this on Facebook!

Camera

Posted by: Klet Makulet,

Isa sa hindi ko pa mabili-bili sa want list ko ay ang digital camera. Sa totoo lang, kahit kaya ko naman nang bumili mula sa mga naipon kong tigpipiso at mga bentesingko sa alkansya ko.



Pero, ngunit, datapwa't ako ay naguguluhan kung DSLR ba o yung Digital Camera lang na karaniwan ang bibilhin ko.

Gusto ko kasi na maliit lang at pwedeng dalahin sa kung saan-saan lang yung camera. In short, gusto ko handy. Pero, ayoko naman magmukhang kawawa pag naglabasan na ang mga mamahaling DSLR ng mga tao sa paligid ko.

Kung tutuusin, sanay na akong gumamit ng DSLR dahil madalas kong pag-practisan yung mga camera ng kapatid ko. Sa totoo lang nakakapagod at ang hirap magdala ng mga camera nya. Pero iba yung saya na nararamdaman ko kapag nakaka-capture ako ng kakaibang mga shots.

Naalala ko tuloy nung nag-photo walk kami at marami akong nakuha na talagang pinuri nya.

Kung simpleng camera man ang pipiliin ako, ayoko naman yung pipitsugin lang...

hindi pa rin ako makapag-decide... :(


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com