this on Facebook!

Virgin

Posted by: Klet Makulet,

Nais kong simulan ang lahat sa pamamagitan ng isang tanong, nakatikim ka na ba ng VIRGIN?



Matagal ko nang gustong ikwento ito kaso hindi ko lang maipost.

Hindi naman maselan ang topic na ito. Mangingiliti lang ako ng konti ng inyong mga isip.

Hindi ko alam kung may VIRGIN pa ba ngayon o kung uso pa ba ang VIRGIN. Anu't ano pa man, ikukuwento ko pa rin ito.

Sabi nila masarap daw ang VIRGIN. Napa-ows? pa ako noon. Di naniniwala sa kanila. Naisip ko, ano bang kinaiba ng VIRGIN sa iba? Pare-pareho lang naman sila di ba? 

Isang araw, nalaman ko na lang na may dalang VIRGIN ang kuya ko. Nung una, di ko pa pinansin. Hinayaan ko syang magpakasasang mag-isa sa dala nya.

Di tumigil ang kapatid ko kaya minsan ay dinala na nya ako sa isang lugar kung saan marami daw VIRGIN. Maraming parukyano.

"Boss dalawang VIRGIN papatikimin ko lang tong utol ko" sabi ng aking kapatid na ngumingisi habang sinasabi ito.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh.... "

Masarap nga.

Lalong masarap ang VIRGIN pag may kasamang chichirya o kaya iba pang merienda.

Ikaw, nakatikim ka na ba ng VIRGIN?

Try mo!

--------------------------


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com