Sabi ni Medwin ng True Faith, "Ganito ang umaga, di 'pagpapalit sa iba... Sumasarap ang gising, buong araw ay gaganda," pero parang mas gusto kong sabihin na "sumasarap ang tulog."
Ito ang umagang masarap itulog--malamig. Mahirap gumising at maligo pero ayos lang yun!
Sa Metro Manila, ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration), ay nakapagtala ng 18°C to 29°C, sa Baguio naman ay 09°C to 20°C. Dito naman sa amin, ayon sa aking relo na may pangkuha ng temperature (di ko lang alam kung reliable ba ito) ay 23°C pero sa aking palagay, maaaring mas mababa pa ang temperatura.
Kung ako ang tatanungin, ayoko munang matapos ang ganitong klima. Sabi ko nga kanina sa aking kasamahan, "ine-enjoy ko ang panahon na ito." Totoo, dahil alam ko parating na din ang napakainit na panahon ngayong bakasyon.
Ine-enjoy ko din ang pagsusuot ng jacket o mga damit na panglamig dahil minsan lang ito. Di ko na kailangan pang pumunta ng Baguio o sa ibang bansa para makaranas ng ganito kalamig na weather.
Nakakatulong din ito na makaiwas ako sa mga malalamig na panghimagas (dessert) o inumin (juice, cola, iced tea, etc.) Saka masarap kumain ng mga sopas (soup), mainit na kanin at ulam (yum!)
Sa ngayon nanginginig na ako sa lamig kahit na sarado na ang pinto at bintana (Brrr.)
*kelan kaya magkaka-snow sa Pinas?
creepsilog
5 years ago
Post a Comment