Well, hindi naman ako nasangkot sa isang aksidente o kaya naman ay matindi ang pinagdaanan pero yung mga simpleng pangyayari na akala ko ay di ko magagawa, pero nagawa ko, ay masasabi ko pa rin na "I survived!"
Maipagmamalaki ko na nakauwi akong mag-isa.
Nakakatawa di ba? Napakatanda ko na tapos ngayon pa lang ako natutong umuwi mag-isa.
Segway muna ng kwento...Sa totoo lang, may pagkadependent ako at ngayon pa lang ako natututong tumayo sa sarili kong mga paa. Ngayon ko pa lang na-eenjoy ang paligid at nalalaman ang mga iba't ibang lugar dito sa amin at pati na din sa ibang dako ng Pilipinas.
Epekto ito nang "medyo" strict at over-protective na magulang at kapatid. Pero salamat na din, at least hindi naman ako napariwara o kung ano pa man.
Balik tayo sa pag-uwi ko ng mag-isa. Dahil nasanay ako na may kasabay sa pagpunta sa PUP Sta. Mesa, hindi ko tinatandaan kung saan sasakay at paano ako makakauwi sa amin.
Na-test ako ng pagkakataon. Yung kasama ko ay umuwi ng maaga dahil wala na daw silang klase. Nung una, nagiisip ako kung magpapasundo ba ako sa boyfriend ko o kakayanin ko itong mag-isa. I must admit medyo sumama ang loob ko sa kasabay ko pero inisip ko din, kailangan ko din ito para matuto.
Nagdecide akona kakayanin kong umuwi mag-isa. Sa awa ni Lord, buo naman akong nakauwi mula Manila hanggang Lucena (Quezon Province.) Ginutom nga lang ako.
Nakasakay ako ng LRT nang hindi nawawala. Alam ko madaming mga bihasa na sa Manila na di pa kaya ang sumakay sa tren. Aminin!
Still surviving
Nagsurvive ako sa pag-aaral mag-isa. Maipagmamalaki ko na I did it on my own. Yabang no?!
Dito sa pag-aaral, dito ako bihasa na maging independent. Challenge kasi sa akin na makapagtapos nang walang hinihinging tulong kahit kanino. Maipagmamalaki ko din na sa isang parte ng pag-aaral ko (hanggang ngayon) ay ako na ang nagpapaaral sa sarili ko.
Pinipilit ko ding mag-survive online. Alam kong medyo nagpapabaya ako sa mga ginagawa ko, although pang-past time ko lang naman ito pero sayang din kasi yung nasimulan ko na. Sana lang di mawala.
Nagsurvive na din ako sa mga usapang puso, kaluluwa at pisikal na aspeto. Yung intelektwal, sige isama na din natin yan kahit na medyo alam kong wala na akong isusurvive dahil hindi naman ako ganun kagaling.
Pero syempre, kahit naman sabihin ko na mag-isa kong ginagawa ang mga ito, salamat pa din sa mga direkta o di man direktang nakatulong sa akin. (Drama music please) I will not be me now without you (bwuhuhuhu...char!)
Basta masaya ako na nakauwi ako nang mag-isa. Isa pa nga direk!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment