this on Facebook!

Nakikitulog

Posted by: Klet Makulet,

Heto ako ngayon nasa bahay ng ibang tao. Although kaibigan ko nga pero di ko talaga gawain na makitulog. Nadala lang ako sa pangakong ipagluluto ko siya ng tuna sisig dahil birthday niya.

Kung alam ko lang na iiwan din pala ako sa ere ng mga kausap ko (pwera syempre sa may-ari ng bahay) ay di ko na lang sana sinabing di ako uuwi sa bahay. napakasarap na sana ang tulog ko.

Nakakainis na medyo nakakabagot. Dinadaan ko na lang sa pagboblog-hop at pagpopost.


2
panahon na din para makabonding mo ang may ari ng bahay.. minsan lang naman yan eh..
sabagay. may tama ka dyan kuya kheed hehehe welcome back ulit
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com