this on Facebook!

1990 Earthquake

Posted by: Klet Makulet,

Natatandaan ko po noon yung napakalakas na lindol noong 1990. Pinakaunang naranasan kong lindol sa buhay ko (na naalala ko.)


Medyo comedy pa nga ang nangyari dahil inaway ko pa ang classmate ko dahil akala ko ay inuuga niya ang aking upuan. Halos masapok ko yung classmate ko na yun (buti na lang at nagpepray kami ng rosary kaya di ako makasimple ng sapak.

Noong una, nahihilo ako sa dahan-dahang paggalaw ng upuan ko, di katulad nitong mga nakaraang lindol na parang dumaan lang sa lubak-lubak na daan. Noon talagang parang dahan-dahang inuugoy ang paligid.

Di na yata namin natapos ang pagdadasal dahil nagkagulo na. Sa totoo lang, di ko naiintindihan ang mga pangyayari. Halos di ko rin alam kung ano at saan ako pupunta.

Kamamatay lang ng tatay ko noon, pero ang tinatawag ko ay siya. Ngawa ako ng ngawa habang tumatakbo. Hindi ko na din naintindihan kung paano ba ako nakauwi sa amin. Sa gulo kasi ng pangyayari, parang nagrambol-rambol na din ang isip ko.

Yung last na lindol na naramdaman namin sa Quezon ay ilang beses ding umulit. Parang nangtitrip lang ang lupa na yuyugyugin ang paligid namin. Gabi pa yun at syempre ang mga taga-Quezon ay may tinatagong takot na baka ang Bundok ng Banahaw ay magising at bumuga ng tubig. Di lang wet look ang mapapala namin dun kundi lunod ang mga byuti namin.

Medyo lalong nakakakaba lang kasi parang sumasakto sa 2012 yung mga nangyayari ngayon. Ni hindi ko pa masyadong naeenjoy ang life ko at di pa naman ako ganun kabait. Baka di na ko tanggapin ni Lord sa heaven at baka pati sa hell ay di rin ako maaccomodate dahil fully booked na (hehehe.)

Kaya mga friends, classmates, madlang people, and foes, let us all pray na sana maextend pa ang life natin. Sana di pa ito ang payback time. At sana, di na tayo maghintay pa ng panahon kung kailan huli na para magbago. Wag na tayong magmalaki na tayo ay lumalangoy sa dagat ng basura (linisin natin), mamulot ng pera sa nasunog na bahay (ingatan natin), magkanda-erap-erap and buhay natin, kung lalabanan natin ang lahat ng ito, magsimula dapat ito sa sarili natin... ang laban ay dapat isulong upang pagbabago ay makamtan. VOTE KLET for PRESIDENT! (weheheh)


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com