this on Facebook!

Bisi-bisihan

Posted by: Klet Makulet,

Ilang araw na pala akong walang update pati sa ibang pinupuntahan ko ay di na din ako napapadaan. Ganun na pala ako ka-busy at wala na akong anti-social life (joke!)

Bisi-bisihan ako ngayon sa paggawa ng report para sa school namin (nag-aaral ulit ako di ba?)

Sa pag-aakala namin ng ka-grupo ko na turn na namin para mag-report, cramming kami sa paghahanda. Wala kaming LCD projector at lalong wala kaming screen kaya ang ginawa namin ay nagdala ako ng laptop at nagdala ng LCD monitor ang ka-group ko, yung isa naman ay nagdala ng video.

Ayos! Para talagang ready kami sa presentation. Ang totoo, hindi. On the spot at nag-copy and paste ako ng report ko sa PowerPoint.

Sa awa ni Lord, nakaraos kami ng isang reporting pero may isa pa ako nitong hapon. Swerte ko lang talaga at medyo late lagi nagsisimula ang klase kaya di na ako inabot sa pagrereport. Ang saya!

Ibig sabihin din noon, may isang report pa akong dapat tapusin.

Kaya eto, bisi-bisihan ang lola nyo. :P


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com