this on Facebook!

Deadma

Posted by: Klet Makulet,

Naglalakad ako minsan nang may nakabanggaan akong bata. Hindi namin parehong sinasadya pero automatic na sa aking ang pagsasabi ng "sorry po" at yung bata, deadma.



May buhat-buhat kami ng mga officemate ko na table. Medyo mabigat yun at puro babae kami. Siguro mga limang lalake na ang dumaan at tumingin lang sa amin habang walang ka-poise poise naming binubuhat ang lamesa. Ang mga lalake, deadma.

Nitong nakaraang linggo lang ito nangyari. Sa LRT, may isang babae ang tumayo at dali-daling nakipag-unahan ang isang lalake sa upuan. Sinabihan siya nung tumayong babae "hindi ikaw ang pinapa-upo ko, yung babaeng may hawak na baby." Tumayo lang, deadma.

Ngalay na ako kakaabot ng pera sa mga naka-upo sa mga pasahero malapit sa driver, kung di mo pa kukulbitin, di ka nila papansinin. Deadma.

May babae, may gusto kay lalake. Kasal na si lalake pruweba ang wedding ring. Deadma, third party sya.

-----------------------
“Deadma” is a popular Filipino expression. It comes from “dead malice,” translated into “‘patay malisya” or “patay mali,” commonly used in the ‘90s. (Angsioco 2011)










2
ganun ata talaga, madaming manhid sa mundo.
mahirap na kasi yung sobrang matulungin, minsan yun ang laging nahoholdap heheh
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com