this on Facebook!

Bitter pag Vday

Posted by: Klet Makulet,

Aminado ako, nagiging bitter ako pag dumating na ang month of February at lumalakas ang bittterness habang lumalapit ang Valentine's day. Hindi ko yun mapigil. Siguro ganun lang talaga ako, single.

My friends, who were also single, try to hide their bitterness (yes, i know bitter din sila. kunwari lang hindi) by trying to set a date with me. We all go out and celebrate (kuno)  Valentine's day.

Kahit noong nagka-boyfriend na ako, bitter pa din ako. That is because magkalayo kami. magkalayo na nga, wala pang pera.

Nainisip ko, hindi yata talaga para sa akin ang Araw ng mga Puso. kahit nga Christmas at New Year (buti na lang hindi naisama ang birthday ko) ay parang hindi ganun ka-espesyal.

Bitter pa din ako ngayon. Bitter dahil wala pang sweldo kaya sure na sure na wala akong matatanggap kahit Lipps candy sa Vday from my boyfriend (cheap no?) Pero okay na din. At least hindi ako single at sure ako na after ng 14, may 15 at sa 15, sweldo na at monthsary namin... mura na ang mga bulaklak at dahil mura na ang mga bulaklak... ilang dosena ulit ang matatanggap ko.

Syempre lahat ng yun ay chika lang. Asa pa si me.

Bitterness is next to sourness. 

-----------------------------------------------------------------
wala lang... 


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com