this on Facebook!

Klet Update

Posted by: Klet Makulet,

Ehem! Ah...eh... nandito pa ako. Medyo busy-busyhan lang ang Klet kaya di nagpopost.

Maraming nangyari sa maraming araw na nagdaan....


  • Nakausap ko ang crush ko nung college at kinilig si me. Tamang kulitan lang at pasimpleng tanong tungkol sa mga lovelife ng isa't isa. Di ko rin pinahalatang kinikilig ako hahaha. In fairview, ilang oras din yun. 

  • May nakipagkilala sa akin through my mom, may dating siya pero di ko masasabing gwapo siya at isa pa, bata (As if naman manliligaw sa akin. Feelingera!)

  • Isang klase lang ang pinasukan ko nitong December sa school. Andami kasing mga event na di ko na kinareer pang puntahan.

  • Yung isang klase na pinasukan ko, minadali at lumamon lang kami. Ang sarap ng pansit at ng chicken.

  • Isang linggong puro Christmas Party. Kinareer ko ang contest sa group presentation. Nanalo kami at guess what, sa dami namin, fifty pesos na lang ang napunta sa bawat isa (twenty pesos dun ay napunta sa bayad sa accessories para sa presentation).

  • Sumakit ang tyan ko after ng presentation, nastress ang beauty ko. 

  • Nagkakalabuan na yata kami ng boylet ko. Sad-sadan pero life must go on  (parang wala lang pero meron! meron! meron!)

  • Biglang naging hate ko na ang dati kong ka-close. Ang arte kasi (galit ako sa maarte)

  • Marami akong gifts na natanggap. Marami ding chocolates. Parang ayaw nila akong pumayat.

  • Karamihan sa gifts ay pouch o purse (wala man lang lamang pera hmp!)

  • Nakatambak pa din ang aking mga trabaho.

  • Makalat pa din ang kwarto ko.

  • BAYAD KO NA LAHAT NG UTANG KO (hoooraaaayyyyy!!!!!)

  • Tinatry ko ang Biguerlai Tea sa pag-asang mabawasan ang aking katabaan. Isang araw pa lang naman pero parang di ito magiging successful kasi makapal ata ang aking taba, ni hindi ko nafifeel ang effect.

  • Naka-Christmas vacation ang aming katulong (tinalo pa ang bakasyon ko dahil January na daw siya babalik)

  • Christmas eve na mamaya pero parang di ko pa feel. Kulang?!

  • Siguro kakapigil ko sa sarili ko everytime na gusto kong ikwento dito ang mga pangyayari sa buhay ko, nalimutan ko na yung iba. Everytime kasi na may maganda o pangit, lalo na yung extreme ang feeling, ay di ko alam kung bakit di ko ito mai-blog. bakit kaya?

    Anyway, nais kong bumati ng MERRY CHRISTMAS sa lahat ng mga bloggers at sa mga readers (kung meron man) Sana maging maganda ang darating na New Year. Weeeeeeee


     
    photo

    Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

    Template and Icons by DryIcons.com