Malinis naman ang tenga ko at sure ko naman na hindi naman nadamage ang aking tympanic membranepati inner ear ko pero ewan ko ba kung bakit talagang napapadalas ang aking pagiging bingi.
I remember one time, when I was talking with my office mate, she told me something. I though she said "Uy ayan na yung bagong painter!" With that, nagtaka ako. Napaisip ako kung bakit may bagong painter at ano naman ang pipinturahan. So I asked her bakit may painter and she said na nirequest daw. Nahulog ulit ako sa malalim na pag-iisip kung bakit irerequest na magkaroon ng painter eh wala namang pipinturahan sa office. I asked her again and then I realized she was talking about the new "printer" and we were both laughing nung narealize namin na we are talking about two different thing.
Nalimutan ko na yung iba sa kalumaan (which is another thing about me na lumalala na...gosh tumatanda?!!!) pero kanina lang when we went to a friend's house habang nasa bus at gutom na gutom, i know may Jollibee about a hundred meters na lang, my officemate told me something and i thought ang sabi niya "baba na sa Jollibee" akala ko ay nagbibiro dahil alam nya na lahat kami halos ay gutom na umalis sa aming office kaya may balak na kumain. Napatingin ako sa kanya. Inulit nya ang sinabi nya "Ang taba na ni Janno Gibbs!" natawa ako at sinabi ko ang akala ko na sinabi nya. Viral ito at kumalat na sa buong bus ang pagkabingi ko. Tawanan mode ang lahat. Sabi nila gutom na gutom na nga daw talaga ako.
And ngayon lang, fresh na fresh. Hinihingi ko sa kuya ko ang mga movies na na-download nya. May inooffer sya na bagong download nya. Akala ko "DAVAO" then narealize ko na "The Vow" pala yun.
Nakakaloka! Sorry, bingi lang.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment