Ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon lang ako nagpaalam tapos isang pikit ko pa lang ay tapos na ang limang araw kong paglayo sa kalungsuran.
Taunan kami kung umuwi sa bayang sinilangan ng nanay at kapatid ko--ang Nueva Ecija.
Limang araw ang inilaan namin ngayon di tulad dati na apat lang. At sa limang araw na ito, parang kulang pa, parang gusto ko pa pero ayaw ko na din (ang gulo n0?)
Okay payn! Gusto ko pa kasi, ayoko pang bumalik s lungsod. Gusto ko pang i-enjoy ang barriotic life ko dito pero ayoko nang makipag-friends sa mga kulisap sa paligid at hayaan silang sirain ang matagal ko nang sirang skin.
Ano nga ba ang napala ko sa limang araw ko dito sa Barrio Cabucbucan?
Chichabog...
Kumbaga sa adik, sabog na sabog na kami kakachicha. Ilang fiestahan din kasi ang sinugod namin.
Di pa man kami nagtatagal pagdating sa bahay ng lolo at lola namin ay umalis na agad kami papunta ng Estrella para lumamon sa bahay ng pinsan ko na may sofa na may puso (ayon sa pamangkin ko na tinalo pa si Ondoy at Pepeng sa hangin.) At di pa man nalulusaw ang pinaghalu-halong kaning baboy sa tiyan ko ay dumapo na ang pamilya namin sa kabilang ibayo at chumibog nanaman kami. At sa kasamaang palad, nagoyo kami ng kapatid ko at napakain ng mehehe (eew!)
kinabukasan at mga kasunod pang mga araw hanggang ngayon, parang walang katapusan na ang lamunan.
Kati-kati...
Eto lang ang ayaw ko dito. Dati na kasi akong nabiktima ng mga di nakikitang nilalang ni Bro--surot, niknik, hanip atbp., at ngayon ay rumeresbak nanaman sila. Ang mga napuruhan ay ang kapatid ko at asawa nya. Tadtad ang katawan sa butol butol. As usual, di namin alam kung sino ang salarin. Siguro dala na rin ng init.
Napudot...
Mainit! Sobra! Ikaw na ang magkabahay sa kabukiran. Walang shade at di uso ang kisame habang tinatamad ang hangin na dumating. Kahit taun-taon na namin itong reklamo, babalik at babalik kami.
Sagana sa tubig...
Kahit mainit, may pambawi naman ang lugar na ito. Walang el niƱo dito. Sagana sa hydrogen two oxygen ang lugar na ito. Pozo ang gamit at although mahirap din magpump, libre ang water at mayaman sa tubig deepwell ang bahay ni wowa.
Malayo man, malapit din...
Graveyshus sa layo at tagal. More or less 30km ang nilakbay namin. Mga dalawang oras lang naman na travel sa rough road paakyat at pababa ng bundok para lang makapaligo sa swimming pool.
Aktwali, malapit lang talaga yun. Inikot lang namin ang kabilang mga bayan dahil sa nasira ang tulay ni Ondoy.
Simple Life resort sa Tugatog, Bongabon, Nueva Ecija ang lugar na pinuntahan namin. Simple ang cottage pero di ang pool.
Rain, rain go away...
Walang katapusang ulan (meron pala). Madalas lang. Kaya sira ang negosyo sa peryahan at ang mga palabas sa plaza. Pero okay na din, at least lumalamig ang paligid.
Marami pang kwento kaso mahirap magtype sa cellphone ng blog at least napakinagbangan ko ang unlimited mobile internet ng Sun. Tenchu!
creepsilog
5 years ago
May 4, 2010 at 8:49 PM
Post a Comment