May heated conversation kanina. Muntik na akong magpalit-balat (lobo?)
May ipinipilit kasi sa akin na di ko pa daw nagagawa pero alam kong matagal ko nang tapos yun. Ang hirap lang kasi kapag di napapareceivan, pag nakalimutan, wala na lang.
Boiling point na talaga pero salamat sa blogosperyo, napagaan nito ang loob ko.
Ayokong maging masyadong seryoso sa kwento. Di ko feel. Ayokong maging emo. Baka kumuha lang ako ng sinulid at dun ko isasabit ang legs ko tapos ibibitin kong patiwarik ang katawan ko gamit yun (single thread yun ha! san ka pa?)
Marami akong gustong ipagpasalamat sa blogosphere. Ang laking tulong na magpaalis ng sama ng loob at magpagaan ng pakiramdam. Parang isang kaibigang handang tanggapin ang kahit na anong gusto mong sabihin na walang angal. Ni hindi ka iniinterupt at walang ibabalik na sumbat (pwera sa comments pero ito ay laging welcome). Hingahan ng baho at bango ng nagsusulat. Kahit sali-saliwa ang type at spelling, tanggap lang ng tanggap.
Pinapasaya din ako ng mga nakikita ko dito. Di lang chismis kundi, dagdag kaalaman ng mga bagay-bagay sa buhay. Nalalaman mo din na di ka pala nag-iisang tanga sa mundo, na may mas tanga pa sayo at di ka din naman perpekto dahil walang practice (corny)
Ngayon, oks na. Patuloy pa din akong magpapasalamat. As in walang katapusang salamat (to the nth power ang drama)
Ayun lang. Ayaw daw ng emo pero emo pa din. Toingks!
creepsilog
5 years ago
December 1, 2010 at 9:33 PM
December 1, 2010 at 10:23 PM
December 2, 2010 at 3:49 PM
December 3, 2010 at 8:31 PM
Post a Comment