this on Facebook!

Naka-uto!

Posted by: Klet Makulet,

Galing lang ako sa iskul ko at nagkita-kita ulit kami ng mga klasmeyts ko na parang mga hayskul lang kung umasta pero mukhang hayskul ang tangkad nila hehehehe.

Nagkukuwentuhan sila nang biglang tinanong ako nung isa kung ano daw ang blog. At ako naman si yabang kinarir ko ang pagpapaliwanag at may lampas lima akong nauto.





Kakauto ko sa kanila, malamang ngayon ay namumuti na ang mga mata nila sa pag-try ng mga tinuro kong tips kahit di ko naman ginagawa. Nagahaman kasi sila sa kinikita sa blogosperyo [tawang demonyita muna] akala nila ganun kadali wehehehe bahala sila kung itutuloy nila. Iniisip ko baka mamaya nakakatatlong post pa lang sila ay umayaw na.

Pinagyabang ko kasi sa kanila na nakakabili na ako ng candy na dalars ang presyo. Sabi ko malapit na akong makabili ng kotse at saka bahay at lupa (charing lang). Laway na laway naman ang mga bru at nag-take notes pa. Di nila talaga alam na inuuto ko lang talaga sila dahil joke joke joke ko lang yun.

Basta ang sabi ko, kailangan interesado talaga sila. Sana naman di lang pera ang habol nila sa blogging parang ako lang hekhek mukhang pera!

----

Tama na ang walang kwentang kayabangan ko at magreresearch na ako. Ke-bago-bagong pasok eh andami agad pa-photocopy at assignments! Parang finals na agad eh!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com