Maganda talaga ang vibes ko sa taong 2012 na ito. Mukhang nagkakatotoo ang sinabi sa zodiac sign ko.
Ngunit, subalit, datapwa't, hindi naman sinabi sa akin na dadaan muna ako sa kung anu-anong kaeklatang pagsubok bago ko makuha ang magandang vibes na ito.
Akala ko nga malas na ako talaga. Akalain mo ba naman na sa unang linggo pa lang ng taon ay katakut-takot na kamalasan ang dinanas ko. Pinaka-una na ang pagtama ng matigas kong ulo sa yero ng bahay ng aso namin. Isang napakalutong na P*T*NG*N* ang nasambit ko... hindi lang malutong, malakas pa! Hindi ako palamura sa karaniwang buhay, pero dito, parang bihasa na ako sa pagmumura dahil sa naranasan ko. Akala ko nabutas na ang bumbunan ko. Buti na lang naka-tupi ang dulo ng yero kaya walang sugat (gasgas lang) ang nakuha ko at syempre pangingimi ng ulo at pagkahilo.
Isa pang kamalasan, binawi sa akin ang puwesto ko. Nakaupo na ako sa trono eh binawi pa. nang maka-move on na ako nang biglang binalik. Parang napapagtripan lang.
Ikatlo, kung saan-saang lupalop ako pinapatapon ng boss ko. Gusto yata nya akong magresign o kaya ay mapahamak. Wala pa naman ako nakikitang kagandahan dito. Kung tataasan nila sweldo ko at bibigyan ako ng karagdagang benepisyo, aba eh kahit sa dulo pa ng Pilipinas eh itapon na nila ako. Basta MALAKI talaga ang sweldo ha.
Sa ngayon, masasabi ko talagang I'm on the right track. Sipag-sipagan ang drama ko at organized na ako. Marami na ring pagbabago at sure ko na maraming magbabago pa sa buhay ko... ABANGAN!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment