Halu! Natagalan akong magpost ulit. Mga isang linggo akong walang update dahil sa studies and shooting (Haha! Totoo, may shooting ako--bilang dakilang extra.)
Isa ako sa daan-daang extra na lumakad sa isang libing. Ganun pala yun, isang napakaikling scene ay inaabot ng kalahating araw (GRABE!) Medyo nakakainis na nakakatawa na nakakaitim na experience pero okay na din kasi kahit papaano ay naranasan kong mag-shooting para sa isang totoong pelikula.
Since libing, lahat kami halos ay naka-itim. Ito kunwari ay mga 1950's kaya lang parang madaming di nakaintindi na luma dapat ang dating ng damit. Akalain mong may nagsuot ng skimpy pants/hot pants, short skirt at kung anu-ano pa. Ako naman ay naka-maternity dress ng nanay ko na dark blue, pinatungan ko ng black blouse na may panloob na black skirt. Anlabo! Basta magulo. Ampangit! Basta magmukha lang sinauna pinabayaan ko na.
Ang tagal ng paghihintay. Call time ay 8:00 a.m. pero nakunan ang scene ng mga halos 10 a.m. na. Nakakanta na kami ng kung anu-anong kanta sa patay para lang ma-entertain kami. Kumanta ng "Five Years" ng Sugar Hiccup, "May Bukas Pa" by Rico Puno, "Saan ka Man Naroroon" at kung anu-ano pa.
Ang matindi pa nito, bawal mag-payong! e halos tanghaling tapat na kaya nun. 2 take pa kami. Kinunan kasi ng malapitan at malayuan ang scene.
Syet na malagkit! Buti na lang may merienda at maaga kami pinauwi kaya medyo okay na din.
Di ko lang alam kung mapapansin ba ito sa ibang lugar pero ipapalabas ito sa SM Cinema on February.
Update ko ito pag may matinong info na ako.
FYI: compulsary ang pagsali namin sa shooting kaya kahit ayoko ay napilitan ding sumama...
creepsilog
5 years ago
February 16, 2009 at 2:45 PM
Post a Comment