Kwento ko lang ha. Medyo nakainom ako. Uu umiinom din ako. Di naman ako perfect na kala mo santa-santahan. Mabait naman ako pero alam nyo yun, may kagagahan din ako. Di pa ako lasing okay? (pramis!)
Anong mararamdaman nyo pag nangumpisal ang boylet o girlet nyo na may type siyang iba? Malamang yung iba ay naglulupasay na sa kakaiyak. Oo kwento ko to. Parang tanga lang kasi ibinobroadcast ko pa sa blog ko (keber!) Naweweirduhan lang kasi ako pero sabi ko nga sa kaibigan kong si Nicole (di tunay na pangalan) na siguro manhid na lang talaga ako. Di naman bad ang boylet ko. Siguro naghanap lang... di ko masisisi. Ganun talaga. Di ako nagtatanga-tangahan dito. Syemore nanlamig ang aking mga kamay at nag-init ang aking cute fez pero hanggang ganun na lang. Yung crayola part ko ay nung ako na nangungumpisal kay Nicole sa lahat ng pangyayari pero hindi dahil may type sya. Type lang naman eh. Sana lang di sila nagkekemberlu noh!
Nakakalurkei lang ang araw na to dahil nairaos ko ang buong araw na di nagwawala sa galit o sa sama ng loob. Andami kasing kinumpisal sa akin. Akalain mo yun?! Sobrang honest. Pero gusto ko yun. Sabi ko kasi wag na nyang hintayin pang ako ang makakaalam. Sabi ko nga kung san sya masaya, dun sya. Kasi ayaw ko nang magpilit ng sarili ko kung ayaw na. Para lang akong tangang isisiksik ko pa sarili ko eh ang sikip-sikip na ng lugar para sa kanilang dalawa di ba? Para sa iba malamang kaipokritahan pero sakin hindi. Totoo tong nararamdaman ko (walang pakialamanan ng nararamdaman!)
Nanood kami ng Tanging Ina Mo Last Na To ni AiAi at in fairview, tawa ako ng tawa kahit na may sandamakmak na sama ng loob na sinasabi sakin ang boylet ko. Na-low battery na nga ako dahil sa kitikitext naming dalawa.
Long distance kasi ang drama naming dalawa. At dahil long distance, may posibilidad na may sumingit sa gitna. Di naman matindi ang sitwasyon, kering-keri ko pa. May bestfriend lang naman na hindi ko alam kung pano naging best friend yun na umentra sa eksena. Andami-daming tanong sa boylet ko na siya namang inamin sakin kung ano yung nasa question and answer portion nila habang ako ay pudpod na ang kamay sa kakatext at tawag pero iniisnab ang byuti ko. Ayush lang (may araw ka rin... Juk!)
Sa madaling sabi, naging honest si boylet. Ako din naging honest. Naisip ko na tama lang na maging undecided sa planong pagpasok sa magulong buhay. Biglang nag-nth power ang aking isip (more than dalawang isip ito) Dahil long distance, ayaw kong i-settle lahat sa text lang. gusto ko yung magkaharap kami. yung makikita ko ang bawat galaw nya. yung makikita ko kung ano ang totoo sa mata nyang malalabo.
Sabi nya, wala daw yun. O e di wala. Pero di ako naniniwala. Syempre ano si me T-A-N-G-A? No way high way! Basta yun.
Basta ako, i'm ready to mingle and be single. (charot!)
Siguro nakainom ako kaya ganito sinasabi ko. Masyado akong honest din ngayon. Kung sino man ang makakabasa... atin-atin na lang to ha? kunwari secret lang ha?
Di pa ako lasing ha.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
January 1, 2011 at 11:28 AM
January 1, 2011 at 8:54 PM
Post a Comment