December na pala? (December 4 na pero ngayon ko lang napansin. Adik) Ang bilis bilis naman ng panahon! Parang nung minsan lang ay namomroblema ako ng ipangreregalo tapos ngayon, mamomroblema nanamana ako. Wala pa naman akong ipon. Garsh!
Sa amin, uso yung regalo para sa lahat. Kahit tig-pipiso ay binibigay masabi lang na nagregalo sila at dahil natutunan ko ang kultura nilang yun, naki-join na din ako para bongga!
Dati nakatanggap ako ng nail cutter, keychain, coin purse, ballpen, piknik (na potato strings), suklay, mug atbp na hindi yata lumalampas sa 5 to 10 pesos ang isa. "Nakatipid ka na, nakapagregalo ka pa" yan yata ang motto nila.
Okay lang naman sa akin dahil nakaganti naman ako sa kanila, namigay ako ng teaspoon pero pinaganda ko naman. Nilagyan ko ng ribbon tapos nilagyan ko ng magandang lalagyan. Para di mukhang cheap kahit talagang cheap siya. Wala kasi akong maisip eh.
Ngayon, kailangan ko nanaman mag-isip. Last time, naki-wallet at pouch bag ako. Baka batuhin na nila ako kapag yun pa din ang pinamudmod ko. Mahahalata na nilang tinitipid ko sila. Ginagawan ko ng tag para di mukhang galing divi yung binigay ko hekhek. Yung 5 peso coin purse nagmumukhang 30 pesos dahil sa tag (o tip yan sa mga nagreregalo ng mura).
Dahil wala kaming pasok sa school, makakapag-ipon ako. Huwag lang mangungulit ang nanay ko na manood ng sine at kumain sa kung saan-saan dahil hindi ako marunong tumanggi.
Kailangan ko nang mag-isip ng ireregalo sa friends, not so friends, and acquaintance pati foes na din para kunwari peace kami (joke). Gusto ko ay kakaiba ulit. Yung masisiraan na sila sa kakaisip kung paano nila magagamit yun. Tinidor kaya? Papel? recycled bottles?
Bahala na!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment