Wala akong maipost kayayung medyo nasasagap na lang ng tenga ko ang ipopost ko dito. Tungkol ito sa mga nagkakamaling sinasabi. Natawa ako pero di ko alam kung matatawa kayo. Mababaw lang kasi ako. Di na kailangang umeffort para matawa ako.
Sa bus...
Pauwi na ako nun galing ng school. Habang pinapalabas ang lumang concert ni Michael Buble sa television at kumakanta ng "Sway" at ako naman ay nag-eemote habang nakatingin sa nagmomoist na bintana, isang ale sa may bandang likuran ko ang narinig ko na nag-comment ng malakas:
Ale: Mas maganda ang version ni Charlie Green dyan!
Kausap: Sino yun?
Ale: Si Charlie Green, yung nanalo sa London Got Talent!
Kausap: Ha?!
Whapak! Confident na confident si ate sa information nya. Yung emote mode ko, napalitan ng pigil na ngiti (mahirap na at baka mapagkamalan ako na nasisiraan ng bait.)
Sa bahay...
Kakaligo ko lang nun at syempre nakatapis lang ang "medyo" sexy kong body (yun ay kung babawasan ng ilang kilo ng taba). Nakabukas ang television namin sa may salas at nanonood ang aming kasambahay at yaya ng pamangkin ko ng Talentadong Pinoy. Iniinterview yung isang contestant pagkatapos niyang bumirit ng kanta na mukhang di kaaya-aya sa madla. Nagmamayabang siyang nagsabi ng ganito:
Talentadong Contestant: Bata pa lang po ako ay kumakanta na ako. Nauna akong natutong kumanta kesa magbasa at magsalita.
Isa nanamang whapak na sagot! Natawa kami at muntik nang malaglag ang tapis ko sa pagtawa. Inisip namin kung paano kaya yung pagkanta kung di naman siya nagsasalita... ano yun murmuring? humming? Ang galing galing ni 'teh!
Yun lang at matutulog na ako weheheheh
creepsilog
5 years ago
November 7, 2010 at 11:53 PM
naalala ko yung bumibii sa tindahan malapit samen.
pagbilan po ng "all pastel" wala lang
November 8, 2010 at 3:36 AM
November 8, 2010 at 8:02 PM
@Dhianz - di naman mashado. Tenchu po!
Post a Comment