this on Facebook!

Frustrations in life

Posted by: Klet Makulet,

Lahat tayo ay may "frustrations" bukod sa nafu-drustrate tayo sa mga problema, frustrated din tayo sa mga bagay na di natin magawa o matupad.

Tulad ko, frustrated artist ako. Frustrations ko ang pagsusulat, pagpinta at pagguhit, pagkanta, pagsayaw, maging magaling na photographer at kung anu-ano pa. Mga gawaing pinipilit kong matupad sa aking maliit na paraan tulad ng pagsusulat na ngayon ay nabibigyan ko ng katuparan sa pamamagitan ng pag-bo-blog at pagkatha ng mga kwento at tula na madalas ay ako lang ang nakakabasa.


Minsan ay ikukwento ko ang bawat frustrations ko at kung pano ko ito hinaharap.

Ikaw, Anong mga frustrations mo sa buhay at paano mo ito nabibigyang katuparan?



 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com