Uy! Bumoto ka ba ba? Habang may panahon pa, i-exercise mo ang karapatan mo.
~Klet Makulet
Kaninang alas-nuebe sa school na pagbobotohan namin, sandamakmak na papel ang sumalubong sa amin--sample ballot, pamaypay, calendaryo at mga sulat na sinasabi na disqualified si ganito at ganoon.
At sa loob na mismo ng school, hindi magkamayaw ang mga tao. Paano ba naman, bukod sa pagkuha ng precinct number ay kailangan pang pumila ulit para sa panibagong number para makaboto. Dati, pila lang tapos na.Lalo tuloy tumagal.
May singitera pang nagpa-imbyerna ng umaga ko. Tsk. Ayos lang din kasi nakarma din naman sila after noon, kasi di sila binigyan ng number dahil kulang yung info na binigay nila.
Yaiks! Ika-417 daw ako.Goodness gracious naman! halos 10a.m. na pero 100+ pa lang ang nakakaboto, anong oras pa kami? Dahil sayang ang pamasahe at mainit na din naman, tumambay na lang kami ng nanay ko sa gymnasium nung school at naghintay ng turn namin.
Garsh! So matagal ha! At dahil may kakilala si mother dear, sinabing senior na sya at pinasama ako. Nakaboto din kami after halos 4 hours na pagtambay.
Akala ko ganun lang kadali ang mag-shade. Tsk! Pasmado yata ang kamay ko, muntik pa lumampas ang paglalagay ko ng shade. Kinakabahan din ako na baka di tanggapin ng PCOS machine ang balota ko. Buti na lang di iniluwa. Yey!!! Masaklap lang at yung sa nanay ko ang di tinanggap. Ang sabi ko na lang, may binoto kasi siya na di karapat-dapat (nagkamali kasi siya ng na-shade, magkapangalan kasi) heheheh.
Ang sarap sa pakiramdam na nakaboto ako lalo pa at tinanggap ang balota ko.
Tip lang sa mga di pa bumoboto:
1. Ilista na sa kapirasong papel ang iboboto.
2. Alamin ang number ng pulitikong iboboto.
3. Mas maganda kung pagsusunod-sunorin ang number para madaling kopyahin.
4. Wag diinan ang pagshe-shade.
5. Wag ding tagalan ang pagshe-shade dahil lalagpas na ang ink sa bilog na hugis itlog.
6. Iwasang magkaroon ng dumi o marka ang balota (dahil maarte ang PCOS machine, ayaw ng dirty ang papel)
7. Iwasan ding matupi ang balota.
8. Wag manghula, baka mapatapat ang boto sa corrupt na kandidato. (yung iba, ilan lang ang pinipili nila kung di talaga nila kilala ang pulitiko. Di ko lang sure kung advisable ito.)
9. Magdasal na tanggapin ang balota ng makinang bibilang sa boto.
10. Apat na beses pwedeng i-try kung inilalabas ng makina ang balota, ipa-check sa mga guro doon kung may pagkakamali, wag hahayaan na lalagyan agad ng reject. Kapag talagang di tinanggap, better luck next time...at least you tried!
CONGRATULATIONS!
Ipagdasal natin na maging maganda ang resulta ng botohan. Wala sanang mangyaring dayaan. At sana, karapat-dapat ang mga mananalo.
God bless the Philippines!
Post a Comment