Oh my gawd! Hindi nyo kakanayin ito. As in! Isang kakaibang experience nanaman ang naranasan ko with my friends at hindi ko alam kung talagang malas lang ang isa sa kanila kaya nilalapitan kami ng bad luck.
Medyo mahaba ito ha. Kaya maghanda na ng pagkain at inumin. Bumili ng pop corn o heavy meal. Dagdag mo na din ang unan at kumot at lagyan ng tukod ang mga mata para di mapapikit. Ready?
Una, natapilok ako ng very light habang hinahanap ko ang cellphone ko sa bag. Minamadali kasi ako ng kaibigan ko na itatago natin sa pangalang Ninay para loadan siya kasi kating-kati na siyang itext ang kanyang imaginary boyfriend na feeling ko naman ay magMU (mag-un) na sila pero basta yun na yun kasi di naman siya ang ikukuwento ko. Buti na lang kahit mataba healthy ako ay nakaya kong ibalance ang sarili ko at hindi masyadong nahalata na muntik nang lumampaso ang cute face ko sa rough road na dinadaanan namin. Kapag nagkataon, total humiliation yun. At makakarinig ako ng "ayan kasi tatanga-tanga" tapos tatawanan nila ako at manliliit na lang ako sabay iiyak sa isang sulok hanggang ngumawa na lang ako dahil sa sobrang kahihiyan. Pero syempre hindi nga nangyari kaya, salamat talaga.
Dumeretso kami sa isa sa napakalapit na Banco de Oro dahil balak naming holdapin yung bank sa pamamagitan ng pagsasagad ng withdraw sa laman ng mga ATM card namin. Sa halip na isa-isa kaming pumasok sa ATM booth, lahat kaming lima ay nagsiksikan dun at nagdaldalan ng napakalakas na akala mo ay amin yung lugar. Syempre amplified ang boses namin hanggang sa loob ng bank. Isa na lang sa amin ang hindi nagwiwithdraw nang bumukas ang pinto mula sa loob at sinilip kami. Akala yata mga pokpok kami na gumagawa ng milagro sa loob ng kanilang booth. Nagsorry kami. Buti na lang mabait yung babae. Mukhang ka-schoolmate namin sya noon.
Pagkatapos noon, nagdiwang kami ng pagtanggap namin ng kaunting salapi mula sa aming pinaghirapan. Kumain kami sa Jollibee. Dalawa sa kasama ko ay sumimple ng bili sa Mcdo at nauna nang umakyat sa 2nd floor ng Jollibee. Hindi namin alam na yun pala ang magiging mitsa ng isang kawindang-windang na pangyayari.
Karaniwan na sa amin, lalo na at mga babaeng bakla kami, ang maging maingay at tumawa ng tumawa na parang wala kaming ibang kasama sa fast food na yun. Hindi namin napansin na may isang nilalang sa sulok, malapit sa amin, na naririndi na pala sa amin. May pinagdaraanan pala siya. Too bad, mga loka-loka ang kasama ko at nagkaroon na pala sila (Ninay at yung tao)ng issue bago pa kami umakyat.
Humingi ako ng extra chair sa tabi ko para paglagyan ng bag ko. ilang segundo pa lang ang nakakaraan at nagsisimula na kaming lumamon ng biglang.... BLAG!... hinila nung babae sa sulok ang isang upuan na parang nagdadabog (actually, tanda na pala yun ng kanyang galit sa amin). Nagulat pa ang kasama ko na itago naman natin sa pangalang Celia na tagos hanggang buto ang pagkamagugulatin. Napa "ay gulay" siya sa lakas ng paghampas ng upuang bakal sa dingding. Tumayo ang babae, dahan-dahan habang nakikita ko sa shades nya na nakatingin siya sa amin. Tiningnan ko din siya. Pasimple ko siyang sinundan ng tingin. Medyo ilang dipa na ang layo niya nang biglang gumawa ng eskandalo ang bruha.
Babae: Kayong anim, ang babastos ninyo. mga babae pa naman kayo! Anong sinasabi ninyong dukit?
Lahat kami nagulat. Umandar ang pagka-observant ko. Nakita ko yung mag-ina sa kalapit table namin ay umalis bigla. Umunti ang mga tao sa paligid. Natahimik pati na ang tumutugtog na music. Nagtaka kami ng kaunti at habang talak ng talak ang babae, unti-unti naming naintindihan na may tililing ang eskandalosang babae.
Kitang kita ko si Celia na namutla. Naramdaman ko ang sarili ko na unti-unti kong nauubos ang sundae ko at ang pati na din ang isa pa sa mga kasama ko na itago naman natin sa pangalang Maria. Yung isa pa sa aming lima (opo lima lang kami, pero mukhang di marunong magbilang ang lokaret at anim ang bilang sa amin o baka naghahallucinate pa kaya ganun), ay itago naman natin sa pangalang Gretel.
Babae: Ngayon naman pangit. kanina lang sabi ninyo dukit. ang babastos! Ikaw (sabay turo kay Ninay) may sinasabi ka kanina.
Sumagot ang isa sa mga lokaret kong kasama at pumatol sa kapwa loka-loka.
Gretel: Wala po siyang sinasabi.
Yun palang sinasabi na yun ay ang naunang pangyayari na binasa ng malakas ni Ninay ang text sa kanya ng kanyang kaibigan na may "ha-ha-ha" at inulit pa ang sagot niya na may "ha-ha-ha" din. Na-trigger ang maramdaming puso ni babae kaya nagalit pala sa grupo namin.
Paulit-ulit siya na bastos daw kami at sinasabi namin ang term na dukit at pangit at kung anu-ano pa. Di na daw kami nahiya at sa harap pa ng pagkain ay pinag-uusapan namin yung mga ganun. Sa mga oras na yun, ay pinipigilan ko ang pagtawa. Pinigilan ko na din na magsalita pa ang mga kasama ko dahil lalong hahaba ang diskusyon pag sinagot pa nila. Nagbanta pa ang babae na hahampasin daw niya kami na lalong ikinatakot ni Celia.
Tuloy kami sa pagkain ng tahimik. Pigil ang mga sarili sa mga gustong sabihin at gawin. Nawala si babae at pumasok sa CR. Nanahimik at muling tumugtog ang kaninang nawalang music sa 2nd floor.
Nagbubulungan kami ng mga usapan nang biglang bumalik ang babae at lumitanya ulit. Matagal. Papatulan ko sana. Yung patol na parang siraulo din ako. Buti na lang at naalala ko na naka-uniform ako. Tiniis namin ang paulit-ulit niyang sinasabi hanggang sa pagbaba niya. Wag daw kaming lalapit sa kanya at wag daw kung anu-ano ang sinasabi namin. Pinagsabihan ko yung crew na paalisin na kaso duwag ang crew at wala yatang balls para itaboy palayo ang babae. Ni hindi man lang tinawag ang manong guard sa baba.
Sinabi nung isang crew na madalas daw dun yung babae at yun lang talaga ang kanyang favorite na upuan. Nalaman ko din kay Celia na ito ay well-off at kilala sa ganung ugali. Hindi lang namin siya napansin talaga kanina. Ayon sa chismis ni Celia, ito daw ay parang may hinihintay na jowa kuno at hanggang ngayon nga ay waiting in vain pa ang drama ng bruha. Nakikita din daw ni Greta ang babae sa mall na namimili ng mga mamahaling damit. Shop-a-holic daw ito. Siya na ang mayaman!
Itong si Maria, biglang nagpaliwanag sa crew. Na wala daw sinasabi si Ninay dun sa babae blah-blah-blah. Pinagsabihan ko na lang siya na wala siyang dapat na ipaliwanag dahil alam na nila yun.
Pinagtawanan na lang namin ang nangyari at sinabi ko na lang sa kanila ang mga napansin kong reaction nila.
Pag-uwi, isang sintu-sintu na namamalimos naman ang nakaharap namin bukod pa sa mga batang makukulit na nagbebenta ng sampaguita na ang modus ay kunwari bebentahan ka nila ng sampaguita tapos mamya hihingan ka ng piso para makauwi na lang daw.
Hinila ko si Ninay papalapit sa akin nang nakita ko itong si boy sintu-sinto. Nakita ko na kasi ito dati malapit sa school namin at ilang beses ko na siyang nakasagupa. Natutunan ko lang ang technique na sisindakin lang sila para umalis. Dinaan ko na lang sa laki para matakot. Sabi ko sasaktan ko siya pag di siya lumayo. Awa naman ni Lord ay natakot siya sa akin.
May katagalan ang jeep pauwi pero at least, safe kaming lahat na nakasakay at nakauwi. Kapalit ng nakakawindang na eksena kanina. isang good news naman ang natanggap ko. Wala na kaming pasok this coming weeks. Sa January na daw kami magkikita-kita weeee!!!!
O gising pa ba kayo? hehehe.
creepsilog
5 years ago
December 20, 2010 at 2:15 PM
December 21, 2010 at 10:31 PM
Post a Comment