Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Tama! Sa simbahan nga kami natuloy. Hindi dahil sa nagprusisyon kami, kundi dahil sa hindi sinang-ayunan ng panahon ang plano ng aking boyfie na ngayon ay fiance ko na (ayiiiieeee!)
I Do!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsJust a thought
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsFacebook asks people what's on their mind? But when people posts their thoughts, other people will say that it's a crazy thing.
So ironic!
Regalo sa Sarili
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsDahil mahal ko ang sarili ko, niregaluhan ko ang sarili ko ng bonggang bongga!
Bumili ako ng:
* 2 skinny jeans (kahit hindi ako skinny at puro fats)
*1 leggings
*1 tokong
*1 blouse ng so-en(kahit puro pang-ibaba ang nabili ko)
* 1 bag na itim na Parisian
*3 Darlington foot socks
* 1 Figlia shoes
*1 Lower East Side shoes
* 1 timex watch
At marami pang iba...
I tengkyu bow!
Flash Drive
Posted by: Klet Makulet, 1 commentsHanap ako ng hanap sa aking flash drive at halos mainis na ako dahil halos lahat na siguro ng sulok ng aking kwarto at pati bag ay nahalungkat ko na. Hanggang sa napagod na ako at naupo na lang sa harap ng computer at nakita ko ang hinahanap ko. Nakasaksak na pala ito sa computer.
Parang tayo lang sa buhay, hanap ng hanap sa mga bagay bagay pati na ng mamahalin pero hindi natin alam na nasa atin na pala at naghihintay lang na makita o mapansin. ;)
Kasal
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMatandang dalaga na daw ang 25 kaya sa age ko na lampas 25 ay dapat na akong magpakasal.
Wala namang problema pero dahil babae ako, at wala sa plano ko, hindi ko pwedeng pangunahan ang aking kasintahan na magpakasal agad agad.
Palibhasa kasi mga nauna silang naglaglag ng mga panty nila kaya nauna din silang nasakal nakasal at ngayon gusto din nilang gayahin ko ang ginawa nila.
Aaminin ko pareho na din naman namin gustong magpakasal kaya lang ayaw naman namin na susugod kami sa laban na wala man lang kahandaan. Pinangangalagaan ko din naman ang mga sarili at pamilya namin mula sa kahihiyan. Sino ba ang ayaw na maging legal na magyakapan at maghalikan sa harap ng mga kaibigan at mga magulang na hindi maiintriga at magkaroon ng kalayaang mabuntis nang hindi nachichismis?
Minsan nga, gusto ko na lang sabihing break na kami ng kasintahan ko para lang tigilan na muna nila ako sa pangungulit tungkol sa kung kailan namin sila mapapahigop ng mainit na sabaw. Buhusan ko pa sila nun pag nagkataon (joke).
Sabi nga ng gasgas nang kasabihan, "ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo na kapag napaso ay iluluwa". Wala naman akong balak na iluwa ang pangakong binitiwan ko sa harap ng madlang people na ang tanging hangad lamang ay lafang ang aming kaligayahan.
Darating din naman kami dun. Makakasal at makakasal din kami kaya lang hindi pa sa ngayon. At ang pag-aanak ay saka ko na iisipin. Kung ibibigay man ni Lord yun, kahit kulubot na ang aming mga balat ay mangyayari. Magmadali man kami kung di talaga magkakaanak ay problema lang ulit yun.
Sa totoo lang, napakalaking pressure yun sa mga taong katulad ko na di pa naman talaga nahuhuli sa byahe ay halos ipa-rape na para lang makapag-asawa.
Iba na talaga ang mundo ngayon. Noon kahit matandang dalaga na ay bawal pang maligawan. Ngayon naman, ayaw pang mag-asawa ay halos ipamigay na para lang mapakasalan.
testing la'ang
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsire ay testing la'ang kung ire gang blogdroid ay igi.
lasa ko nama'y igi at kita namang nakapost ako ng ayos.
isa na la'ang. Nais kong magdikit ng larawang kupas dineh. pwede ga?
ala eh kakaiba. di ga dito ko nilagay ang larawan tapos nasa taas naman... kahirap eh!
hala post na!
Oplan Good Deed
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsTumutugon na yata ako sa panawagan ng mga madre na maging parte ng kanilang kongregasyon, pero hindi, hanggang dito lang ito dahil malamang sa malamang ay masusunog na ako pagtapak ko pa lang sa pintuan ng kumbento.
Monday
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMarami ang may ayaw na dumating ang Monday pero nagmamadali namang dumating ang Friday.
Disgusto sa Agosto
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsRuma-rhyme lang ako sa title. Wala akong maisip dahil ngayon lang ulit ako nag-update ng blog na ito. Muntik ko nang makalimutan na may blog pala ako na dapat i-maintain dahil binabayaran ko ang pangalan na ito. sayang lang.
Hairstyle
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMarami nang mga kabataan ang nakaranas ng mga karimarimarim na hairstyles na pinili ng mga magulang nila noong wala pa silang kalayaang mamili ng gusto nila.
Chismosa
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsPwede ba, kung wala kang masabing maganda, itikom mo yang bibig mo.
Nagrereklamo ka na pinagchichismisan ka pero ikaw itong numero unong daldalera.
Puro basura lang ang lumalabas sa bibig mo dagdag polusyon ka pa sa mundo.
Man Hater
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsGumraduate ako ng college na NBSB (no boyfriend since birth). Eh ano naman?
Ang Paborito Ko: Araw
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSa pitong araw na ginawa ni Lord, yung araw Nya ang pinaka-favorite ko.
Virgin
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNais kong simulan ang lahat sa pamamagitan ng isang tanong, nakatikim ka na ba ng VIRGIN?
follow me
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsCan't get enough of me? Then follow or visit me on
twitter:
@kletmakulet
facebook:
www.facebook.com/kletmakulet
tumblr:
kletmakulet.tumblr.com
youtube:
www.youtube.com/kletmakulet
Sorry, bingi lang
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMalinis naman ang tenga ko at sure ko naman na hindi naman nadamage ang aking tympanic membranepati inner ear ko pero ewan ko ba kung bakit talagang napapadalas ang aking pagiging bingi.
Deadma
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsNaglalakad ako minsan nang may nakabanggaan akong bata. Hindi namin parehong sinasadya pero automatic na sa aking ang pagsasabi ng "sorry po" at yung bata, deadma.
Bitter pag Vday
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsAminado ako, nagiging bitter ako pag dumating na ang month of February at lumalakas ang bittterness habang lumalapit ang Valentine's day. Hindi ko yun mapigil. Siguro ganun lang talaga ako, single.
Camera
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsIsa sa hindi ko pa mabili-bili sa want list ko ay ang digital camera. Sa totoo lang, kahit kaya ko naman nang bumili mula sa mga naipon kong tigpipiso at mga bentesingko sa alkansya ko.
Nagpasipsip ako ng dugo
Posted by: Klet Makulet, 5 commentsAlang-alang kay Rosa Rosal na namamayat na ngayon, muli nanaman akong nagpasipsip ng dugo sa Red Cross (kaya pala pulang-pula ang cross nila dahil madugo ang kanilang trabaho).
Medyo kakaiba ngayon ang aking karanasan. Hindi ko masabing naenjoy ko ito unlike my first try last year na everything went well.
Doing good
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMaganda talaga ang vibes ko sa taong 2012 na ito. Mukhang nagkakatotoo ang sinabi sa zodiac sign ko.
New Post
Posted by: Klet Makulet, 1 commentsFelix sit annus novus!
Umeffort pa ako sa paghahanap kung paano bang maiiba ang pagbati ko ng "Happy New Year" sa kapesbuk, katwitter at lahat na.