this on Facebook!

Ash Wednesday

Posted by: Klet Makulet,

Ash Wednesday ngayon. Swerte at naka-attend ako ng misa kanina at nakapag-palagay ng abo sa noo.

Sa mga Katoliko, ito ay hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Todo pakinig ako sa Homiliya ng pari pwera sa konti side-comments at kulit sa katabi na parang kiti-kiti.

Sabi ko di ako kakain ng karne para kahit yun lang ay magawa kong sakripisyo. Tiniis ko ang malansang isda na ulam sa tanghalian. Pero di ko kaya ang isang kainan lang sa buong araw.

Umuwi ako ng maaga. Nagtanong ng ulam. ADOBONG BABOY! Gutom na ako....



Lord, sorry napakain ako ng baboy huhuhu sinasadya ko. Promise pipilitin kong di na maulit. Nagdadiet pa naman ako wahehehhe.

Kwento lang.. cute naman ni Sheryl Cosim, may abo sa noo.. la lang :)



 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com