Ayoko sanang mag-blog ngayon kaso medyo ilang araw na ding walang bagong mababasa dito kaya napilitan na ako. Isa pa sa nagiging dahilan, wala akong makwento tungkol kay Harry Potter (inggit si me!) kasi di pa ako nanonood (bwuhuhuhu).
Anyway, itong dalawang linggong lumipas ay sobrang tiring. TOXIC! Para akong nagpapakamatay. Ang dami-daming ginagawa. Pero may isang napakagandang kapalit... nabawasan ang timbang ko!
May natutunan akong paraan na masasabi ko nang effective para sa akin. Gusto nyong malaman?
Nagawa ko na kasi ito noon. Akala ko nagkataon lang. Pero ngayon, nangyari ulit kaya masasabi kong effective (ang haba pa ng pasakalye). Ilang linggo na kami ng boylet ko na di nag-uusap ng matino (actually parang kasalanan ko na kasalanan niya) Mga ilang linggo na din akong nakipag-break sa kanya tinext ko sabi ko ayoko na (tamang drama lang) pero as usual wa pakels ang hinayupak at parang wala lang. Tinetext pa din ako parang kami pa din. Tapos nainis na ako, nagsend ako ng email. Gumawa ako ng email add nya na bago tapos dun ko sinend. Sabi ko may email ako sa kanya at binigay ko ang address pati na yung password.
After ilang days chineck ko, at nalaman ko na di pa din pala niya binubuksan! Kumulot ang bangs ko sa galit. Binalewala ang drama ko! Tinext ko, sabi ko at tinanong kung bakit di niya binubuksan ang email nya.
Klet: binuksan mo na ba ang email na sinabi ko? 9break na kami pero nagpapapansin pa dina ko wahahahah)
Boylet: Ayaw mag-open. Ilang beses ko nang tinry pero wala talaga.
Klet: (napaisip)
Boylet: May kung anu-ano na ngang word verification at parang na-ban na yata ako sa pag-open nung email ayaw pa din. Tama naman yung username at yung password
Klet: (chineck ang sent items...boylet@gmail.com ... HUWAAAAT!!! Mali pala ang sinabi kong address. natawa ako pero di naman mapapansin dahil text lang. nagsend ulit ako ng text with the correct mail add.)
Boylet: di ko machecheck, masama ang pakiramdam ko.
Klet: Bahala ka na nga sa buhay mo (unti-unti nang umaabot yung mercury sa boiling point)
Boylet: Sige ichecheck ko na...
Hanggang kahapon di pa din binubuksan. Sa inis pumayat ako. Pero kahapon pinabasa ko na sa kanya. Hinila ko sya sa computer shop at hinitay sa labas. Ang laman ng email ay break-up letter (wahahaha natatawa ako parang tanga lang) Paglabas niya sa shop, okay na kami. Parang walang nakipagbreak. Arte lang.
Pero hindi yun ang suicide. Di ako magpapakamatay dahil lang sa lalake. Ano si me, shungek? Dili uy!
Ang suicide ay ang pag-aaral ko. Nagtatrabaho ako tapos nag-aaral. Nagpapakadakila pero di naman halata.
Monday hanggang Friday, 7 to 6 ang pasok ko. Bababa ng bundok ng Sabado at mag-aaral sa Kamaynilaan tapos aakyat ulit sa bundok. Linggo, (tulad ngayon) magboblog tapos magreready ng assignment.
Parang tanga lang. Ganito palagi ang takbo ng buhay ko. Ubos na ang pera, gutom tapos puyat pa. Wala na akong balak mag-summer. Magpapahinga muna ako. Madalas na akong magkasakit. *ubo* *ubo* *singhot* *ubo* *ubo*
Ayun lang ang suicide note ko. Mamaya magpapakamatay nanaman ako sa pag-aaral. (Asan na ba yung blade ballpen at papel....
creepsilog
5 years ago
November 21, 2010 at 3:34 PM
November 21, 2010 at 6:29 PM
November 21, 2010 at 11:40 PM
November 22, 2010 at 1:05 AM
November 22, 2010 at 11:19 AM
naintriga kasi ako sa title ng post mo, malalim at malaman. wala (na) akong balak gawin ang title ng post mo. naalala ko lang ang mga baliw-baliwan moment ko dati, hehe.
wag mong isipin na suicide ang pag-aaral (babalik ako sa school next yr at ayokong isipin na magsusuicide ako, lol). you should be proud. to be young and flexible with your studies and work and love life, all at the same time, is NOT an easy feat one can duplicate. good luck with your studies. XD
November 22, 2010 at 8:00 PM
Post a Comment