Alang-alang kay Rosa Rosal na namamayat na ngayon, muli nanaman akong nagpasipsip ng dugo sa Red Cross (kaya pala pulang-pula ang cross nila dahil madugo ang kanilang trabaho).
Medyo kakaiba ngayon ang aking karanasan. Hindi ko masabing naenjoy ko ito unlike my first try last year na everything went well.
Unang-una, medyo masakit ang pagkakatusok ng malaking karayom sa aking napakagandang balat (chos!) By the way, ang laki ng kanilang karayom ay kasing laki at lapad ng malaking perdible (as in yung malaki ha yung mas mahaba pa sa 1 inch na haba). Si ate kasi na manunusok eh sa maliit na nerve ko pilit isinuksok yung karayom. As usual, tulad ng dati, tapos na ang mga kasabayan ko at yung mga sumunod sa akin pero ako ay andun pa rin sa higaan at mega-pump pa din ng blood. Medyo mahapdi ngayon yung tinusok na ugat. Di magaling si ate pero sabi nya, "at least isang tusok lang" kasi yung kasabay ko ay nagkandaiyak na dahil hindi yata sila nagkasundo nung ugat di agad lumabas ang dugo.
Ikalawang dahilan ng medyo di kagandahang pagpapasipsip ko ng dugo which is also the worst thing that happend to me that time, after ko mag-merienda ng spugeti at samalamog (spaghetti at palamig) mga ilang minuto lang ay nagka-auditory hallucination ako (weird) may naririnig ako na tunog which is not present talaga sa paligid, then I feel uncomfortable at umakyat ako sa second flood ng building at nag-wiwi. After ko mag-wiwi unti-unti na akong nakaramdam ng pangingimi ng katawan at unti-unti nang nanlalabo at nagdidilim ang paningin... dali-dali akong bumaba (as in tinakbo ko pababa ang hagdan habang nakakaramdam ng hilo) at bumalik sa aking lungga at lumapit sa aking kasamahan, sinabi ko na ako ay nahihilo and then later on nakaramdam ng pagkaduwal... and the rest is history. End of the world ang pakiramdam ko. Di ko alam kung magpa-pass out ako. Pinakuha ko yung basurahan pero di na umabot... kumalat na ang aking snack sa sahig... total humiliation... buti na lang mabango ang banana essence hahaha
Umuwi akong hinang-hina.
Kinabukasan, travel galore ako papuntang kamaynilaan (4 na oras na byahe plus LRT1 at LRT2) upang makipagtagisan ng talino (kuno) sa PUP Sta. Mesa upang malaman lang na wala kaming klase.
Buti na lang dumating ang boylet ko at kumain kami sa Pizza Hut at nilibre nya ako ng masarap na spugeti at istap krast pitsa... hansaraaaap!
Umuwi akong busog pero hinang-hina pa din.
Mula nung nagsabi ako nang nangyari sa akin sa pagpapasipsip ko ng dugo, umulan na... umulan ng sermon mula sa nanay ko, kaibigan, kabalitaan at kakampi... pati si boylet galit... pero dahil love nila ako, tuloy pa din ang sermon.
Dumating ako sa bahay at natulog ng bonggang-bongga... ngayon, medyo okay na ako.
Dapat pala nagpa-lipo na lang ako hahahaha.
creepsilog
5 years ago
February 6, 2012 at 1:20 PM
February 6, 2012 at 2:27 PM
February 7, 2012 at 4:19 PM
February 9, 2012 at 4:44 PM
February 9, 2012 at 11:39 PM
@glentot - salamat salamat... nakakapayat daw to eh ahahaha asa pa naman ako dun :P
Post a Comment