Gumraduate ako ng college na NBSB (no boyfriend since birth). Eh ano naman?
Man Hater
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsA Bright Child
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsThere is this little girl who is 13 years of age who stood in front of the whole administration and discussed a topic about inner-directedness.
We are all amazed and really cannot believe that a girl as young as she is can be so confident and smart to tackle about the topic. From the start till the end of the seminar, what we do is to praise her for her talent and giftedness.
I can also hear those parents wanting to have a child like her who at the age of 4 can already be in the 4th grade level or grade 4 but according to her, she, together with her parents decided to start her schooling in grade 1. Imagine, a 4-year-old girl in grade one, who is now preparing for her senior year this june at the age of 13. Isn't amazing?
She even shared to us that she should've been studying now in college if she was given a chance to be accelerated in grade four. But thinking of her young age, her parents also would like her to enjoy her childhood years. Though still not appropriate on her age, she still try to get an advance review of the modules for higher years maybe 2 years advance and if I am right with what I have heard, she was also being consulted by administrators of different institutions.
She also do some website assessment and also conduct seminars like what she just did today with us.
I don't know if I'm allowed to give her name but even if it is, I would like to keep it a secret since I'm also trying to keep my real identity.
Anyway, I saw her blog and she said that the internet connection here was slow. I commented on her shoubox that maybe she was just connected to a slow server since I know that our connection (specifically in my brother's business) we don't have a problem with the internet (connection) speed.
This girl motivates us to excel more and strive for the best.
Layuan mo ako
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSino ang may gustong magkasakit? Sure na hindi ako yun! Maaaring noon ay gusto ko. Para magkaroon naman ako ng rest day. Yun nga lang may-sakit ako at hilung-hilo.
Ngayon, ayoko. Mahirap. Sobra!
Paano, sagabal sa trabaho. Isa pa, ang hirap magpigil ng ubo at suminghot-singhot na parang adik. Ang hirap din na lalambot-lambot. Madalas din, nakasimangot ako dahil nga masama ang pakiramdam ko. Mahirap naman yung nakangiting-nakangiti ako tapos nagdedeliryo na pala ako. Baka di pa ako paniwalaang may sakit kundi may topak.
Ang ginagawa ko, lumalayo ako sa mga carrier ng virus. Pero ewan ko ba. Nilalapitan nga yata ako ng kamalasan.
Ilang araw na din akong nananahimik. Ayoko kasing masabi na puro lang ako daldal sa trabaho. Tambak ang gawain at di pwede ang papetiks-petiks lang.
Pag tahimik ako, ibig sabihin ay dumistansya ka na. Di kasi masyadong sigurado kung mabait ba ako o may masamang iniisip. Tahimik ako pag galit. Tahimik din ako pag may masamang nararamdaman. Tahimik din ako pag ayaw ko sa'yo.
Pero itong little one na ito. Parang wala lang. Always there. E may ubo at sipon. Sinabi ko na baka mahawa ako pero wa epek! Ayan! Eto nahawa ako.
Inulit-ulit ko na nga siyang sinisi eh. Paano kung may nakakamatay na virus pala siya? weheheheh . Ah ewan. Naiinis lang ako. Kaya ayokong maging mabait. Nahahawa ako! Hekhek!
Gusto ko lang
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsKahit wala ako sa mood at maisip na matinong post, nagtype pa din ako ng kung anu-ano kasi gusto ko lang.
Kahit ayoko din sumagot sagot sa mga forum, sumagot ako ng kahit ano kasi gusto ko lang.
Ilang araw na din akong nagbabawas ng kain, pero lumafang ako kanina. Gusto ko lang
Nag-eexercise na ako. 15 to 20 minutes lang muna. Okay naman, nakakapawis tapos ang sarap pa maligo after noon... Kahit pasma ang aabutin ko, gusto ko lang mawala agad ang init sa pakiramdam. Pawis pa din, pero gusto ko lang.
Kaninang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep, iniisip ko na gusto kong mag-inom at mag-yosi kahit di ko yun bisyo o gawain. Gusto ko lang. Pero kani-kanina lang uminom ako ng isang bote ng San Mig Light. Humati pa ng konti ang kapatid ko. Di ko type ang beer at lalong ayoko nang mag-inom dahil matagal ko nang sinumpa yun. Akin ang 3/4 ng laman, sinabayan ko pa ng Sponge na cheese (pagkain ito at hindi ispongha na alam nyo). Bago pa yun lumafang nga ako ng pagkadami-dami tapos inabutan pa ako ng cake ng kapatid ko. Nilamon ko lahat yun. Gusto ko lang.
After noon, umikot ang pakiramdam ko sa tyan... nasuka ako... di ko yun gusto! Pero maganda na din, na-relieve ang sama ng pakiramdam. Salamat.
Senti mode, di ako depressed, nakiki-senti lang kasi puro senti ang tao. Senti na Emo na hindi ko maintindihan. Nakakainis din kasi nakakadala sila. Gusto ko lang.
Puro gusto ko lang. Nakakainis paulit-ulit. Lang kwentang post. Basta, gusto ko lang. he3x
Sari-saring kwento
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsUna...
Matagal ko nang alam na tumataba ako at lalo pang tataba. Wala akong motivation to lose weight o kaya "mag-exercise tayo tuwing umaga" (2x)upang ang katawan ko ay sumeksi na! Andami kasing temptations. Naiinis na nga ako, lagi nila akong tinatawag. Alam kasi nilang marupok ako. Marupok ako!!! Lalo pa akong na-sad nung sinuot ko yung isa kong shorts at medyo nahirapan akong huminga. Gosh! This is a nightmare! Gisingin nyo ko!
Ikalawang kwento...
Bakit ang hirap ispelengin ng mga lalake? Sumagot kayo! Di ko malaman kung lalaki ba o lalake, pero di yan ang problema ko. Ang hirap kausap ng mga kalalakihan. Masyadong pa-safe. Sarap kurutin on the side.
Ikatlo...
Ang laki ng bill ko sa phone, nakakailang load na din ako sa prepaid. Bakit ganun? Baket??!!!
Ikaapat...
Magulo pa din ang kwarto ko. Paunti-unti lang ako makapaglinis at pagkatapos nun parang dinaanan nanaman ng buhawi. Para akong hindi gerlash! Kung makikita lang talaga, parang basurahan.
Ikalima...
Wala na akong pera. Bakit ba ang hirap maging mahirap? Oo, guilty ako. Namili nanaman kami ng nanay ko. Oo, kumain galore nanaman ako (kaya nga lalong tumataba), Oo gumastos ako ng gumastos...But..but...but... nagcelebrate lang kami ng late for mother's day...but..but...I want to buy this and that eh!
Ikaanim...
Tama na muna ito... inaantok na ako ZZzzzz
Di ko maisip ang title...
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsMarami akong gustong gawing topic for this post pero di ko mapili talaga kung ano. Pero hayaan natin at kusang lalabas yan.
Habang nag-iikot-ikot sa blogosphere, nahagip ng malabo kong paningin ang "Patay Gutom Bloggers." Syempre, usyosera ako, ni-Google ko talaga siya para malaman ang kasagutan (bukod pa syempre sa mga blogs na nakitaan ko na ng ganitong chismis. Heniway, it's another panlalait at pananakit ng damdaming post about bloggers (na patay gutom nga daw.) Wala akong idea. Di ko masyadong papatulan kasi di naman ako apektado. Isa pa puro Ingles ang usapan, duduguin lang ako. Hirap na nga ako sa blog ko sa paunti-unting English tapos makikipagsabayan pa ako dun. Wag na lang!
Pero, masabi ko lang, sana ayusin na lang yung term. Ako nga din malamang nakakasakit din ng damdamin--sa blog man o hindi. Walanghiya ako eh!
May sumigaw. Libre yun kaya di ko siya pagbabawalan sa sinabi niya. Malamang nasaktan. Sorry pero tulad ng nasabi ko, sandamakmak na pasintabi ang ginawa ko para lang di magalit sakin ang mga Bisaya at kapwa ko Pinoy ako, Pinoy tayo. Sa kaalaman lang nga mga nakabasa ng "Bakit Nakakatawa ang Bisaya?" Ilang kaibigan, kakilala, ka-chismisan, ka-ym, at kung sinu-sinong tambay pa ang tinanong ko at pinabasa bago ko maipost ang bagay na yan. Sabi nila ay okay lang. Pero okay lang din na may mag-react. Ayos lang. Wag lang sana akong ma-dyaryo. Mahirap. Di ako ready na maging sikat tulad ni Chip Tsao o ni Carlo Ople (Kung sino sila, itanong mo kay Soriano!). Peace!
Nung tinupad ko ang aking pangarap na mabuo itong kletmakulet.com, medyo nahirapan ako na magsimula, naging takot ko ang mapanuring mata ng mambabasa at kapwa blogero sa WWW. Marami na din kasing naging issue tungkol sa mga article, post, o entry ng isang manunulat na ikinagagalit ng mambabasa. Honest lang sila (manunulat), honest lang din ang mambabasa. Pero siguro nga yan ang risk ng pagiging blogger. Malait, mapuri, tawanan, iwasan, pagalitan, saktan, pag-chismisan, pansinin, isnabin, bastusin, murahin at kung anu-ano pa.
Masasabi ko nga na parang ansarap ibalik yung time noong wala pang masyadong blogger at di pa kilala masyado ang blogging industry (kung yan man ay tamang term para sa mga bloggers parang music industry o showbiz.) Nakakamiss din ang AR-ES-DI (isang diary na parang blog na.. basta...) dun kasi tago, pwede mong sabihin ang gusto mo. Sarap magbaliw-baliwan. Dito, katakot, madali maisumbong ni Manong Google sa naghahanap at nagtatanong sa kanya. Si Google din kasi ang nagsumbong sa nanay ko na may sama ako ng loob sa kanya noon.
Pero para saan ba ang pagboblog? Di ba't nabuo ito para sa lahat ng maaari mong maisip na gawin, isulat o ikwento. Pwede kang magbusiness, mag-chismis, ma-chismis, magkunwaring marunong magsulat (writer kuno), blah... blah...blah... pero ang pinakamahalaga sa lahat ay ang maging totoo sa sinusulat mo. Sabi nga, walang basagan ng trip!
Di ko alam kung san pa tutungo ang post ko, wala akong maisip na title, wala din akong focus. Wala. Gusto ko lang magblog. Bat ba?
Sa kaalaman ng lahat, isa akong patay gutom. Founder nga ako ng samahan namin. Ang Patay Gutom Foundation (PGF-2003). Baka nais nyong sumali. Matagal na nga lang itong nabuwag kaya wala din.
Hay! Ang hirap ng gutom!
Swertehan lang yan!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsLast week Eds and I went to SM just to buy some stuffs that we're going to use for the Alumni Homecoming. After we had eaten our lunch and buy the things that we need, she told me she want to go to the Lotto station.
We went there. But according to the lady in-charge, offline daw yung lotto. Feeling swerte, at ako din kinakabahan na parang mananalo siya, I told her to buy some scratch cards.
Prizes from those scratch cards can be claimed instantly. Scratch mo lang yung card then pag nakkapag-match ka ng 3 klase ng symbols o amount, panalo ka na.
Ang mga mapapanalunan ay:Mega Money – win up to P200,000 cash prizes
RedHot7’s – win up to P77,777 cash prizes
Gold Rush – win up to P200,00 cash prizes
Double Dollars – win up to P200,000 cash prizes
Fast Cash – win up to P250,000 cash prizes
Over P300 Million in cash has been won!
She bought 2 cards. Turo ako ng turo (ang kulit ko kahit di naman match yung amount hehe). Tama ang kutob ko panalo siya! Yehey!!!
Scratch ulit, walang prize. Lam nyo kung magkano napanalunan nya? Super laki! 20 pesos lang yung card. Nakabuo siya ng 50 pesos! Bumili siya ng 2 card so kumita pa siya ng 10 pesos.
Naadik yata, ibinili niya yung napanalunan na pera for another 2 scratch cards. Talo. Dalawa pa ulit. Talo pa rin. At habang libang na libang sa paggastos ng pera si Eds ay may isang Ale na lumapit at nakita yata na nanalo si Eds, nakigaya. Di naman siya mukhang well-off so siguro nag-try lang din ng luck. Bumili at bumili at bumili din siya ng cards. Umalis na kami ay naglalaro pa din siya.
Kaya nga di ako tumataya sa mga Lotto, sweepstake, color game, bingo at kung anu-ano pa. Tumaya lang ako dati sa pustahan. Kapustahan ko ang mother ko. Sa halagang 100 pesos, kelangan mapatunayan na hindi Eigenmann ang screen name ni Sid Lucero. Pinipilit ng mother ko na Eigenmann ang surname niya. Sabi ko siya si Sid Lucero. Ayaw maniwala, ayun laglag ang 100 niya har har har.
Minsan nakikipagpustahan din kapatid ko eh. kaso di naman siya good payer kaya ayoko na!
Sa sugal, swertehan lang yan. Sugal nga eh! Kung ilan ang choices, one out of that number of choices or options ang probability na mananalo ka. Parang sa toss coin--2 ang side nya kaya 1/2 ang probability na makukuha mo ang obverse at 1/2 din ang probability na makukuha mo ang probability na makukuha mo ang reverse. Tama?
Parang life, swertehan lang din. Di mo alam kung anong mangyayari pero susugal ka pa din para sa kinabukasan. Isusugal mo kung anong meron ka, minsan kahit yung wala ka (kaya nagkakautang) para lang manalo sa buhay dito sa mundong ibabaw.
Pero may magagawa pa din naman tayo para suwertehin. Gawin ang tama, para di karmahin!
Aba! Akalain mo!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsLalagnatin yata ako. Malamang nilalagnat na nga ako. Lampas ng 39 degrees ang temperature ko. Akalain mong pagkatapos kong mag-blog kanina ay himalang naglinis ako!
It's a miracle! Sabay sisigaw si Nora (Aunor) ng "Walang himala!!!" Weh!
Since umulan, naging bisita ko na ang mga little ants at syempre di ako papayag na makipamahay ang mga little creatures dito lalo na at puro sokolets (chocolates) ang munting kwarto ko at pati pala mga chocolate wrappers na iniipon ko ay prone na sundan ng mga anting anting na yan.
Heniway, ayun nga naglinis ako. Wala akong mahanap na pang-spray. Kasi naman kung saan tinatago ang Baygon ayun nagamit ko tuloy yung spraynet at mga cologne ko na nasa atomizer para lang ma-deadsung ang mga langgam.
Awa ni Lord na mabait (Uber!) Nawala ang mga ants pati na din ang mga kalat sa kwarto ko. Yehey!
Konti na lang pwede nang ilaban sa pinakamalinis na basurahan ang kwarto ko. Wehehehe!
Kwentong Vacation (NE 2009)
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsDapat ay nagtatrabaho ako sa araw na ito pero paggising ko kanina ay para akong binugbog sa sakit ng buong katawan ko. Tatlong araw ka ba namang mag-alaga ng bata na pagkataba-taba ewan ko lang kung di ka talaga sakitan ng katawan nun (bukod pa syempre sa biyahe.)
Wala akong masyadong nagawa sa bakasyon ko dahil maikli lang ang stay namin sa probinsya ni "Mader dir" (mother dear.) Nag-alaga lang kay Mav at nagpaganda ng Lola ko na akala mo magdedebut at naging taga-video sa mga seniors (taray!)
Papunta pa lang...
Umalis kami dito sa bahay ng 4am. Dapat alas-tres kaya lang dahil pag bagong gising yata ay parang zombie na di agad makakilos ng mabilis, ay natagalan kami.
Plano ko nga sana na di na matulog kasi nga nag-iinternet pa ako that time at mga 2 hours na lang ay aalis na kami. Kulang sa dalawang oras ang tulog ko pero nabawi ko sa byahe dahil solo ko ang 2nd row ng van. Nagdala ako ng 2 pillow at kumot. Ayun! Sarap ng tulog ko para lang akong hinehele sa daan. Paggising ko ay nasa bandang Pampangga na kami. Ni hindi ko namalayan ang mga pangyayari sa paligid ko.
Tumigil-tigil ang sasakyan namin para lang sa wiwi-break at kain.
Sa Nueva Ecija na mismo kami kumain pero parang light meal lang yun dahil inaasahan namin na may food na sa bahay ng lola ko pagdating namin. Sa kasamaang palad ay wala palang naka-ready pa na nalulutp (garsh!)
Food break...
Kumain kami sa madalas naming puntahan, ang NE Cakes and Pastries.
Nai-feature na sa TV ang lugar na ito at marami na din itong branches pero di ko na ilalagay dito ang kwentong yun dahil wala akong planong isama pa yun dito hehehe.
Umorder kami ng "papaitan" na matagal-tagal na din namin na di nakakain. Masarap yung papaitan kasi dito sa Nueva Ecija kasi may dahon ng sampalok na dagdag asim sa sabaw (naglalaway tuloy ako dahil naiimagine ko *punas laway*)
May nakuha pa akong tissue na pwede kong idagdag sa aking koleksyon. Yehey!!!
Nagpichur-pichur din kami ng kapatid ko habang naghihintay sa asawa nya at sa nanay ko sa pamimili sa grocery.
Sa Barrio Cabucbucan...
Astig ng name no? Cabucbucan, Rizal. Naisip ko noon, kaya siguro Cabucbucan dahil maalikabok ang daan hehehehe. Di ko pa naitatanong sa mga taga-doon kung bakit yun ang pangalan ng kanilang lugar.
Fiesta nga pala sa kanila kaya nandun kami, aside from panahon ng anihan kaya si mother dear ay kukuha ng kinita ng kanyang makinarya na kilala sa tinatawag na Tilyadora. Ito yata yung taga-hiwalay ng palay sa uhay o sa mismong rice stem. Basta yun na yun!
Di tulad ng mga nakaraang fiesta doon, ito yata ang pinaka-flop na Fiesta nila (o baka nahuli lang kami ng dating.) Kokonti lang kasi yung tiangge na nakahilera sa daan. Di ganun ka-bongga ang mga activities na nakita ko like yung sa Senior's Night ng Lolo at Lola ko.
Senior's Night...
Kakaiba ang oras ng mga Seniors. Yung oras na dapat ay nagpapahinga sila dahil medyo oldie-oldie na eh parang mga bagets ang oras na napili nila. Ang start ng kanilang Senior's Night ay 9 p.m.
15 minutes bago mag-alas nuwebe, naghanda na ang dalawang makiki-party. Si Lola ay suot ang pinatahing gown nya na kulay gold, palay na palay ang arrive! At si Lolo naman ay naka-white long sleeves. Simple lang para sa simpleng bagets.
Syempre, ako ang make-up artist ng Lola dear. Foundation, eyeshadow, eye liner, blush on, lipstick... Medyo inookray pa ako ng Lolo ko at super puti daw ng mukha ni Lola at makapal ang make-up. Medyo conservative po kasi si Lolo, ayaw ng napapansin masyado ang Lola whehehehe.
Wag ko daw siya (Lola) pagandahin masyado at baka kapansin-pansin daw siya doon. Tama nga siya naging kapansin-pansin ang kagandahan ni Lola kasi siya lang ang maganda ang damit at make-up.
Kami ni kuya ang taga-kuha ng picture and video ng gabing yon. Naging masaya kami ng kapatid ko--di dahil sa maganda ang event pero dahil madaming nakakatawang nangyari. Sorry pero nang-okray po kami ng mga dancer, pati si Mayor ay di naka-lusot sa amin. Maiihi na ako kakatawa.
Fiesta means Food...
Pag sinabi mong fiesta, may sandamakmak na kainan dun. Kaya kami ay lumobo lalo sa paglafang. Ako na nagda-diet kuno ay napakain ng madami. Sira lalo ang aking pagpapapayat.
Aside from that (the foods), naka-ready ang isang case ng softdrinks (Coke Litro) para sa amin na di umiinom ng water galing sa pozo. May dala kaming distilled water pero syempre love kami ni Lola kaya di na sya naghihintay pa na magpa-cute kami para lang sa softdrinks. Alam kasi nya na adik kami sa cola.
Uwian na!!!
Parang walang nangyari, umuwi na din kami. Medyo di masyadong comfy ang aking pwesto kasi may dala akong uncle na nakisakay. So move ang mother ko sa tabi ko and one uncle na naki-upo sa pwesto ko. Saklap ng pwesto ko may baggage pa sa paanan ko kaya nakaka-ngawit lalo na sa pwet hehe.
So ayun nakarating kami halos 2a.m. na.
Ang haba ng kwento ko pero ang konti lang naman ng nangyari.
Welcome back kuya Daya!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNaks! Where have you been? As if di tayo magka-chat ngayon.
Nice to chat with you again... tagal mong nawala... kala namin nagpakasal ka na hahaha.
Sayang di mo naabutan ang muks nung pasara na sya. Anyway members are still hoping that it'll be back soon.
Ayun lang... para may bagong post hahahah ... welcome back ulit! *hugs* uuuyy payat na! :P
My five-day Holy Week vacation
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI'm home. It'll not be a different Holy Week for me and my family.
We've been spending the five days vacation just to relax, sleeping, surfing the net (most of the time, for me), play Zuma for my mom and tito, take care of my nephew, cook for my family, and of course how can we forget... observe Holy Week in our own little way.
Too bad we didn't have "pasyon" or "pabasa." It has been 2 years now since my aunt went to California for my lola and never went back. I know that we should have the initiative to continue this. I don't have any reason to say.
Well at least we're able to follow the abstinence from meat. I've been trying to do fasting but I always end up eating more since I'm really starving. At least I tried.
I can't abstain myself from the internet... I just can't. Sorry Lord. (;_;)
Ubos Biyaya
Posted by: Klet Makulet, 1 commentsAnother "ubos-biyaya" time for me since last week. Kahit broke na ako, buy pa rin!
I am a practical minded person, I try to get my money's worth, make use of the things I have but parang naging kakaiba ako ngayon.
Last week I bought 3 pairs of sandals and 1 bag and take note, hindi pa sale!
Yesterday, I got 3 tees and a pair of jeans.
Now I acquired 3 blouse, 1 earth saver bag, head band.
Aside from that, I spend a lot for food.
How's that?
Lalagnatin yata ako! Ha3x
All in One
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI have a lot of stories to share so I think tama lang na pagsama-samahin ko na lang ang lahat sa isang post.
Una nagluto ulit ako ng bago kong specialty na tuna sisig since Friday ngayon at bawal ang pork.
Second, nag-fillet-o-fish ako sa McDonalds, sa sobrang pageenjoy ko sa pagkain, nalimutan ko ang binili kong take-out meal ng kasamahan ko. Nakabalik pa tuloy ako ng hindi oras sa McDo. Buti na lang walang nag-tangkang umangkin sa meal. Mahal din yun.
Third, tinopak ako kaya nagtattoo ako sa katawan. Di naman permanent, di rin henna. Ginamit ko ang liquid eyeliner at sinample ko sa kamay at binti ko. Astig! Si Ninya ay nilagyan ko din sa nape. Ang daming pumansin. Sikat siya!
eto yung tattoo.. pangit kasi nagsmudge at syempre binasta lang wehehehe
Fourth, antok nanaman ako dahil busog. Kahapon pa ako ganito.
Fifth, nanlibre si Eds. Sarrrrraaaapppp! Sa Zym kami pumunta. Ang kinain namin ay 3-star spicy beef spareribs (3 ang level ng spiciness... the hottest is 5), 1 order of Buffalo Chicken Wings,and Zym Special (pizza focaccia)<---dito di ko sure ang totoong tawag hehehehe di rin sya masarap kasi basta yun na yun. Sixth, WALA NA!
Bisi-bisihan
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsIlang araw na pala akong walang update pati sa ibang pinupuntahan ko ay di na din ako napapadaan. Ganun na pala ako ka-busy at wala na akong anti-social life (joke!)
Bisi-bisihan ako ngayon sa paggawa ng report para sa school namin (nag-aaral ulit ako di ba?)
Sa pag-aakala namin ng ka-grupo ko na turn na namin para mag-report, cramming kami sa paghahanda. Wala kaming LCD projector at lalong wala kaming screen kaya ang ginawa namin ay nagdala ako ng laptop at nagdala ng LCD monitor ang ka-group ko, yung isa naman ay nagdala ng video.
Ayos! Para talagang ready kami sa presentation. Ang totoo, hindi. On the spot at nag-copy and paste ako ng report ko sa PowerPoint.
Sa awa ni Lord, nakaraos kami ng isang reporting pero may isa pa ako nitong hapon. Swerte ko lang talaga at medyo late lagi nagsisimula ang klase kaya di na ako inabot sa pagrereport. Ang saya!
Ibig sabihin din noon, may isang report pa akong dapat tapusin.
Kaya eto, bisi-bisihan ang lola nyo. :P
Assignments nanaman!?
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsPumapasok ulit ako. At tulad ng inaaasahan sangkatutak na assignment at reporting nanaman ang ibinigay sa amin. Di ba, pag pumasok ka sa school, karaniwan na ang magkaroon ng assignment sa bawat subject.
Ok lang sana kasi nakasanayan ko na ito saka medyo madali na ang pagreresearch aside from the growing number of books in the library, may internet na din.
Ang problema ko lang naman ngayon ay yung nireresearch ko ay medyo malawak at mukhang iba pa ang ginamit na term kaya di madaling hanapin. And take note, sa reporting, ito ang una. How saklap naman!
Sumasarap ang Tulog
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSabi ni Medwin ng True Faith, "Ganito ang umaga, di 'pagpapalit sa iba... Sumasarap ang gising, buong araw ay gaganda," pero parang mas gusto kong sabihin na "sumasarap ang tulog."
Ito ang umagang masarap itulog--malamig. Mahirap gumising at maligo pero ayos lang yun!
Sa Metro Manila, ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration), ay nakapagtala ng 18°C to 29°C, sa Baguio naman ay 09°C to 20°C. Dito naman sa amin, ayon sa aking relo na may pangkuha ng temperature (di ko lang alam kung reliable ba ito) ay 23°C pero sa aking palagay, maaaring mas mababa pa ang temperatura.
Kung ako ang tatanungin, ayoko munang matapos ang ganitong klima. Sabi ko nga kanina sa aking kasamahan, "ine-enjoy ko ang panahon na ito." Totoo, dahil alam ko parating na din ang napakainit na panahon ngayong bakasyon.
Ine-enjoy ko din ang pagsusuot ng jacket o mga damit na panglamig dahil minsan lang ito. Di ko na kailangan pang pumunta ng Baguio o sa ibang bansa para makaranas ng ganito kalamig na weather.
Nakakatulong din ito na makaiwas ako sa mga malalamig na panghimagas (dessert) o inumin (juice, cola, iced tea, etc.) Saka masarap kumain ng mga sopas (soup), mainit na kanin at ulam (yum!)
Sa ngayon nanginginig na ako sa lamig kahit na sarado na ang pinto at bintana (Brrr.)
*kelan kaya magkaka-snow sa Pinas?
Sa Mall
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsYear end sale pa din sa SM (siguro sa ibang mall din.) Di na ganun kadami ang taong namimili. Wala nang siksikan...
Pero ewan ko ba naman kung bakit sa tinagal-tagal nang may mall dito sa Pilipinas ay parang di pa matuto-tuto ang mga pumapasok sa mall. Di ba masanay na kung may dala kang bag, kelangan mong buksan para mainspeksyon.
Pinapatagal lang kasi yung pagpasok at madaming napapatagal dahil lang sa di matuto-tutong mga tao.
Ano ba naman yung buksan mo na ang bag mo. Ipakita mo na ang laman. Tapos! May bomba ba yan? Tsk Tsk. Katamaran!
Anyway, nagpunta kami sa mall para bumili ng shoes ni Eds. Nakabili din ako. Mura lang. From 699 na naging 499 at ngayon, Php350 na lang!
Bumili din ako ng Piknik. Sarap!
Tumingin kami ng mga die cast cars sa Toy Kingdom. Wala akong nagustuhan.
Kumain din kami sa Buddy's Pizza. Pero di kami kumain ng pizza dun. Natakam ako dun sa Pork BBQ. Dapat Sizzling pork sisig na lang kasi mas gusto ko ang lasa nya. Hmm sa susunod hekhekhek. Nabusog naman kami. Sa sobrang busog nahihilo na ako at masakit ang ulo waheheheheh.
Naglakad ako pauwi dahil wala nang jeep papasok sa village namin (huhuhu.) Dun ako sa highway bumama at pumasok sa iskinita. Ihing-ihi na ako grabe! Umaambon pa at malamig ang ihip ng hangin (torture!) Buti na lang nakaya kong i-hold yung wiwi kung hindi basang-basa ako--hindi sa ulan kundi sa wiwi waheheheheh.