this on Facebook!

Terror mismo

Posted by: Klet Makulet,

Kanina ay kinakalabog ng kaba ang dibdib ko dahil sa bali-balitang may banta ng terorismo sa NCR. At ang matindi pa niyan, yung mga sinasakyan ko pa at pinupuntahan ang sinasabing maaaring pasabugin ng mga kautak ni Bin Laden.




Pagkarinig naman ng nanay ko sa balita ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto at inulit pa sa akin at ang sabi "O sa LRT daw!" Ngumiti lang ako. Kunwari brave si Klet. A-tapang a-tao, di a-takbo. Pero sa loob-loob ko, parang gusto ko nang mag-drop muna ng semester na ito at papalipasin ko muna ang issue ng terorismo.

Sa totoo lang, mas gusto ko pa na magkaroon ng terror na teacher tulad ni Ms. Zzzz at Mrs. Ssss at marami pang iba. Kasi at least sila, hanggang ratatat lang ng bunganga ang iiwasan ko, e sa mga pasabog na dala ng mga  ng mga walang magawa sa buhay kundi mag-trip na pumutol ng paa, tuhod, balikat, at ulo, parang di ako matutuwa dun. At kahit iharap pa sa akin si Queen Elizabeth kapag nasabuhan man ako, di ko pa din ipagpapalit ang ga-palo-palo kong legs! Over my dead, sexy, alluring body!

Sana po wag mangyari yun. Gusto ko pang magkapamilya. Gusto ko pang makaranas...... gumraduate (kala mo kung ano ha!)

Medyo napakalma naman ako nang sabihin ni P-Noy na chismis lang yun at wala pang matibay na ebidensya (kahit meron naman talaga...pampakalma lang nya yun) Pero kabado pa din ako. At dahil diyan, kinakansel ko na ang plano kong pumunta ng Divisoria para mamili ng murang gifts marami namang mga singkit dito sa amin. Ganun din naman ang presyo. Kalaban ko lang dito ay ibang pampasabog--anghit at utot!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com