Felix sit annus novus!
Umeffort pa ako sa paghahanap kung paano bang maiiba ang pagbati ko ng "Happy New Year" sa kapesbuk, katwitter at lahat na.
Namaalam na ako kahapon sa blog na ito para sa 2011. Ang bilis ng panahon. Sa taba kong ito, nahirapan akong makipag-sabayan. Nakakahingal kahit na puro katamarang gawain lang ang ginagawa ko. Kung anong gaano ka-challenging ang 2011 sa akin ay siyang challenging din ng pagpapapayat ko. Kelangan ko na daw kasi pumayat sabi sa akin ng boypren ko. Di daw kasi pwede na ihaharap nya ako kay Bro na punong-puno ng fats ang puso ko. Baka nga naman di tumagos ang pagmamahal nya sa puso ko at ma-void ang pangakuan namin sa isa't isa (chos!)
Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak mag-post dito ngayon. Napadaan at napasilip lang naman ako. Nakita ko si Gillboard na naghapinyuyir sa akin at sumagot ako. Naintriga ako at naalala ang pa-contest nya at sumilip din sa kanyang kweba. Busy pa yata siya o malamang puyat pa sa putukan kagabi...
Medyo matagal-tagal na din akong di nagbabasa-basa ng mga post at tumingin sa "Best of 2011" nya. Naintriga ako sa Blog of the Year nya hindi dahil umaasa ako na mapapalagay ako dun (wish ko lang!) pero dahil nais kong malaman anong meron ang naging numero uno sa listahan nya at naging best ito. Isang whapak sa fez ko nung nabasa ko ang post nung sir Lio na tinatawag nila na may-ari ng Same Shit Different Day parang si Gillboard na magaling talaga sa pagboblog. At dahil dito, muli nanaman akong na-inspire. Kaya heto, napapost ako bigla.
Napakaswerte ng mga blogger na ito dahil isa sila sa mga gising nung nagpaulan si Lord ng galing sa pagsusulat. Ako, may tumalsik lang na isang patak (naks! kahit di naman talaga magaling, nagmamagaling pa din hek hek)
Umaasa ako na sa taong 2012, sisipagin na ulit ako. Tama na ang depress-depressan mode at pagmamapait... Iniwan ko na yun sa 2010 at kinalumutan para sa 2011.
Sabi nila maswerte daw ako sa taong 2012. Naku! Sana nga...
Happy new year ulit ay dapat pala Felix sit annus novus!
love you all!!!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
January 4, 2012 at 9:13 AM
Post a Comment