They say that in human relations, the two most important words were "Thank You" in Tagalog, Salamat.
According to Readers Digest's GLOBAL COURTESY TEST, Manila, Philippines ranked 3rd with Helsinki, Finland for being the least courteous city. One of their test is to see whether store sales assistants will say thank you after a client buys something of any amount.
Should we be affected of this survey? Is the survey generally true about us Filipinos? (By the way the survey was done way back I think 2006.)Not!
They say "Saying 'Thank You' can open more doors than you think" and it give a good impression of your personality. True. And I think we should always practice good values in our everyday living for it will bring us good karma.
Tagalog naman. Bat ko nga ba naging topic ang pagpapasalamat? Ito ay dahil napapansin ko nga na parang iilan na lang ang nga nakikita ko na marunong magpasalamat at pagbibigay galang.
Sa sitwasyon na lang ng araw-araw kong pagpasok. Sa jeep, iilan lang ang mga tao na marunong magpasalamat sa pag-abot ng bayad at sukli nila. Sa daan, iilan lang ang marunong magbigay o kaya naman di marunong mag-excuse me, magsorry sa nababangga at nagpapasalamat sa nag-gi-give way. Minsan nambabangga na nga, ikaw pa ang may kasalanan. Mapa-matanda o bata para bang lumilipas na din ang tinatawag nating "kabutihang asal."
Sobrang tanda ko na ba at parang ang bilis magbago ng paligid? Noon kasi parang deadly sin yung di ka magpasalamat, mag-excuse me, mag-sorry, at iba pang di nagagawang mabuting asal sa iba. E ngayon, parang korny pa ang maging mabait.
Wag mong asahang magiging mabuti sa iyo ang iba kung ikaw mismo ay masama. Maswerte ka kung kahit na nuknukan ka ng sama, ay makakahanap ka pa ng mabuting tao na tatratuhin ka ng maaayos at bilang tao.
Di ba nga, ang sarap naman sa pakiramdam ang makapagpasalamat, kahit walang "you are welcome" na kapalit. Subukan mo. Malay natin baka isang araw may mabuting maidulot sa buhay mo ang pagpapasalamat at pagiging mabuti mo.
Sa lahat ng nagbabasa sa blog ko, sa lahat ng nakakasalamuha ko (online man o offline) THANK YOU VERY MUCH!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment