Minsan nag-iisip ako kung bakit maraming mga kabataan ngayon ang di tumatanda, hindi sa mukha kung hindi sa pag-iisip.
Although feeling ko pa din ay bata ako, alam ko sa sarili ko na mature ako pagdating sa mga seryosong bagay. Bata lang sa pakiramdam ko pero hindi ako "childish" at kahit papaano alam ko kung saan ako lulugar.
Oo madalas nakikita ako ng iba na parang bata kung kumilos... depende sa pagkakataon. Pwede mo akong makitang parang luka-loka o kaya naman parang tanga...gusto ko lang magpatawa o magtanggal ng stress.
Kani-kanina lang kasi, nabasa ko ang mga wall post ng ilang mga bata (as in super bata) kong kakilala. Naiintindihan ko ang takbo ng usapan nila kahit na sinasadya nilang maging discreet. Naiintindihan ko din kung bakit sila nagagalit pero sa aking palagay, lampas na sila sa limitasyon.
Siguro nga, bata pa sila. Di nila alam ang kanilang ginagawa o sinasabi. Pero kelan nga ba sila dapat matuto? Di ba dapat habang nadadagdagan ang gulang nila ay dapat madagdagan din ang level ng kanilang pagka-mature? O nagpapakabarumbado lang talaga sila?
Naalala ko pa nung minsan. Nakwento lang naman ng kapatid ko. Nananalaytay daw sa kakilala niya ang pagiging YFC pero nung nagkaroon ng problema, Kung makapagmura akala mo walang pinag-aralan.
Sa FB akala mo cute ang magmura. Di nila alam nakakababa ng dignidad yun. Parang bumubulusok na eroplano ang tingin ng taong tumitingala sa iyo (kung meron man.)
Pero sabi ko nga, sa isip ko, tatanda din sila. Kung hindi man ngayon, siguro ilang taon pa. Mararanasan na din nila ang mura-murahin ng mga bata sa kanila. Ilang taon pa...
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment