yung kamay at paa ko di ko na maigalaw sa sakit (ipapakita sa akin ang mga kamay at paa nya) Sakit din ng likod ko.
Ako: (Nakakahalata na sa pakikipagparamihan ng masakit) Masakit ang dibdib ko di ako makahinga. Saka masakit din ang kuko ko pati yung buhok ko masakit pati yung ano ko masakit din!
Mama: Ako din!
Ako: Hmp! Gaya-gaya ka naman eh!
At maraaaaaaaami pang ka-echosan sa buhay. Pero kahit na echosera ang nanay ko, mahal ko siya. Minsan nga kahit ineechos na nya ako, pinapatulan ko na din para matigil na at alam ko naman na gusto lang nya ng konting lambing.
Ganun lang naman ang mga nanay eh. Konting lambing lang pawi na ang mga sakit sakit nila.
Muli Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay lalo na sa aking mother dear. Pasensya na at walang datung ang anak nyo wala akong cake na maibibigay sa iyo ngayon (dadalawahin ko na lang next year :P)
creepsilog
5 years ago
Post a Comment